Mahirap tanggapin ang katotohanan na naloko ang isang tao. Isa pa, matagal na mula ng nakatikim ng pag-asa sina Shi Jian at ang iba pa, at ngayon ang pag-asang iyon ay malupit na kinuha muli sa kanila. Sumabog na ang pagkainis at galit nila.
Namuhay sila ng halos buong buhay nila sa kawalan ng pag-asa, hindi sila binigyan ng kahit na anong pag-asa ng He Lan family kaya naman hindi sila nangahas na magdasal na mabigyan ng pag-asa. Iyon na ang inisip nila sa buong buhay nila.
Gayunpaman, nang gustong pagharian ni He Lan Yuan ang mundo, sinira ni Xinghe ang plano nito at pinangakuan sila ng kalayaan!
Ang tawag nito sa kanila na umaksiyon ang bumuhay sa kanilang pag-asa patungo sa buhay na malaya. Ito ay dahil sa kanya kaya nagdesisyon silang magrebelde laban kay He Lan Yuan at bumalik sa Earth. Pero sa bandang huli, isa lamang itong kasinungalingan?
Dahil sa kawalan ng pag-asa ay napatingin ng may sakit si Shi Jian kay Xinghe, ang tinig nito ay pilit na lumabas mula sa lalamunan nito. "Miss Xia, naaalala mo pa ba ang mga salitang sinabi mo bago mo winasak ang mga satellite?"
Nagulat si Xinghe. Nagpatuloy si Shi Jian sa pagsasalita. "Maaaring hindi mo na naalala, pero perpekto naming naaalala ang lahat, gusto mo bang ulitin ko ang mga iyon?"
Umiling si Xinghe. "Hindi na kailangan, malinaw ko silang natatandaan."
"Kung gayon ay sabihin mo sa akin, ano ang sinabi mo noon?!"
Dumilim ang mga mata ni Xinghe at malamig niyang inulit ang kanyang mga salita, "Ang sabi ko, hanggang pinaslang ninyo si He Lan Yuan, ang magandang daigdig na ito ay tatanggapin kayo. Hanggang sa pinatay ninyo siya, ang lahat sa inyo ay magiging malaya at makakatakas mula sa banta nito at pagmamalupit…"
"Ano pa?" Diin ni Shi Jian.
Nagpatuloy si Xinghe na tila isang recording machine na walang emosyon. "Sinabi ko din, na hanggang sa pintay ninyo siya, lahat kayo ay magiging malaya, at wala nang makakakuha pa ng inyong kalayaan at kasiyahan… Wala ng iba pa!"
Nagtanong sa nanginginig na tinig si Shi Jian, "Kung ganoon ay ano ito?!"
"..."
Wala nang makakakuha pa ng kalayaan at kaligayahan namin… isa itong kalokohan. MIss Xia, pinagkatiwalaan ka namin, nirespeto ka, at ito ang dahilan kung bakit kami narito ngayon. Gayunpaman, wala pa ding nagbago, wala pa din kaming napala. Makokontrol pa din kami at wala pa ding kalayaan para sa amin, hindi ba tama iyon?!"
Ang sigaw ni Shi Jian na may kalangkap ng sakit ay tumagos sa puso ng lahat. Sa unang pagkakataon, naramdaman si Xinghe kung gaano siya kawalang kwenta at kung gaano siya kasuklam-suklam. Ito ay dahil si Xinghe ang nagbigay sa kanila ng pag-asa at ngayon ay nagdagdag lamang sa kanila ng kawalan ng pag-asa. Ito ay dahil sa kanya kung kaya nauwi sila sa malungkot na pangyayaring ito.
"Hindi niya ito kasalanan!" Humakbang pasulong si Mubai, "Hindi rin ito ang hiniling namin, pero wala kaming magagawa. Hindi Diyos si Xinghe! Ginawa na niya ang lahat ng magagawa niya, pero hindi siya perpekto; hindi niya malulutas ang lahat."
"Kung ganoon ay hindi na sana niya kami binigyan ng pag-asa at mga pangakong walang laman!"
Biglang binuksan ni Xinghe ang kanyang mga labi para sabihin na, "Patawarin ninyo ako, kasalanan ko itong lahat."
Ito ay dahil sa kakulangan niya ng paghahanda kung kaya nauwi sila sa kawalan ng pag-asang pangyayari na ito.
"Xinghe, hindi mo ito kasalanan!" Umabante si Sam na may galit at nakipagtalo, "Kasalanan ito ng mga namumuno na binawi ang mga sinabi nila! Kasalanan nila itong lahat, wala itong kinalaman sa iyo."
"Kasalanan ko ito!" Kumpirma ni Xinghe. "Walang nagsabi sa akin na pangakuan sila, at nagmula ang mga ito sa aking bibig. Ngayon ang sitwasyong ito ay nilikha ng aking mga kamay at naging ganito ito dahil sa napakawalang-silbi ko."