Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 885 - I Was Too Naive

Chapter 885 - I Was Too Naive

Tinulungan siya ni Mubai na ayusin ang buhok niyang ginulo ng hangin at patuloy na nagsalita sa magiliw na tono. "So, huwag mong sisihin ang sarili mo. Dapat ay maging masaya ka, dahil hindi ito ang pinakamasamang katapusan para sa kanila."

"Pero binigyan natin sila ng pag-asa at nangako sa kanila na malaya silang mamumuhay ng gusto nila… Sa oras na ito, I was too naive." Patuyang tumawa si Xinghe. Inisip niya na ang mundo ay tatanggapin sila ng buo dahil inosenteng biktima ang mga ito. Ang kanilang talento ay makasisiguro na pahahalagahan sila ng mundo. Pero sa bandang huli, kasing pangit pa din tulad ng dati ang mundo; wala naman talagang nagbago. Kaya naman, sa pagkakataong ito, nagawa niya ang kasalanan ng kawalang-malayan!

Sinubukan siyang aluin ni Mubai. "Ganoon din sa akin. Kung susumahin, dapat ay nakini-kinita ko na ito, pero hindi ko nakita ganoon ka na din, kaya naman hindi mo ito kasalanan kundi sa akin; dapat ay nakita ko na ang wakas na ito."

Tahimik na nakatingin sa kaniya si Xinghe gamit ang malinaw nitong mga mata. Itinaas ni Mubai ang kanyang kilay. "Mayroon bang bagay sa mukha ko?"

Gusto lamang niyang ipakita ang kanyang pasasalamat, dahil naramdaman niyang naalo siya.

"Gusto kong hanapin si Shi Jian at ang iba pa. Dapat ay ipaliwanag natin ito sa kanila, nararapat lamang ito sa kanila," sabi ni Xinghe.

Tumayo si Mubai at hinila na siya. "Tama ka, halika na."

"Okay." Agad na napalagay ang loob ni Xinghe, inalis ang mga negatibong emosyon sa kanyang kalooban. Alam niyang kailangan niyang bigyan ng paliwanag ang grupo ni Shi Jian. Ito ang isang bagay na kailangan niyang gawin.

Nang malaman nilang haharapin ni Xinghe si Shi Jian at ang iba pa, nagboluntaryong sumunod ang SamWolf. Matapos ang ilang araw ng pakikisalamuha, nakabuo na ng relasyon si Sam sa mga ito. Kahit ang iba pang miyembro ng SamWolf ay kakaiba ang pakiramdam ng pagiging konektado sa mga ito.

Kakaibang mga tao ito, mabubuting tao na may busilak na mga puso. Kung tinanggap nila ang isang tao bilang kaibigan, gagawin ng mga ito ang lahat para tulungan ang mga ito. Tinatrato nila ang kanilang mga kaibigan ng buong sinseridad, kaya naman gusto nilang sumama para maharap si Shi Jian at ang iba pa dahil baka ito na ang huling pagkakataon na magagawa nila ito.

Gayunpaman, sa kanilang kabiglaanan, ang United Nations ay mas mabilis pa sa kanila; nasa kalagitnaan na ang mga ito sa pagdala sa mga ito palayo.

"Bakit kailangan naming sumunod sa inyo? Saan ninyo kami dadalhin?" Si Shi Jian at ang iba pang maimpluwensiyang pinuno ng moon base ay nasa kalagitnaan ng mainit na kumprontasyon sa pwersa ni George. Si George ay nakasuot ng kanyang unipormeng militar at sa likuran niya ay ilang sundalong armado ng mga baril. Halata naman na hindi ito isang malugod na pagbisita.

Sinubukan silang payapain ni George. "Huwag kayong mag-alala, hindi namin sasaktan ang kahit na sino sa inyo. Malalaman na lamang ninyo sa pagdating natin kung saan namin kayo dadalhin. Nangangako ako, walang masasaktan sa kahit na sino sa inyo."

Hindi madaling maloko si Shi Jian. "Kung hindi ninyo intensiyon na saktan kami, bakit kayo may kasamang armadong mga sundalo?"

"Narito sila para protektahan kayong lahat."

"Sa pagkakakita ko, narito sila para saktan kami. Nasaan si Miss Xia at ang iba pa? Gusto ko silang makita!"

"Narito ako," anunsiyo ni XInghe habang papasok siya sa silid. Nagliwanag ang mga mata ni Shi Jian at ng iba pa nang makita nila ito na tila ba nasumpungan nila ang liwanag ng pag-asa.

"Miss Xia, ano ang nangyayari? Ang mga tauhan ko ay dinadakip ng mga taong ito; saan nila kami dadalhin?" Hindi mapalagay na tanong ni Shi Jian, pero malinaw na may lubos na tiwala pa din siya kay Xinghe.

Lumibot ang tingin ni Xinghe. Hindi siya sumagot pero nagtanong kay George, "Nais ko silang makausap ng sarilinan, posible ba iyon?"

Tumango si George. "Siyempre naman, pero huwag kayong magtatagal."