Sumunod sina Xinghe at Mubai kay Sam at pumasok sa base. Inalis nila ang kanilang mga spacesuit at nagulat nang mapansin nila ang loob ng base, dahil ang lugar ay napakalaki talaga…
Ang mga kalye ay malaki, at ang kisame ay ginawa para magmukhang kalangitan. Kung hindi sila pumasok mula sa labas, maniniwala na sila na ang kalangitan sa itaas ay tunay.
Gayunpaman, walang mga gusali sa gilid ng mga kalye. Imbes ay marami ditong puno, bundok at madamong kapatagan. May ilan pa ngang humuhuni sa ere; ang kapaligiran ay napakaganda. Sa anumang kaso, nagbigay ito sa tatlo ng impresyon na nakabalik na sila sa Earth.
"Miss Xia, Mr. Xi, maligayang pagdating. Ako si Shi Jian. Kinakatawan ko ang daan-daang tao ng base sa pagsalubong sa inyong lahat!" Si Shi Jian, sa isang kakaibang damit-militar, ay binati sila ng buong galang. Ang ilang tao sa likuran niya na mukhang nagtataglay ng ilang antas ng kapangyarihan sa base ay binati din sila ng may masasayang salita.
Binati din sila ng buong galang ni Xinghe bilang ganti, "Mr. Shi, nagagalak ako at sa wakas ay nakita din kita ng personal."
"Ang karangalan ay sa akin! Maligaya kami na payag ka na pumunta para tulungan kami, lubos kaming nagpapasalamat sa tiwala mo sa amin!" Seryosong sambit ni Shi Jian na tila isang hari na binabasa ang kanyang deklarasyon.
Hindi sanay sa ganito si Xinghe kaya naman binago niya ang paksa. "Mr. Shi, wala akong ideya na ang lugar na ito ay kahawig ng sa Earth. Hindi ako makapaniwala na nagawa ninyong makabuo ng isang ecosystem dito."
Umiling si Shi Jian. "Hindi, ang lugar na ito ay hindi katulad sa Earth."
Nagtaka si Sam. "Paano mo nasabi iyan? Mayroon kayong flora at fauna dito; ang ilan sa mga ito ay tulad ng sa mga halaman sa Earth."
Seryosong sumagot si Shi Jian, "Ang lahat ng mga ito ay peke. Ang mga halaman na nakikita ninyo ay peke; ang damo ay peke; wala kaming mga hayop dito, kaya pati ang huni ng mga ibon ay peke."
"Nagbibiro ka siguro." Umiling si Sam abang iniuunat niya ang kanyang kamay para hawakan ang kalapit na puno. Imbes na balat ng puno, pakiramdam niya ay nakahawak siya ng isang bagay na malamig at matigas.
Nagpaliwanag si Shi Jian, "Ang lahat ng mga puno at damo dito ay simula ng mga computer. Lahat sila ay orihinal na mga porma ng bato sa buwan at nahulma ang kanilang mga hugis gawa ng kalikasan. Gamit ang top imaging technology, nagiging ganito na tulad ng nakikita ninyo ngayon."
Nagmamadaling naglakad sa madamong kapatagan si Sam at tulad ng paliwanag ni Shi Jian, ang naramdaman lamang niya ay isang matigas na lupa sa kanyang talampakan. Nagulat sina Xinghe at Mubai sa natuklasan ding ito.
Sinabi ni Mubai sa mababang tinig, "Nagulat ako na ang teknolohiya ninyo ay napakaunlad na."
Sobrang unlad na magagawa nitong ipakita ang kalikasan, sa isang antas na nagagawa nitong maloko ang malinaw nilang mga mata.
Tumango si Shi Jian. "Oo, ang teknolohiya namin dito ay napakaunlad pero wala itong silbi sa amin. Tingnan ninyo."
May inilabas na bagay si Shi Jian na mukhang isang cell phone at nag-swipe sa screen nito. Ilang segundo ang nakakaraan, ang mga nakapaligid na burol at puno ay nawala, ang tanging iniwan ay isang kapatagang puno ng mga malalamig na bato.
Kung wala ang ilusyon, ang lugar na ito… ay masyadong malungkot at walang laman, walang kaibahan sa tanawin sa labas. Ang grupo ni Xinghe ay nagulat sa biglaang pagpapakita ng katotohanan.
Hindi nagtagal ay ibinalik ni Shi Jian ang tanawin at bumuntung-hininga ito. "Kaya naman, wala talaga sa amin dito ang nakakaramdam na mahalaga ang lugar na ito."
Tumango si Xinghe. "Naiisip ko na kung bakit, dahil, ang buong lugar na ito ay peke."
"Ang buong base ay peke?" Hindi maiwasan ni Sam na magtanong ng tungkol dito.