Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 835 - Para Lang Patayin Ka

Chapter 835 - Para Lang Patayin Ka

Kung posible, magmamadali silang lumabas para sakalin ang mga walang kwentang tao na ito. Talagang sumosobra na sila!

Tinulungan nila si He Lan Yuan na kalabanin ang isa sa kanila. Ang mga taong ito ay walang alam kung gaano na kalaki ang nagawa ni Xinghe para sa mundong ito. Pero hindi ito mahalaga, dahil hindi magtatagal at ang mga taong ito ay malalaman kung gaano katanga at nakakasuklam ang mga ginawa nilang pagkilos.

"Ang kalaban ng mundo?" Tumawa si Xinghe. "Ang karangalan na iyon ay nababagay sa iyo."

Mayabang na tumawa si He Lan Yuan. "Sino ang mangangahas na gawin nila akong kaaway?! Ang buong mundo ay nasa ilalim ng aking kontrol, ang mga salita ko ay pinal na! Kung gusto kong gawin na ikaw ang kalaban ng publiko, ikaw ay magiging kaaway ng publiko! Ngayon, naiintindihan mo na ba ang mga kahihinatnan sa pagkalaban sa akin? Bibigyan kita ng panibagong sampung segundo, kapag hindi ka pa nagpatiwakal niyon, parte ng mundo ang mamamatay dahil sa iyo."

Nawala na ang interes ni He Lan Yuan sa habulan ng pusa at daga. Tiningnan niya ng masama si Xinghe at nagsimula nang magbilang ng may kasiyahang nalalangkapan ng kalupitan. "Sampu!"

"Siyam!"

Ang kanyang bawat pagbilang pababa ay nagdulot ng takot sa puso ng maraming tao. Ang karamihan sa kanila ay nagsimula nang umiyak sa kawalan ng pag-asa. Natatakot sila na talagang magbabagsak ng satellite bomb si He Lan Yuan sa kanila. Sa sandaling iyon, ang tangi nilang pag-asa ay si Xinghe. Kung susundin nito ang utos nito at nagpatiwakal, ay magiging ligtas sila.

Ang mga tao sa lansangan ay lumuhod na para magmakaawa sa kanya, ang umiyak at tumangis. Habang tinitingnan ang mga ito, hindi natinag si Xinghe. Ang ilan ay nagsimula nang magwala sa galit at malakas ng nagmumura. Hindi na kailangan pang sabihin na, ilang parte sa mundo ay galit sa kanya. Bakit hindi na lamang niya patayin ang sarili niya para iligtas ang mundo?

Ipinagpatuloy ni He Lan Yuan ang nakakasuklam niyang pagbibilang. Hindi ito tumigil para huminga. Ang sampung segundo ay lilipas sa isang kisapmata.

"He Lan Yuan." Sa huling tatlong segundo, biglang tinawag ni Xinghe ang pangalan nito. Ang mundo ay tahimik, naghihintay sa kanyang sagot. Inisip ni He Lan Yuan na sa wakas ay susuko na ito.

"Ano, pagod ka nang lumaban?" Direkta nitong tinanong.

"Gusto ko lamang sabihin sa mga tao mo, na tanging sa pagpatay sa iyo ay saka lamang sila tatanggapin ng magandang mundo na ito. Tanging ang pagpatay sa iyo ay saka lamang nila makukuha ang tunay na kalayaan. Hindi na nila kakailanganin pang sumunod sa mga banta at panggigipit mo!"

"Ano ang sinabi mo?!" Ang mukha ni He Lan Yuan ay biglang nagbago. Inisip niya na si Xinghe ay natakot na sa wakas; hindi niya inaasahan na hihikayatin nito ang mga tao niya na magrebelde laban sa kanya.

Walang takot na nagpatuloy si Xinghe, "Sigurado ako na narinig nila ang kailangan kong sabihin. Tanging sa pagpatay sa iyo ay saka lamang sila lalaya. Wala nang makakakuha pa ng kanilang kalayaan at kaligayahan pagkatapos noon, wala na!"

Biglang pumangit ang mukha ni He Lan Yuan dahil napagtanto niya na ang mga salita ni Xinghe ay naipadala na sa kalawakan, patungo sa kanyang base. Imposible ito. Ang komunikasyon ay dapat na mula sa isang direksiyon lamang. Hindi nila dapat na masapawan ang mga signal mula sa aking base. Ano ang nangyayari?

Sa wakas ay napagtanto ni He Lan Yuan na tila may mali. Ang totoo, dapat ay alam na niya ito noong nagawang makontrol ni Xinghe ang electronic signal ng buong mundo.

"Ano ang ginawa mo?!" Marahas na tanong ni He Lan Yuan, at nagkaroon siya ng masamang pakiramdam.

Kumurba ang mga labi ni Xinghe para maging isang ngiti, ang tingin nito ay mas matalim kaysa sa kanya.