Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 843 - Tanging Siya Lang ang Makakapunta

Chapter 843 - Tanging Siya Lang ang Makakapunta

Tumango si Xinghe. "Oo, dahil nangako ako sa kanila."

"Pero paano kung isa itong patibong? Xinghe, kinamumuhian ka ng husto ni He Lan Yuan, maaaring isa itong patibong para pumunta ka doon," babala ni Ali.

"Oo, sinira mo ang plano ni He Lan Yuan, kaya naman siguradong kinamumuhian ka niya ng lubusan. Maaaring isa na naman ito sa mga pakana niya para paghigantihan ka," nag-aalalang dagdag ni Sam. Halos ang lahat ay ganito din ang iniisp. Wala sa kanila ang gustong suungin ni Xinghe ang panganib, natatakot na baka isa nga itong patibong.

"Pero paano kung tunay nga ito?" Tanong ni Xinghe.

"Kahit na tunay pa ito, hindi mo maaaring suungin ang panganib na ito. Kung hindi sila makakaligtas sa pangyayaring ito, kapalaran na nila ito," direktang sinabi ni Mubai ng may kalupitan. Wala siyang pakialam sa kaligtasan ng ibang tao. Ang tanging gusto niya ay manatiling ligtas si Xinghe.

Umiling si Xinghe. "Kung totoo nga ito, kailangan kong pumunta. Sinabi nila na nais wasakin ni He Lan Yuan ang Earth bago ito nabaliw. Kung babawiin ko ang mga salita ko, maaari nilang tulungan si He Lan Yuan na tapusin ang layunin nito."

Malamig na ngumisi si Mubai. "Malaki ba ang tiwala mo sa kanila? Paano kung isa din itong pekeng banta?"

"Sa tingin mo talaga na sa kanilang kakayahan ay isa itong pekeng banta?" Tinitigan siya ni Xinghe at nagtanong.

Napinid ang mga labi ni Mubai para maging isang manipis na linya. Siyempre, alam niyang ang mga taong ito na nasa buwan ay may sapat na kakayahan para wasakin ang Earth, pero hindi lamang niya gustong suungin ni Xinghe ang mga hindi na kinakailangan pang panganib. Isa pa, bakit kailangang siya pa ang gumawa nito? Hindi pa ba sapat ang ginawa niya?

Gayunpaman, naiintindihan din niya na sa kanya lamang ang responsibilidad na ito…

Alam ni Xinghe na nagkompromiso na si Mubai. Tumalikod siya para harapin ang iba pa. "Sa susunod na dalawang araw, aalis ako patungo sa buwan. Kapag namatay ako, maaari na ninyong gawin ang nais ninyo sa kanila. Kung walang mangyayari sa akin, ibabalik ko sila dito ng ligtas."

"Miss Xia, wala na bang paraan para ikunsidera mo itong muli? Hindi ito isang bagay na maaari naming gawin ng nagmamadali."

"Oo nga, hahanap tayo ng paraan para malutas ang problemang ito."

"Mayroon pang kalahating buwan hanggang sa palugit, tama? Hahanap tayo ng paraan, mayroon pang ibang paraan maliban dito."

"Miss Xia, sa anumang kaso, sa tingin namin ay hindi mo dapat suungin ang panganib na ito."

Matapos ang sandaling ito, ang mga tao sa Galaxy Control Centre ay mas tumaas ang paghanga at respeto kay Xinghe. Kaya naman, wala sa kanila ang gustong suungin niya ang panganib na ito.

Naghintay si Xinghe sa kanila na matapos bago seryosong nagsalita. "Alam kong mabuti ang hangad ninyong lahat, pero kung may iba pang paraan para lutasin ito, hindi ako pupunta. Isa pa, napakaraming buhay ang nakabitin sa balanse, ang mga taong nasa Earth at nasa kalangitan. Dahil may kakayahan naman akong tulungan sila, hindi maaaring manatili akong nakaupo at panoorin silang mamatay. Kaya naman, kailangan kong pumunta."

Ang silid ay natahimik. Tama si Xinghe. Kung ang mga tao sa buwan ay hinayaang mamatay, siguradong isasama nila ang mga tao sa Earth kasama nila dahil sa galit lamang nila.

Kapag nangyari iyon, ang sisi ay siguradong mapapataw sa mga balikat ni Xinghe. Ang katapatan ng tao ay pabagu-bago. Hindi sila mag-aalinlangan na tuhugin ito ng buhay kapag nangyari iyon. Wala na silang pakialam sa mga papuring sinabi nila sa kanya pagkatapos ng mga ilang araw.

Isa pa, hindi siya papatahimikin ng kanyang konsensiya. Kahit na isa itong patibong, kailangan niyang umalis; wala na siyang pagpipilian pa.

Sa ngayon, ang mood ng lahat ay napakababa. Bakit kailangang siya pa? Masyado nang marami ang kanyang naitulong, kung mayroong tao na kailangang hindi na madamay pa sa panganib sa hinaharap, siya na iyon.

Kung posible, gusto nilang pumalit sa lugar nito, pero walang sinuman ang maaaring magawa iyon.

"Miss Xia, susuportahan kita kung talagang nais mong pumunta, pero kailangan mong payagan na sumama ako sa iyo."