Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 875 - Home Sweet Home

Chapter 875 - Home Sweet Home

"Pagkatapos noon, sikreto ko itong hinanap. Ang isa sa kanila ay tinatawag na sorbetes. Kapag bumalik tayo sa Earth, kailangang kumain ako ng maraming sorbetes!" Ang lalaki na nangangarap sa kanyang pagkain ay makikitang lumunok ng kanyang laway. Ang lahat ng nasa paligid niya ay ganoon din ang ginawa.

"Ang sorbetes ay karaniwan na kung kailan maaari nating kainin ang lahat ng gusto natin! Sabi ni Sam ang pinakamasarap na pagkain ay ang pakpak ng manok, gusto kong subukan ang isa noon."

"Personal na gusto ko ding subukan ang seafood, sabi ni Sam masarap iyon."

"Para sa akin, hot pot. Sabi ni Sam, masarap ito lalo na kung may beef balls, sabi niya na ito ang pinakamasarap sa buong mundo."

"Pero sinabi niya na ang pinakamasarap na pagkain ay ang perpektong pagkakaluto ng beef steak, malutong sa labas at juicy sa loob."

"Mali ka, ang sabi niya ang pinakamasarap na pagkain ay ang baked mutton. Ang buong kambing ay iniihaw sa ibabaw ng isang fire pit at ang makalumang klase ng pagluluto na ito ang pinakamainam na magpapalabas ng natural na lasa ng mga rekado."

"Pero ang sinabi sa akin ni Sam ang pinakamasarap ay ang lobster. Sinabi niya na minsan ay umiyak siya sa sobrang sarap nito."

"Pero sinabi din niya na…"

"Tama na!" Humiyaw si Shi Jian para tumigil na sila. "Hindi mainam ang dulot nito, lalo na sa ating mga tiyan."

Ang grupo ng mga tao ay tumango ng sabay-sabay; naririnig na nilang kumakalam ang kanilang mga tiyan. Hindi na sila makapaghintay na lumapag sa Earth.

"Maaari ba kaming magsimulang kumain kapag lumapag na tayo sa Earth?" May isang hindi nakapagpigil na magtanong. Makakaramdam sila ng labis na kabiguan kung ang sagot ay hindi.

"Kailangang tanungin natin si Sam."

Lahat sila ay lumingon para tumingin kay Sam na abalang kumukuha ng mga larawan ng Earth mula sa kalawakan. Sa biglaang pagharap sa maraming nagmamakaawang pares ng mga inosenteng mga mata, nagkibit-balikat si Sam at itinuro sina Mubai at Xinghe na nakaupo sa hindi kalayuan. Ang ibig niyang sabihin ay malinaw: Huwag kayong magpunta sa akin at magtanong sa akin, sila ang tanungin ninyo.

Natural lamang na maraming pares ng mga mata ang lumipat para tingnan silang dalawa. Kalmadong tumingin si Mubai kay Xinghe at bumulong, "Maaari bang huwag ko nang akuin ang responsibilidad na ito?"

Ang mga taong ito ay pinaasa ni Sam, kaya bakit kailangan niyang pagbayaran ang kadaldalan ng bibig ni Sam?

Nag-isip si Xinghe tungkol dito at matapat na sumagot, "Kung hindi mo sila aakuin, magiging responsibilidad ko sila."

"Sige, ako na ang bahala sa kanila," tipid na ngumiti si Mubai, "Ikunsidera mo nang mga tao ko sila, salamat na lamang at lahat sila ay mga henyo."

Lumingon si Mubai para tumingin sa labas ng bintana ng may ngiti, isang nagkakalkulang kislap ang makikita sa mga mata nito. Kailangang magamit niya ng maayos ang napakaraming talento na ito kung hindi ay maaaring maubos ng mga taong ito ang kumpanya niya sa kakakain!

Sinuri siya ni Xinghe at naintindihan kung ano ang iniisip nito. Napangiti sa loob-loob niya si Xinghe, pero nag-aalala din siya para dito. Hindi man kapani-paniwala, ang mga taong ito ay babalik sa Earth para sa pagkain, kaya naman, ang duda niya ay makakagawa ang mga ito ng malaking bawas sa account nito sa pagkain pa lamang. Isa pa, maaaring ito pa ang mag-alaga sa mga ito hanggang nabubuhay ang mga ito.

Nagsimula nang makaramdam ng awa si XInghe kay Mubai dahil bigla ay napakaraming buhay ang kailangan nitong pangalagaan. Gayunpaman, salamat na lamang at ang lahat ng mga ito ay mga talentado…

Tumingin din sa labas si Xinghe, at isang mapakahulugang kislap ang kuminang sa kanyang mga mata.

Ang totoo, naiintindihan nilang dalawa na kapag bumalik ang mga taong ito sa Earth, magiging responsibilidad na ito ng United Nations at hindi sa kanila.

Pagkatapos ng dalawang araw ng paglalakbay, ang spaceship ay narating na sa wakas ang Earth.

Ang grupo ni Xinghe ay nakaramdam ng pagkulo ng kanilang dugo habang lumalapag sa lupa ng Earth ang spaceship; naramdaman nilang mahal na mahal nila ng husto ang Earth dito.

Kahit si Shi Jian at ang iba pa na nanatili ng matagal sa buwan ay nakaramdam ng kapareho ng sa kanila. Ang DNA sa kanilang mga buto ay nagsasabi sa kanila na sa wakas ay nakauwi na sila!

Related Books

Popular novel hashtag