Chapter 836 - Pagsabog

"Ano ang ginawa ko? Hindi magtatagal ay malalaman mo din naman… sinakop ko na ang lahat, nawalan ka na ng kapangyarihan para bantaan ang Earth!"

"Ano?" Napasinghap si He Lan Yuan. Pabagsak nitong pinindot ang button para magbagsak ng satellite sa Earth. Hindi siya naniniwala na wala na sa kanyang mga kamay ang pangyayaring ito. Hindi siya naniniwala na napakamakapangyarihan ng babaeng ito na magagawa nitong palitan ang kontrol niya sa mga satellite.

Gayunpaman, kahit na gaano pa niya pindutin ang fire button, nananatiling walang paggalaw ang mga satellite. Sa wakas, mababanaag ang kaba sa kanyang hitsura.

Tiningnan siya ni Xinghe at malamig na sinabihan, "Huwag ka nang mag-aksaya pa ng oras mo, ang lahat ay nasa ilalim na ng aking kontrol ngayon. Alam mo ba kung paano ko ito ginawa?"

Walang salitang pinandilatan ni He Lan Yuan si Xinghe, pero ang tingin nito ay nagpapahiwatig ng napatinding pagnanais na pumatay.

Walang pakialam na ngumisi si Xinghe. "Well, hindi ka pa kwalipikado para malaman kung paano ko nakuha ang kontrol ng mga satellite mo. Pero tulad ng ginawa mo, bibigyan kita ng isang tunay na cosmic show. Buksan mo ng maigi ang mga mata mo at tingnan mo!"

Pumindot ng ilang button si Xinghe at ang lahat ng mga satellite ay sumabog sa kalawakan!

Ang walang katulad na pagasbog ay lumitaw sa mga screen sa buong mundo. Gayunpaman, tumagal lamang ito ng ilang sandali dahil ang lahat ng screen ay sumara pagkatapos noon!

Ang mga satellite sa kalawakan ay sumabog lahat sa loob lamang ng ilang segundo. Ang tanging bagay na makikita na naiwan sa kalangitan ay ang mga kumikislap na mga bituin…

Tumingala ang publiko para tingnan ang kalangitan. Ang kanilang mga hitsura ay kumplikado tulad ng kanilang nararamdaman. Ang ilan sa kanila ay nagtaka pa kung ang lahat ay isa lamang panaginip.

Talaga bang natanggal lahat ni Xinghe ang mga bantang kinakaharap nila? Ang mga satellite ay nawala nang lahat… ang lahat ng ba ito ay totoo?

Ang lahat ay tumingin sa paligid ng hindi makapaniwala. Ang mundo ay napakatahimik, na maririnig ng isa ang pagbagsak ng isang karayom. Sa Galaxy Control Centre, ang hindi pagkapaniwala ay makikita din. Kahit na alam nila na ito ang kanilang layunin, nahihirapan din silang makapaniwala na ang lahat ay natapos din.

Sumabog nang lahat ang mga satellite ni He Lan Yuan, ang banta sa Earth ay nawala na, tama?

Biglaan ito kung kaya napakahirap nitong paniwalaan. Gayunpaman, ang pagsabog ay naipalabas sa buong mundo. Hanggang ngayon, ang pagsabog ay patuloy na umiikot sa isip ng mga tao. Natatak na ito sa memorya ng publiko.

Kaya, marahil ay nagtagumpay si Xinghe. Natalo na si He Lan Yuan!

Sa sandaling iyon, ang lahat ay nahihirapang makabuo ng salita.

"Xinghe, Xinghe… nagtagumpay ka. Talagang nagtagumpay ka, tama? Ligtas na tayo. Ang lahat ng mga satellite ay sumabog na, hindi ba?" Nauutal na nagtanong si Ali. Ang lahat ay lumingon para tumingin sa kanya, pinipigilan ang kanilang pagkasabik.

Bahagyang tumango si Xinghe. "Oo, sira na silang lahat. Wala nang makakapagbanta pa sa mundo. Ang masamang plano ni He Lan Yuan ay naabo nang lahat."

Itinakip ni Ali ang kanyang palad sa kanyang bibig para pigilan ang sarili na sumigaw ng malakas. Ang kanyang mga mata ay napupuno ng mga luha na nagpapasalamat. Nahawa ng kanyang emosyon ang lahat ng naroroon.

Kahit si Mubai ay may ilang luha sa kanyang mga mata. Mariin niyang tinitigan si Xinghe; napakaraming bagay niyang gustong sabihin, pero hindi niya makita ang tamang mga salita.

Tila ba ang buong mundo ay nasa ilalim ng sumpa ng katahimikan. Wala ni isa sa kanila ang alam kung ano ang sasabihin, dahil walang salita ang tila nababagay para ilarawan ang emosyon na kanilang nararamdaman.

Gayunpaman, minsan, mas mainam na walang salitang sinasabi. Marahil, ito ang pakiramdam ng isang taong hindi malaman ang sasabihin.