Agad na nagbago ang mukha ni He Lan Yuan. "Ang buhay ng buong mundo ay nasa aking mga kamay! Ano ba siya kumpara sa buong mundo?! Inuutusan kita na patayin siya ngayon! Pinapayuhan kita na huwag mong hamunin ang pasensiya ko dahil wala sa inyo ang makakaako ng mga kakahinatnan."
"Patayin mo ako kung ganoon," kalmadong tumayo si Mubai at ang mga salita niya ay nakadirekta kay George. "Major George, ayokong mapunta ka sa alanganin, barilin mo na ako ngayon, ayos lang sa akin."
Nakita ni He Lan Yuan ang katapangan nito at lalong pumangit ang mukha niya. Sinabi niya ng may masamang ngisi, "Sandali, nagbago na ang isip ko, ayoko na ang buhay niya ngayon. Baliin mo ang kanyang mga braso at hita at kaaawaan ko ang mundo. May isang minuto ka para magdesisyon."
"Naiinggit ka sa kanya ano?" Biglang binuksan ni Xinghe ang kanyang bibig para magsalita.
Nang marinig siya, ang mga mata ni He Lan Yuan ay naging malupit. Bahagya itong humilig paabante at tiningnan si Xinghe na tila isa siyang demonyo na mula sa impiyerno. Ang boses nito ay pagak ang tono, "Ano ang sinabi mo?"
Ang mga kalmado at malinaw na mata ni Xinghe ang tumitig pabalik sa kanya. "Sinabi ko, naiinggit ka sa kanya, hindi ba?"
"Naiinggit ako sa kanya?" Ang bawat salita ay punung-puno ng kagustuhang pumatay habang sinasabi ito ni He Lan Yuan sa pagitan ng nagtatangis niyang ngipin.
Nanatiling kalmado si Xinghe at tumugon, "Tama iyon, kung hindi, bakit mo kamumuhian ang isang tao na tulad niya ng ganoon katindi? He Lan Yuan, nakikita mo ang sarili mo na mas angat sa iba pa, kaya bakit ka naman manghahamak ng isang normal na tao kundi dahil sa inggit? Isa pa, ang taong nanghack ng sistema ay hindi siya kundi ako, mali ang taong nakuha mo."
"Tumigil ka na sa pagsasabi ng walang kwenta!" Agad na naiinis na si Mubai.
Mahinang sinabi ni Xinghe, "Ikaw ang dapat tumigil na sa kalokohan mo. Ako ang naka-crack ng system, iyon ang hindi maikakailang katotohanan."
Biglang tumawa si He Lan Yuan. Ang mga mata nito ay nakangiti paero ang malalamig na mata nito ay napako kay Xinghe. "Babae, malakas ang loob mo. Sabihin mo sa akin, ano ang pangalan mo? Baka mapatawad ko siya kapag napaluguran mo ako."
"Xia Xinghe."
"Huwag mong sabihin!"
Sabay na nagsalita sina Xinghe at Mubai, ang isa sa kanila ay kalmado, ang isa ay kinakabahan.
Hinablot ni Mubai ang kanyang braso at galit na nagtanong, "Bakit mo sinabi sa kanya?"
Alam ni Xinghe kung ano ang ipinag-aalala nito. Ang kanyang pangalan ay siguradong makakakuha ng atensiyon mula kay He Lan Yuan. Gayunpaman, kapag hindi niya ito ibinunyag, hindi magtatagal ay makukuha din ito ni He Lan Yuan sa ibang paraan.
Bahagya niyang itinulak si Mubai at hinarap ng direkta si He Lan Yuan. "Narinig mo ako? Ang pangalan ko ay Xia Xinghe."
Pinandidilatan siya ni He Lan Yuan ng isang tingin ng maninilo. Gayunpaman, hindi nanginig si Xinghe na tila isang sisiluin. Madilim nitong sinabi, "Ikaw si Xia Xinghe, ang babaeng iniulat na sa akin ni He Lan Chang?"
"Ako nga."
Siguro ay sinabi na ni He Lan Chang kay He Lan Yuan ang lahat ng tungkol kay XInghe at iniimbestigahan na din ni He Lan Yuan ang nagpakalat sa Project Galaxy. Alas, hanggang ngayon, hindi pa nila nalalaman ang katauhan ng mga magulang ni Xinghe. Gayunpaman, nakakasigurado na sila na ang kanyang ina ay isa sa kanyang mga tauhan.
"Sino ang iyong ina? Sabihin mo sa akin ang pangalan ng nanay mo at mabubuhay ang lalaki mo," hayagang banta ni He Lan Yuan.
Malamig na ngumisi si Xinghe. "Ikinalulungkot ko, pero wala akong ideya kung ano ang pangalan ng aking ina. Hindi niya sinabi sa akin ang tungkol sa kanya, kaya hindi ko maiiwasan ito kahit na hindi ka maniwala sa akin."
"So, hindi mo sasabihin sa akin ang totoo, tama?" May bahid ng kasamaang ngumiti si He Lan Yuan. "Sige, ibabagsak ko ang dalawang satellite kung ganoon."
"Hindi ba't ang plano mo ay mamuno sa mundong ito? Ang gawin ang buong mundo bilang kaaway ay hindi yata tumutugma sa iyong layunin."