Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 829 - Siguraduhin ang Kanilang Kaligtasan

Chapter 829 - Siguraduhin ang Kanilang Kaligtasan

"Ako, si George Alison, ay makikinig lamang sa utos ng mga nakakataas sa akin. Hindi naman kayo talagang mali dahil kung gusto ng pinuno ko na mamatay silang dalawa, susundin ko ang utos sa akin. Gayunpaman, kung wala ang utos na iyon, kahit na may baril na nakatutok sa aking ulo, hindi ko sila sasaktan. Masyado namang maliit ang tingin ninyo sa akin, bakit ko susundin ang utos ni He Lan Yuan na pumatay?!"

"Paano kung iniutos ng pinuno ninyo na patayin sila?" Kontra ni Ali.

"Kung gayon, kailangan nilang mamatay."

"Walang utang-na-loob! Basura!" Galit na pagmumura ni Ali. "Kung hindi dahil kay Xinghe, hindi ninyo maka-crack ang system dito. Kung wala sila, wala sa inyo ang makakaalam tungkol sa mga masamang plano ni He Lan Yuan. Ang lahat sa inyo ay namatay sana ng hindi nalalaman ang nangyayari. Malaki na ang itinulong nila sa inyo, at hindi lamang ninyo pasasalamatan, papatayin pa ninyo sila dahil sa mga ganid na dahilan, mas masahol pa kayo sa mga aso!"

Dumilim ang mukha ni George. "Binibini, ingatan mo ang iyong tono at sinasabi."

"Kung gusto mo silang patayin, tama ako hindi ba, kaya bakit ko iingatan ang sinasabi ko?"

"Pero wala sa mga narito ang nais na patayin sila."

"Hindi ibig sabihin nito ay hindi mo na matatanggap ang utos na patayin sila mamaya."

Sa sandaling sinabi ito ni Ali, tumunog ang telepono ni George. Natahimik ang lahat ng nasa silid. Pakiramdam ng lahat na ang tawag na ito ay napakahalaga. Marahil ay mga pinuno ito ni George na tumatawag para ibaba ang utos sa kanya…

Maingat na pinanood siya ng grupo ni Xinghe, nakahanda na silang paputukan si George kapag nagkamali ito ng galaw. Alam na ni George kung sino ang tumatawag. Tinanggap niya ang tawag at maingat siyang sumagot.

Mahirap para sa iba pa na marinig kung ano ang sinasabi ng tao sa kabilang linya ng telepono pero tumindig ng diretso si George at seryosong sumagot, "Oo, naiintindihan ko, alam ko na ang gagawin… Yes, sir!"

Habang ibinababa ni George ang kanyang telepono, tensiyunado naman si Sam at ang iba pa. Ang ere sa silid ay napakalamig. Tila ba nalalapit na ang barilan.

Tumingin si George sa kanila ng dalawang segundo bago sinabi, "Pakiusap ay ibaba ninyo ang inyong mga baril. Nakatanggap ako ng utos para masiguro ang kanilang kaligtasan at huwag kunin ang buhay nila."

Nagulat ang grupo ni Sam.

"Hindi ka nagsisinungaling?" Maingat na tanong ni Ali.

Suminghal si George. "Isa akong sundalo, hindi ako nagsisinungaling tungkol sa mga utos sa akin! Ibinigay ng United Nations ang kanilang utos na protektahan ang kanilang kaligtasan, at ako ang taong responsable para sa misyong ito!"

"Paano ito naging posible? Ang patayin sila ngayon ay magbibigay sa mundo ng karagdagang kalahating buwan ng kaligtasan; hindi lamang nila pinili na hindi patayin sila, pero gusto din nilang protektahan sila? Nakakaduda naman ito ng husto."

Hindi maiwasan ni George na hindi matawa. "So gusto mo na patayin na lamang namin sila?"

"Sa tingin ko ay kaduda-duda lang ang utos na iyon!"

"Iyon ang utos sa akin. Wala na akong pakialam kung gusto mong maniwala o hindi."

"Xinghe, hindi natin sila pwedeng pagkatiwalaan, baka parte ito ng plano nila," paalala sa kanya ni Ali.

Tinapik ni Xinghe ang kanyang balikat at kalmadong sinabi, "Ibaba ninyo ang inyong mga baril, may tiwala ako sa kanila."

Natigilan si Ali. "Pero bakit? Isa itong patibong."

Tumingin si Xinghe kay George at sinabi ng may tipid na ngiti, "Kung gusto nilang patayin tayo, ay dapat ginawa na nila. Isa pa, ang patayin ako ay maaaring malaking kawalan sa kanila. Hanggang hindi sila sigurado kung kaya nating tapatan si He Lan Yuan o hindi, hindi nila tayo sasaktan dahil tayo lamang ang tangi nilang pag-asa."

"Pero…"

"May tiwala ako sa kanila," giit ni Xinghe.

Related Books

Popular novel hashtag