Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 886 - Para Sirain Tayo

Chapter 886 - Para Sirain Tayo

"Salamat."

Nirerespeto pa din ni George si Xinghe, kaya naman hindi na niya ito pinahirapan pa. Iginiya niya palayo ang mga tauhan niya para bigyan sila ng kaunting privacy. Napagtanto na noon ni Shi Jian ang kaseryosohan ng sitwasyon. Tahimik silang nakatingin kay Xinghe.

Sinalubong ni Xinghe ang kanilang mga tingin at direktang sinabi, "Ang mga matataas na opisyal ay nagdesisyon na ipadala kayong lahat sa isang maliit na isla. Magkakaroon kayo ng magandang buhay doon, at hindi nila kayo sasaktan."

Hindi madaling maloko si Shi Jian, kaya nagtanong ito, "Bakit kami mapipilitang mamuhay sa islang ito at samahan doon sa ganitong hitsura na tila kami'y mga takas na bilanggo?"

"Paumanhin, wala akong ideya na magkakaroon sila ng ganitong klase ng desisyon. Gusto nilang ihiwalay kayong lahat mula sa normal na lipunan ng mga tao."

"Bakit?" Naguguluhang tanong ni Shi Jian, pero habang ginawa niya ito, agad na naisip niya ang sagot.

"Gusto nilang parusahan kami dahil sa mga pagkakasala namin?" Tanong niya ng may lambong sa kanyang mukha. Hindi sumagot si Xinghe, pero ang kahulugan ay malinaw. Dumilim ang mga mukha ni Shi Jian at ng iba pa.

"Sa tingin talaga nila ay guilty kami? Pero wala kaming sinasaktan kahit na sino! Wala kaming panganib sa lipunan; pinuwersa kami ni He Lan Yuan."

"Tama iyon, hindi ba't tinulungan pa naming mapabagsak si He Lan Yuan?" Isang lalaki ang hindi mapigilang mapabulalas sa galit.

"Isa pa, isinuko pa nga namin sa kanila si He Lan Yuan, bakit hindi nila kami mapagkatiwalaan?"

Matiim na sinabi ni Xinghe, "Sinubukan ko nang makaisip ng solusyon, pero wala nang maaaring magawa pa. Patawarin ninyo ako."

Nang sabihin ito ni Xinghe, alam nilang tapos na ito. Ito ay dahil sa Earth, ito lamang ang kanilang kakampi; wala nang iba pa ang magbibigay sa kanila ng tulong.

"Miss Xia, sabihin mo sa amin ang totoo, plano ba nilang i-kwarantina kami ng habambuhay?" Tanong ni Shi Jian sa nanginginig na tinig. Kaharap ang kinakabahang mga mata ng mga ito, hindi makapakuha ng mga sasabihin si Xinghe. Kahit si Mubai at ang iba pa ay inilihis palayo ang kanilang mga tingin.

"Oo," may pinalidad na sagot ni Xinghe.

Tumingin sa kanya ng may pagkabigla at kawalan ng pag-asa si Shi Jian at ang iba pa. Ang pinakamalaking dahilan kung bakit sila bumalik sa Earth ay para sa kalayaan, pero ngayon, ikukulong na naman sila. Hindi na ba nila matatakasan ang kapalaran nila na palaging kinokontrol?

"Pero bakit?" Nag-aalab sa galit ang mga mata ni Shi Jian. "Hindi naman namin kasalanan iyon! Mula pagkabata ay kinontrol na kami ni He Lan Yuan. Wala kaming magawa na kahit ano, at walang sumagip sa amin sa mga mala-impiyernong taon na iyon. Wala sa inyo ang may ideya kung anong klase ng buhay namin noon! Nawalan kami ng pag-asa, at kung kailan sa wakas, na matapos ang maraming taon, ay nakabalik kami sa Earth at ang kalayaan ay nasa amin nang harapan… pero pilit kaming ibinabalik sa mga regulasyon at kahigpitan… Bakit hindi na lamang ninyo kami hayaang mamuhay ng normal?! Gusto lamang namin na maging normal na tao tulad ninyo, bakit kailangan ninyong kunin iyon mula sa amin?"

"Miss Xia, napakalupit naman nito. Binigyan mo kami ng pag-asa, at ngayon ay pinapatay mo itong muli, isa lamang ba itong malaking biro sa iyo?"

"Hindi ko na makakayanan ang mamuhay ng naka-kwarantina, kaya kung gusto ninyo na ituloy ko ang buhay ng nakakulong, mas nanaisin ko pang mamatay."

"Miss Xia, iba ito mula sa ipinangako mo. Ang sabi mo, matapos naming bumalik, makakapunta kami kahit saan namin gusto at magagawa ang lahat ng gusto namin. Ang mga pangakong iyon ba ay kasinungalingan lamang lahat?"

"Miss Xia, naniniwala kami ng lubos sa iyo, pero pinaglololoko mo lamang pala kami!"

Related Books

Popular novel hashtag