Chapter 865 - Umalis!

Hindi maintindihan ni Shi Jian. "Pasalamatan ang aming mga sarili?"

Tumango si Xinghe at direktang sinabi, "Oo, ito ay dahil sa ang lahat sa inyo ay ninais na magkaroon ng mas mabuting kinabukasan kung kaya nagdesisyon kayo na dakpin si He Lan Yuan. Ito ay dahil doon kung kaya pumayag akong puntahan at iligtas kayo. Kaya naman, dapat ninyong pasalamatan ang inyong mga sarili sa paggawa ng unang hakbang."

Kung nagpatuloy silang maging tauhan ni He Lan Yuan, ang kanilang mga kinabukasan ay hindi magbabago. Tanging sa pagkampi sa kabutihan ang makakapagsalba sa kanila. Ang mga pakiramdam nina Shi Jian at ng iba pa ay kumplikado matapos makinig kay Xinghe. So, iniligtas pala nila ang kanilang mga sarili…

"Pero kahit na, Miss Xia, malaki pa din ang pagkakautang namin sa iyo. Kung wala ka at ang mga kaibigan mo, ang kalayaan ay magiging imposible para sa amin. Kaya naman, tatandaan namin kung ano ang nagawa mo para sa amin hanggang kami ay nabubuhay," sabi ni Shi Jian ng may taos-pusong pasasalamat.

Sinabi ni Mubai ng may ngiti, "Kung gusto ninyo talagang ipakita ang inyong pasasalamat tungo sa kanya, maging mabuting tao kayong lahat matapos ninyong bumalik sa Earth."

"Sigurado iyon," sabik na sinabi ni Shi Jian at ng iba pa. Ang kanilang mga mata ay nangingislap sa antisipasyon. Tila sila mga bagong panganak na sanggol, sabik na harapin ang panibagong buhay. Ang isang biglaang tawa ay sapat na para mapasaya sila ng lubos, kaya hindi na sila makapaghintay na maranasan ng buo ang maraming klase ng emosyon ng tao. Kaya naman, kinasasabikan nila ng husto ang kanilang pagbabalik sa Earth.

"Miss Xia, ngayong bukas na ang barrier, maaari na tayong makaalis anumang oras. Mayroon ka pa bang bagay na kailangang gawin? Kung hindi, maaari na tayong umalis ngayon din," buong galang na tanong ni Shi Jian. Malaki ang paghanga at respeto sa kanya sina Shi Jian at ang iba pa; handa silang sumunod sa mga pagsasaayos nito.

Umiling si Xia Xinghe. "Wala ng iba pa. Umalis na tayo kung handa na kayo; wala nang dahilan pa para manatili sa lugar na ito."

"Oo!" Makapangyarihang sagot ni Shi Jian, pero ang mga mata niya ay hindi maiwasang mapatingin kay He Lan Yuan at sa tagasunod nito na walang malay.

"Miss Xia, bakit ninyo sila iniligtas?" Tanong niya. Si He Lan Yuan ang pinaka wanted na lalaki sa Earth at ang isa naman ay ang naging dahilan ng muntikan na nilang pagkamatay doon. Hindi na sana niya inaksaya ang kaniyang oras at enerhiya na iniligtas ang mga ito.

Tumingin si Xinghe sa mga walang malay nitong katawan at magaan na sinabi, "Nasa daraanan namin sila papunta dito at may halaga pa sa akin si He Lan Yuan."

Susubukan niyang alamin ang lokasyon ng kaniyang ina mula dito. Tila naintindihan na ni Shi Jian ang ibig niyang sabihin, kaya hindi na ito nagtanong pa. Kumilos na ito para maghanda sa kanilang paglipad.

Si Xinghe at ang kanyang grupo ay itinali si He Lan Yuan at ang alalay nito para mapigilan sila sa paggawa na naman ng gulo. Hindi nagtagal, ang lahat ng spaceship ay handa ng umalis. Sa isang utos, aalis sila sa moon base at uuwi na- sa Earth!

Ipinasa ni Shi Jian ang mantel ng pamumuno kay Xinghe, pero hindi interesado si Xinghe na pamunuan sila, kaya naman ipinasa niya ito kay Mubai.

"Atensiyon Ship One!" Si Mubai ang namuno sa communicator at tumingin sa malawak na kalawakan at seryosong iniutos, "Maghanda sa paglipad!"

"Yes sir!" Pinaandar na ng Spaceship One ang makina nito at matagumpay na nakapasok sa kalawakan. Nang umalis na sila sa moon base, maliban sa grupo ni Xinghe, ang lahat ay may luha sa kanilang mga mata. Sa wakas ay lilisanin na nila ang isinumpang lugar na iyon.

Ang paglutang ng Spaceship One ay nangangahulugan ng simula ng kanilang kalayaan…

Ipinagpatuloy ni Mubai ang kanyang utos, "Spaceship Two, maghanda sa paglipad!"

"Yes, sir!" Matagumpay din nakalipad patungo sa kalawakan ang Spaceship Two.

Related Books

Popular novel hashtag