Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 842 - Tanging Pag-asa

Chapter 842 - Tanging Pag-asa

"Bakit hindi kayo nagrebelde ng mas maaga?" Tanong ni Xinghe.

Sumagot si Shi Jian matapos ang ilang sandali ng pag-iisip, "Dahil nasa ilalim kami ng kanyang kontrol at umaasa kami na isang araw ay makakabalik sa Earth. Nasa ilalim ng kanyang mga kamay ang kaligtasan ng Earth kaya naman walang punto para sa amin na magrebelde."

"Hanggang kailan bago ang pagsabog?"

"Halos kalahati ng buwan na lamang."

Nagulat si Xinghe, wala siyang ideya na napakalapit na pala nila sa limit. Sa madaling salita, kung gusto niyang sagipin ang mga ito, kailangan na niyang umalis ngayon, pero wala pa silang naihahanda na kahit na ano.

"Miss Xia, maaari mong gamitin ang spaceship na nasa launch base ng He Lan family para sapitin ang lokasyon malapit sa moon base. Hindi madali para sa amin na makontak ka, pero ikaw ang tangi naming pag-asa sa ngayon," paalala ni Shi Jian sa kanya. Hindi na sumagot si XInghe pero nagpunta ito para maupo sa harapan ng isang computer. Pagkatapos ay ipinadala niya kay Shi Jian ang isang simulated na larawan.

Nang makita ni Shi Jian ang larawan sa screen, nagtataka itong nagtanong, "Sino ito? Ano ang ibig sabihin nito?"

"Hindi mo siya kilala?" Tanong ni Xinghe ng may bahagyang kunot ng noo.

Umiling si Shi Jian. "Hindi sa tingin ko."

"Katulad mo din siya, nagtatrabaho para kay He Lan Yuan. Hanapin ninyo siya at magagawa niya kayong iligtas."

"Miss Xia, ang taong ito ay wala dito!" Mariing sambit ni Shi Jian. "Kilala ko ang lahat sa base at hindi ko pa nakikita ang babaeng ito dati. Walang sinuman ang makakalutas ng sistema dito dahil dinisenyo ito ng isang siyentipiko ng matagal na, pero wala nang nakakakita pa sa kanila mula noon. Ang ibig mo bang sabihin, ang babaeng ito ang taong iyon?"

Nawala ang ilang kislap sa mga mata ni Xinghe. "Wala talaga siya diyan kasama ninyo?"

"Oo," pagtatapos na sagot ni Shi Jian.

Nakaramdam ng pagkabigo si Xinghe. Inisip niya na ang nanay niya ay siguradong nasa buwan at magkikita silang muli, pero nawala na naman ang mga bakas nito. Kung ganoon ay nasaan siya?

"Kung nais mong mahanap siya, kung ganoon ay mas madami kang dahilan para tulungan kami. Tanging sa pagpunta mo dito ay saka mo matutuklasan ang maraming bagay tungkol sa kanya, at tutulungan ka naming mahanap siya gamit ang lahat ng mayroon kami. Ang plano ni He Lan Yuan ay hindi limitado sa pagkontrol ng Earth, ang layunin niya ay ang buong solar system at higit pa doon, kaya naman maaaring itinalaga niya ito sa ibang misyon," mungkahi ni Shi Jian.

Kahit na ano pa ang sapantaha nito, kailangang pumunta ni Xinghe para tulungan ang mga ito. Ito na lamang ang tanging paraan na mahahanap niya ang kanyang ina. Isa pa, hindi niya maaaring iwanan ang napakaraming buhay na mamatay na lamang basta.

Nag-aalala din siya na kung tatanggi siya, si Shi Jian at ang iba pa ay maaring kalabanin sila at gamitin ang huling reserba ng kanilang enerhiya para saktan ang Earth. Kaya naman, kahit na ano ang mangyari, hindi maaaring tanggihan ni Xinghe ang pakiusap nito. Hindi niya intensiyon na tumanggi sa una pa lamang.

Tinitigan siya ni Xinghe at direktang sumagot, "Mr. Shi Jian, maaari ko bang paniwalaan ang lahat ng sinabi mo sa akin?"

Seryosong sumagot si Shi Jian, "Sumusumpa ako sa buhay ko! Isa pa, wala namang benepisyo para sa amin na magsinungaling sa iyo. Ang tanging magagawa namin ay ang himukin ka na pumunta sa buwan, kung talagang sasaktan ka namin, naniniwala ako na ang iba pang nasa mundo ay hindi kami mapapatawad."

"Okay, hahanap ako ng paraan para tulungan kayo," pangako ni Xinghe.

Agad na ngumiti si Shi Jian. "Miss Xia, kinakatawan ko ang lahat ng naririto para pasalamatan ka! Naniniwala kami sa iyo. Hihintayin namin ang iyong pagdating."

Matapos ang komunikasyon kay Shi Jian, agad na nagtanong si Mubai ng may simangot sa mukha nito, "Talaga bang plano mong pumunta?"