Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 830 - Tanging Ako Lamang ang Makakatapat kay He Lan Yuan

Chapter 830 - Tanging Ako Lamang ang Makakatapat kay He Lan Yuan

"Ibaba ninyo ang inyong mga baril, naniniwala din ako sa kanila," dagdag ni Mubai. Dahil silang dalawa na ang nagsabi, wala ng pagpipilian pa sina Sam at ang kanyang grupo kundi ibaba unti-unti ang kanilang mga baril. Si George ay napahanga sa resolusyon ng dalawa at ang impresyon niya sa mga ito ay nagbago."

"Naniniwala ba talaga kayong dalawa sa akin?" Seryoso niyang tanong.

Tumango si Xinghe. "Oo."

"Kung gayon, sumunod kayo sa akin!" Bigla niyang sinabi.

"Saan naman?" Tanong ni Ali bilang pag-iingat.

Malamig a tumugon si George, "Isa itong sikreto. Kung may tiwala kayo sa akin ay sumunod kayo, ginagarantiyahan kong hindi ko sasaktan ang kahit sino sa inyo."

"Imposible, hanggang hindi mo sinasabi sa amin kung saan tayo pupunta, hindi kami susunod sa iyo" seryosong sagot ni Sam. Kahit na ano pa ang sabihin ng iba, nahihirapan si Sam na maniwala sa kanya.

Ngumisi si George. "Wala na kayong pagpipilian. Kapag hindi kayo sumunod sa akin, ang dalawa sa kanila ay maaaring mamatay doon. Kailangan ninyong maintindihan na napakaraming tao ang gustong kunin ang buhay nila at ang iilan sa inyo ay hindi sapat para protektahan ang kanilang kaligtasan."

"Minamaliit mo kami, kami ay…"

"Susunod kami sa iyo," putol ni Xinghe.

Si Ali at ang iba pa ay gulat na napalingon sa kanya. "Xinghe, nababaliw ka na ba? Paano kung isa itong patibong?"

"Patibong? Kung ganoon ay kawalan na ng mundong ito dahil ako lamang ang nag-iisa na makakapagpabagsak kay He Lan Yuan!" Buong kumpiyansang sambit ni Xinghe. Parehong nagulat sina Chui Qian at George.

Tumingin sa kanila si Xinghe at inulit, "Tandaan ninyo, sa sandaling ito, ako lamang ang pagkakataon na mayroon kayo."

Inalis ni George ang panlilibak niya simula pa lamang at seryosong nangako, "Miss Xia, lubos ang tiwala ko sa kakayahan mo, kaya pakiusap ay huwag kang mag-alala, walang masamang mangyayari sa inyong lahat."

Naniwala si Xinghe sa kanya. "Kung ganoon, susunod ako kay Major George."

"Isang karangalan para sa akin na pagkatiwalaan mo!" Biglang nagbago si George at may paggalang na trato nito. Ang pagbabagong ito ay nakakapagtaka para sa grupo ni Ali na nakakita nito. Bakit biglang nagbago ang ugali nito? Talaga bang naniniwala siya na kayang pabagsakin ni Xinghe si He Lan Yuan? Kahit na totoo ito, hindi nangangahulugan na ang kanyang pinuno at ang United Nations ay may dahilan para ibigay ang kanilang tiwala kay Xinghe.

Gayunpaman, dahil pinili ni Xinghe na pagkatiwalaan ito, ang grupo ni Ali ay wala nang magawa kundi ang sumunod. Habang iginigiya na palayo sina Xinghe at Mubai, kumilos sila para sumunod, dahil hindi sila papayag na mawala ang mga ito sa kanilang paningin. Natimo si Xinghe sa kanilang pag-aalala; nagagalak siya na nagkaroon siya ng matapat na grupo ng mga kaibigan.

Nagpapasalamat din siya na nasa kanyang tabi si Mubai na walang sawang sumusuporta sa kanya ng walang kapalit.

Nagi-guilty si Xinghe dahil nadawit niya ito sa gulong ito at naging dahilan para puntiryahin pa ito ng buong mundo.

Tila nababasa ni Mubai ang kanyang iniisip dahil sinabi nito na, "Kung wala akogn swerte na mabuhay kasama ka ay wala naman akong pagsisisi na mamatay katabi ka. Huwag kang makaramdam ng lungkot para sa akin dahil masaya naman akong talaga."

Walang galak na tumawa si XInghe. "Ano ba ang dapat na ipagsaya? Kung talagang mamamatay ka dahil sa akin, isang malaking kawalan ito."

Hinigpitan ni Mubai ang hawak sa kanyang kamay at bumulong, "Hindi mo naiintindihan. Hanggang kasama kita, kahit na papunta pa tayo ng impiyerno, masaya na ako. Masaya ako na naririto ako sa iyong presensiya."

Nangislap ang mga mata ni Xinghe at pinisil din niya ang palad nito.

"Ganoon din ang nararamdaman ko," ganting-bulong niya.

Nagpapasalamat siya sa pagsama nito at patuloy na pagsuporta. Sinabi sa kanya ni Mubai sa magiliw na tono, "Kaya huwag kang matakot, dahil kahit na ano pa ang mangyari, palagi akong nasa iyong tabi."

Related Books

Popular novel hashtag