Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 888 - Hindi Kami Mapanganib

Chapter 888 - Hindi Kami Mapanganib

"Pero ginawa mo ang lahat ng iyon para iligtas ang mundo," katwiran ni Ali ng may luha sa kanyang mga mata. "Ibinigay mo na halos lahat para iligtas ang mundo, ang lahat ng ginawa mo, ay para sa ikabubuti ng mundo, pero ang mga taong ito ay alam lamang na tamasahin ang mga benepisyo. Ang ginawa nila ay baliin ang mga pangako nila!"

"Ang ginagawa namin ay para sa kapakanan ng kapayapaan ng mundo!"

Bigla ay ilang embahador na nakasuot ng suit ay naglakad patungo sa kanila. Ang nangunguna sa mga ito ay isang babae. Mukhang nasa edad kwarenta na ito at wala ni isang hibla ng buhok nito ay wala sa ayos. Nakasuot ito ng konserbatibong pant suit, na siyang nagbibigay sa kanya ng hitsura ng isang masungit na punungguro. Itong babae ang nagsabi ng mga salitang iyon.

Pumasok ito ng tumutunog ang mga takong nito sa sahig. Ang lahat ay maingat ng tumingin sa kanya, at tila wala sa kanila ang nakakakilala kung sino ito. Gayunpaman, maaaring sabihin na isa itong importanteng tao kung hindi ay hindi susunod sa likuran nito ang mga embahador na iyon.

Tumigil sa kanilang harapan ang babae at ang masuring tingin nito ay pinasadahan sila ng sulyap. Binuksan nito ang bibig upang ipakilala ang sarili, "Ikinagagalak kong makaharap kayong lahat, hayaan ninyong ipakilala ko ang aking sarili. Ako si Tong Liang, ang vice secretary mula sa United Nations na nakatalagang humawak ng kasong ito. Masaya akong makadaupang-palad ang lahat, at personal kong pinasasalamatan ang lahat para sa kontribusyon nila sa pagliligtas ng mundong ito."

"Kung totoo nga iyan, siguro ay dapat mo na silang pawalan," pauyam na sabi ni Sam.

Bahagyang ngumiti si Tong Liang. "Narinig ko ang lahat ng sinabi ninyo. Naiintindihan ko ang mga nararamdaman ninyo, pero hindi namin maaaring hayaang diktahan tayo ng sarili nating emosyon at hayaan ang mga mapanganib na kriminal na ito na maging parte ng normal na lipunan ng tao. Kaya naman, umaasa ako na maiintindihan ninyo ang mabuting hakbang na inihanda namin para sa kanila."

"Hindi kami mga mapanganib na kriminal!" Sambit ni Shi Jian. "Kung nais naming saktan ang lipunang ito, hindi na sana kami nagrebelde laban kay He Lan Yuan."

Malamig na nagpatuloy si Tong Liang, "Nawala na ang kapangyarihan ni He Lan Yuan, kaya hindi na siya isang banta. Kung hindi kayo nagrebelde laban sa kanya, ang katapusan ninyo ay maaaring mas malala, kaya naman, nakikita ko kung bakit nagdesisyon kayong magrebelde. Isa pa, lahat kayo ay lumaki sa ilalim ng kanyang impluwensiya, kaya sino ang makakapagsabi kung ano ang mga tumatakbo sa maliliit na ulo ninyo."

"Dahil lamang sa ispekulasyon mong ito, ay tinatrato na kami ng ganito?"

"Hindi namin mapipigilan ito dahil ang katotohanan ay lahat kayo ay binantaan na ang mundo dati."

"Ang lahat ng iyon ay kagagawan ni He Lan Yuan! Wala itong kinalaman sa amin!"

"Pero lahat kayo ay naging instrumento para maging matagumpay ang kanyang mga plano. Bago makumpirma ang lahat, lahat kayo ay mga suspek, at kapag nakumpirma na namin na wala sa inyo ang magiging banta sa lipunan ay saka lamang kayo mapapakawalan."

Ang mga salita niya ay tila nagbigay ng pag-asa na kailangan ni Shi Jian. Desperado itong nagtanong, "Paano namin mapapatunayan na hindi namin nais saktan ang lipunan?"

Ngumiti si Tong Liang, at nagpatuloy siya sa pagsasalita ng walang emosyon. "Siyempre… matapos ang taon ng obserbasyon."

Dumilim ang mukha ni Shi Jian. "Sa madaling salita, kailangan pa din kaming ikuwarantina?"

"Hindi tama ang salitang kwarantina. Naging mabait naman kami na ihanda ang isang maliit na isla para sa inyong lahat para masiguro ang mga pangkaraniwan ninyong pangangailangan. Mayroon pa din kayong kalayaan na hinihiling ninyo doon sa isla."

"Gaano kalaki ang isla at ano ang magagawa namin doon? Ano ang eksaktong inihanda para sa amin?" Tuya ni SHi Jian.

"Ang maliit na isla ay bagong gawa, at ang mga bahay ay naitayo na. Maaari na kayong tumira agad pagkadating ninyo. Ang isla ay may library, kung saan makakapagbasa kayo at makakapanood ng telebisyon. Mayroon din itong mga basic necessities tulad ng isang sports center," direktang sambit ni Tong Liang.

Related Books

Popular novel hashtag