Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 867 - Dahil Nasira na Kita

Chapter 867 - Dahil Nasira na Kita

Natigilan si He Lan Yuan. Isang malaking bola ng apoy ang kumalat sa loob ng kanyang dibdib.

"Hindi akin?" Makamandag ang tingin na ipinukol niya kay Xinghe, may diin ang bawat salitang kanyang sinasabi. "Sinasabi mo ba na ang lahat ng mga tagumpay na ito ay hindi akin? Pangahas ka para sabihin na hindi ako ang nagkamit ng mga ito, pangahas kang ipahiya ako ng husto—"

Sumisigaw na si He Lan Yuan sa puntong ito. Ang kanyang tuyo at payat na leeg ay lalong umunat, at ang ilang ugat sa kanyang noo ay halos pumutok na. Kung may ikakagalit pa siya ng husto, maaaring mamatay na ito sa aneurysm.

Ang sigaw nito ay napakalakas na halos lahat ng nasa ship ay naririnig siya. Napapalundag pa si Shi Jian at ang iba pa mula sa kanyang mga sigaw, dahil ang kanilang takot kay He Lan Yuan ay naitatak na sa kanila mula ng kanilang pagkabata. Ang lahat ay hindi sinasadyang naging tensiyunado nang marinig nilang sumigaw ito.

"Nababaliw na siya!" Nandidilat si Sam at handa nang buksan ang pintuan para turuan ng leksyon ang matandang ito pero pinigilan siya ni Mubai.

"Huwag kang pumasok."

"Bakit hindi?" Tanong ni am. "Hindi mo ba naririnig ang pagsigaw niya kay Xinghe? Nababaliw na siya, paano kung saktan niya si Xinghe?"

Tumawa si Mubai at sinabi, "Ano'ng klase ng kapahamakan sa tingin mo ang magagawa niya? Sinabi sa atin ni Xinghe na huwag siyang istorbohin kung hindi ay baka masira natin ang kanyang plano."

Agad na napasunod si Sam. Palaging may layunin si Xinghe na hindi niya maintindihan; tila tanging si Mubai lamang ang nakakaintindi sa kanya. Dahil sinabi nito na may plano ito, marahil ay totoo nga ito. Dahil, ang tanging magagawa lamang ni He Lan Yuan ay sigawan si Xinghe, at alam niyang hindi maaapektuhan si Xinghe ng bagay na ganoon lang.

"Kung ikokonsidera ang klase ng tao na tulad mo, ang antas ng pamamahiya na ito ay pagiging mabait pa sa iyo." Tinitigan niya ito at sinabi ng may malamig na ngiti, "May kapal ka ng mukha para angkinin ang mga tagumpay na ito bilang iyo. Mula sa paningin ko, ang tangi mong tagumpay ay ang paghubog sa mga tunay na may likha sa likod ng mga tagumpay na ito!"

"Ano ang sinabi mo?" Nanlaki ang mga mata ni He Lan Yuan.

Mabining tumayo si Xinghe at hinamak siya. "Gumamit ka ng mga nakakasuklam na gawain para paghusayin ang grupo ng mga henyo para magtrabaho para sa iyo, dahil paano naman ang isang tao ng iyong kalibre ay mangangahas na kumalaban sa buong mundo? Alas, kahit na napakaraming talento na nagtatrabaho sa iyo at maraming taon ng paghahanda, hindi mo pa din ito magawa. Ito ay dahil bulok ka sa loob at kahit ang mga diyos ay nais na parusahan ka. Ang bawat buhay na tao sa mundo ay nais na makita kang patay. Kung hindi ka isang taong walang silbi, ano ka pa ba? Sa malawak na daigdig na ito ikaw ang pinakawalang silbing nilalang na nandoon at ikaw lang iyon!"

"Ikaw…" hindi makapagsalita sa sobrang galit si He Lan Yuan, na halos lumuwa na ang mga mata nito. "Pangahas kang pagsalitaan ako ng ganito! Walang sinuman ang nangangahas na pagsalitaan ako ng ganito, ang kapal ng mukha mong iwaksi ang lahat ng ginawa ko, paano… sino ka para husgahan ako?!"

"Ako ang tao na sumira sa lahat ng pinaghirapan mo, hindi pa ba sapat iyon?" Simpleng sagot ni Xinghe. Natigilan sa kanyang kinauupuan si He Lan Yuan at ang kawalan ng pag-asa ang nag-alis ng galit sa kanyang mga mata. Oo, sinira nga niya ang lahat para sa kanya…

Minsan ay isang pangungusap lamang ang kinakailangan para mapabagsak ang isang tao. Ang kumpiyansa ni He Lan Yuan sa sarili, ang kanyang kayabangan, at kahambugan ay tila nawasak sa harap ni Xinghe. Tila naupos ito sa kanyang kinauupuan, at sa sandaling iyon, ay nagmukha siyang isang matandang lalaking mahina na siyang-siya. Ang pinakahalata ay ang kanyang mga mata na nawala ang kislap at tila mata ito ng isang patay na tao.

"Alam mo ba kung bakit nagawa kong sirain ka ng tuluyan?" Ang malamig at maliwanag na tinig ni Xinghe ay pumailanlang sa kanyang ulunan.

Agad na napaalalahanan si He Lan Yuan ng mga salitang sinabi ni Xinghe sa kanya bago nito nakuha ang kontrol ng kanyang mga satellite.

Related Books

Popular novel hashtag