Ang sense of belonging na ito ay lalong tumindi nang nakatapak na sila sa matigas na lupa. Ang hangin, lupa, at ang malawak na kalangitan ay tila yakap ng isang ina, na sinasalubong ang kanilang pag-uwi. Si Shi Jian at ang iba pa ay tila mga alien na lumapag ng unang beses sa Earth, na tila sila nga, at nag-uusisa sa bawat bagay na makita nila.
"Lupa ba ito?" May isang yumuko para kumuha ng lupa. Inamoy nito ang lupa ng nakapikit ang mga mata at isang nasisiyahang ngiti ang lumitaw sa mukha nito.
"So, ito pala ang hitsura ng tunay na damo at mga bulaklak!"
"Ang hangin dito ay lubusang iba mula sa base, masarap ito sa pakiramdam at may kakaibang amoy dito."
"Ang lugar na ito ay malaki; ni hindi ko makita ang dulo."
"Bilis, tingnan ninyo, iyon ang buwan!" May isang biglang tumuro sa full moon sa itaas nila. Gabi iyon at ang buwan sa langit ay malaki at napakaganda. Hindi na kailangan pang sabihin, na lubos na ibang tanawin ito kumpara sa nakasanayang makita ni Shi Jian at ng iba pa. Pinalaki sila sa saradong kapaligiran ng isang kuta sa buwan; nakikita lamang nila ang buwan ng malapitan.
Ang tanging eksepsyon ay noong tumitingala sila para makita ang buwan noong nasa ampunan pa sila. Gayunpaman, napakatagal ng panahon iyon. Kaya naman, nang makita nilang muli ang buwan sa kalayuan, sabik na sabik sila na tila nakatingin sila sa pinakamagandang himala ng kalikasan.
"Napakaganda ng buwan mula sa Earth. Iniisip ko na kamumuhian ko ng habambuhay ang buwan, pero ngayong nakauwi na ako, nakakaramdam lamang ako ng pagmamahal sa puso ko," komento ni Shi Jian habang nakatingin siya sa buwan. Ang mga mata nito ay namumula. Ang lalaking ito na nasa edad treinta na ayaw magpapakita ng kanyang mga emosyon ay ipinakita ang mahina niyang parte.
Ang lahat ay ganoon din ang nararamdaman. May mga luhang kumikislap din sa kanilang mga mata.
"Inisip ko na nawalan na ako ng interes sa lahat, pero ngayon ay napagtanto ko kung gaano ko kamahal ang lahat ng narito. Nakakaramdam pa din ako at makakapagbigay ng pagmamahal."
"Ako din. Mahal ko ang lahat ng nandito, kahit ang kaunting lupa na ito."
Ang lahat ay nagsimulang ipakita ang kanilang mga emosyon. Ang grupo ni Xinghe ay tumingin sa kanila at napuspos din nito. Tumingala din sila para suriin ang buwan, at sa ibang kadahilanan, pakiramdam nila ay kakaiba ang ganda ng gabing iyon.
Buong buhay nila ay ginugol nila sa Earth at nasanay sila sa lahat ng bagay na naroroon. Sa normal na pagkakataon, hindi sila tumitigil para suriin ang lahat ng bagay na maipapakita ngmundo. Ngayon lamang nila napagtanto kung gaano kaganda talaga ang Earth, isang kagandahang sa normal na pagkakataon ay hindi nila nakikita. Naipaalala sa kanila kung gaano sila kasuwerte.
Kaya naman, mula ngayon, pahahalagahan na nila ng husto ang magandang planeta na ito.
Ang mga spaceship ay lumapag sa isang lugar na walang tao malayo sa sibilisasyon sa Country R. Ang landing spot ay napili na dati pa. Malayo ito sa anumang aktibidad ng mga tao, kaya naman perpekto ang lugar na ito.
Kinontak na ni Xinghe si George. Responsable pa din sa misyong ito si George, at hindi nagtagal ay ipinadala nito ang mga tauhan nito para sunduin sila.
Habang naghihintay sila kay George na dumating, si Shi Jian at ang iba pa ay nagpatuloy sa pagpapasalamat nila sa Earth at sa mga bagay na maiaalok nito.
Naupo si Sam sa damuhan at isang dahon ng damo ang nakabitin sa bibig nito. Habang nakatingin sa ginagawa ni Shi Jian at ng iba pa, napangiti siya at sinabi, "Habang pinapanood ko kung gaano nila kamahal ang Earth, sumusumpa ako na susunod sa kanila bilang halimbawa. Sumusumpa ako na hindi na magkakalat at titigil na sa pagsilo ng mga wild game. Sa anumang kaso, magiging tagapagprotekta ako ng kalikasan."
Bahagyang ngumiti si Xinghe. "Mukhang may natutunan ka din ng kaunti sa pakikipagsapalarang ito."
Isinumpa nitong hindi na manghuhuli ng paborito nitong mga wild game, kaya naman kakaiba talaga ito.