Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 848 - Pagpasok sa Base

Chapter 848 - Pagpasok sa Base

Ang istruktura ay binuo mula sa mga enerhiyang kristal ay may ilang daang metro ang taas. Ang laki ay nakakahanga din; sapat ang laki nito para magkasya ang isang maliit na bayan. Paano nagawang makapagtayo ni He Lan Yuan ang isang malaki at saradong gusali?

Gayunpaman, ang pinaka nakakagulat na bagay ay ang lugar na ito ay hindi kailanman lumitaw sa satellite surveillance ng Earth. Ang sapantaha ni Xinghe ay may isang klase ng signal blocking device ang mga ito.

Sumuntok si Sam sa pader.

"Matigas ang pader na ito."

Tumango si Xinghe. "Ang mga enerhiyang kristal ay may nakakahangang tigas; hindi sila masisira kung mga kamay lamang ang gagamitin mo."

"Paano nila nagawang makahanap ng napakaraming enerhiyang kristal?"

"HIndi magtatagal ay malalaman din natin," sagot ni Xinghe.

Ang tanong ngayon ay, paano sila makakapasok? Ang pasukan na binanggit ni Shi Jian ay hindi nila makita. Kinailangang tumawag na naman ni Xinghe kay Shi Jian. Sa maingat nitong paggabay, sa wakas ay nakita na nila ang pasukan ng base.

Ang pangunahing pasukan ay malaki at sa tabi nito ay may ilang mas maliliit na pintuan. Nang dumating sila, isa sa mga maliliit na pinto ang bumukas na patungo sa kadiliman. 

"Miss Xia, maaari na kayong pumasok na lamang. Kailangan mo pang maglakad ng maikling distansiya bago mo marating ang sentro ng base. Dumaan ka lamang sa pintuan."

"Tila nagtutunog patibong ito," kinakabahang komento ni Sam at mariing tumitig sa kadiliman.

Sinabi ni Xinghe ng may determinasyon, "Dumating na din naman tayo dito; kailangan na nating magpatuloy kahit na isa itong patibong."

Biglang ginagap ni Mubai ang kamay ni Xinghe at sinabi, "Mauuna na akong pumasok, tandaan mong manatili sa aking tabi."

Lumapit din si Sam sa tabi ni Xinghe. Pumorma sila ng protective barrier sa paligid ni Xinghe. ang tatlo ay pumasok sa pinto ng may sobrang pag-iingat. Matapos na pumasok ni Sam, ang pinto ay agad na sumara sa likuran nila. Bago pa sila nakakilos, ang mga ilaw sa itaas nila ay bumukas.

Ang apat na sulok ng pader ay nalalagyan ng mga ilaw na inilawan ang ilang daang kuwadradong silid na tila araw. Ang tatlo ay kinailangan pa ng ilang sandali bago sila nasanay sa biglaang pagbabago ng liwanag.

Ang silid ay walang laman, pero sinabi sa kanila ni Shi Jian na ang silid ay mayroong circulation system. Isasara nito ang silid mula sa labas at pupunan ang silid para maging normal na hangin. Ito ang pagbabagong hindi mapatunayan ng grupo ni Xinghe dahil nakasuot pa sila ng kanilang spacesuits.

Nananatili sila sa saradong silid ng ilang minuto bago unti-unting bumukas ang isang pinto sa harapan nila para ipakita ng ilang sinag ng liwanag na nagmumula sa loob nito.

gayunpaman, ang pinto na nakabukas ay talaga namang kakaiba, dahil imbes na pinto, tila masasabing isa itong mekanikal na booth. Kinumpirma ni Shi Jian na isa itong klase ng one-way revolving door. Ang booth ay may dalawang half-door, ang isa ay nakaharap sa tatlo at ang kalahati ay nakaharap naman sa kabilang ibayo. Tanging ang isa ay makakapasok pero hindi makakalabas.

Sinabi sa kanila ni Shi Jian na magpatuloy na humakbang paabante.

"Hayaan mo muna na ako ang mauna," boluntaryo ni Sam. Lumapit siya sa booth at maingat itong sinuri bago humakbang papasok sa booth. Ang booth ay sapat lamang para magkasya ang isang tao.

Sa sandaling nakapasok siya, ang half-door na pinasukan ni Sam ay biglang sumara at ang half-door sa kabilang ibayo ay bumukas para ipakita ang loob ng base. Nakatayo sa harapan ni Sam ay isang grupo ng mga tao, ang isa sa mga ito ay si Shi Jian.

Habang nakita siya, tila robot na sinabi ni Shi Jian na, "Ikaw si Mr. Sam, tama? Malugod ka naming tinatanggap, maaari mo nang papuntahin dito sina Miss Xia at Mr. Xi ngayon."

Nagulat si Sam bago ito napaatras pabalik sa booth. Sa sandaling ginawa nga niya, ang half-door ay bumukas at ang isang nakaharap kay Xinghe at Mubai, na naghihintay pa din, ay bumukas.

"Xinghe, maaari na kayong pumunta dito, ligtas naman," hiyaw ni Sam sa kanila.