Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 866 - Ang Sumpa Mo ay ang Mabuhay

Chapter 866 - Ang Sumpa Mo ay ang Mabuhay

At ganoon na lamang, ang lahat ng mga spaceship ay pinaandar; naglalakbay na sila patungo sa asul at magandang planeta na iyon. Nakontak na ni Xinghe ang mga tao sa Earth. Matapos na makarinig ni Ali at ng iba pa ng balita sa kanya, inabangan na nila ang maluwalhating pagbabalik ng mga pulutong ng mga spaceship. Alam nilang hindi mabibigo si Xinghe, ang kanyang talaan ang nagpatunay doon.

Walang ideya si Xinghe na ang imahe niya ay lalong tumaas sa mga mata ng maraming tao matapos ang insidenteng ito. Kahit ang paraan ng pagtingin ni He Lan Yuan sa kanya ay nagbago.

Napag-uusapan na lamang, ang siyentipiko ay nagising na. Nakatali siya sa isang upuan; ang mga tali ay masyadong mahigpit na hindi niya magawang igalaw ang kanyang mga pulsuhan.

Ang maiitim niyang mata ay nakatitig kay Xinghe, na siyang nakaupo sa kanyang tapat. Tinitigan din siya ni Xinghe at ni hindi ito nagsalita. Tumitig lamang sila sa isa't isa. Ang tingin ni He Lan Yuan ay tila sa isang maninila na sinusundan ang kanyang sisilain sa dilim; pinakakaba nito ang mga tao. Ang tingin naman ni Xinghe ay tila ibabaw ng isang malalim na lawa, maliwanag ngunit malamig. Sa ilalim ng nakakatakot na tingin ni He Lan Yuan, hindi siya natinag; ang kanyang kumpiyansa sa sarili ay napahanga kahit si He Lan Yuan.

Matapos ang mahabang sandali, ang mahina at pangit na matandang lalaki ay nagsalita, "Nagulat ako na ang Earth ay may isang talentadong tao na katulad mo. Ang satellite at base system ko ay natalo mo. Kung alam ko lamang, winasak ko na sana ang Earth ng hindi nagbibigay ng anumang hudyat."

"Ang pinakamasamang lasa sa mundo ay pagsisisi," mahinang sabi ni Xinghe.

Nagsimulang tumawa si He Lan Yuan. "Maaaring tama ka, at siguradong malalasahan mo ito hanggang hinahayaan mo akong mabuhay. Hanggang sa nabubuhay ako…"

"Wala kang silbi kahit na buhay ka pa," malupit na sabat sa kanya ni Xinghe.

Nag-iba ang mukha ni He Lan Yuan. "Ano ang sinabi mo? HInahamon kitang ulitin mo iyon!"

Sumulyap si Xinghe sa kanya at inulit, "Wala kang silbi kahit na buhay ka pa."

"Pangahas kang tawagin akong walang silbi!" Halos mapatalon paalis ng kanyang kinauupuan si He Lan Yuan, siguro ay nagawa na niya, kung hindi lamang sa mga taling pumipigil sa kanya. Hindi na nakapagtataka na isipin nina Shi Jian na nabaliw na siya dahil talagang nasa hitsura na nga nito. Pinalaki ni He Lan Yuan ang mga mata niyang walang buhay at galit na nagsalita, "Maliban sa akin, ang lahat ng iba pang nasa mundong ito ay walang silbi! Tanging ako lamang ang maaaring tumayo sa tuktok. Wala nang mas hihigit pa sa akin; ako ang pinaka nakakahangang henyo na nakita ng mundo mula noon. Kayong mga taong hangal ay nasa ilalim ko, ni hindi kayo nararapat pag-aksayahan ko ng oras. At nangahas kang sabihing wala akong silbi? Huwag mo akong patawanin, kayong mga tao ang walang silbi! Wala sa inyo ang makakapantay sa mga nagawa ko, ang mga bagay na narating ko! Ako ang pinakamahusay!"

"Ang mga nagawa mo?" Panunuya ni Xinghe. Ang kanyang pagkutya ang nagpagalit pa ng husto kay He Lan Yuan. Maaaring nabigo siya, pero hindi ibig sabihin nito ay hahayaan na lamang niyang maliitin siya ng babaeng ito. Para sa isang makasarili at mayabang na tao na tulad ni He Lan Yuan, ang pinakamalaking insulto ay pagdudahan ang kanyang abilidad.

Paghihigantihan niya ang sinumang gumawa nito sa kanya. Alas, ngayon ay isa siyang bilanggo, kaya wala siyang magagawa na kahit ano para saktan si Xinghe.

"Minamaliit mo ba ako?" Ang tingin na ipinukol sa kanya ni He Lan Yuan ay makamandag na nagpaalala kay Xinghe ng isang ahas at umangil ito, "Sino ka ba para maliitin ako? Sa tingin mo ba ay magagawa mo iyon dahil nadakip ninyo ako? Please, ang mga nagawa ko ay…"

"Tumigil ka, dahil wala sa mga iyon ang iyong nagawa," muli ay pabalang na putol sa kanya ni Xinghe.

Related Books

Popular novel hashtag