Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 826 - Maglaro Tayo

Chapter 826 - Maglaro Tayo

"Ang katauhan ng aking ina ay hindi ang iyong pinaka alalahanin. Ang plano mo ay nabunyag na sa buong sangkatauhan, kaya dapat ay mag-isip ka na ng paraan para mapasunod ang buong mundo sa kagustuhan mo bago mo kami pasunurin. Huwag kang mag-alala, dahil palagi ka naming hihintayin."

Nagpatuloy si Xinghe matapos ang maikling patlang, "Siyempre, hindi na mahalaga ito kahit na gusto mo kaming patayin ngayon. Hindi magtatagal, mamamatay din naman kami kapag ang mundo ay nahulog sa iyong mga kamay, mas nanaisin kong mamatay ng mas maaga kaysa mahuli."

Alam ni He Lan Yuan na nanlalansi ito sa kanya, pero payag siyang malansi nito. "Tama ka, ang patayin ka ngayon ay hindi masaya para sa iyo. Kailangan kong mahuli kayong lahat at personal na magsagawa ng pagpapahirap, mas masaya iyon. Isa pa, maaaring may silbi pa kayo sa akin, kaya hindi ko mahahayaan na mamatay kayo ng ganoon kadali."

Tumawa si Xinghe. "Huwag kang mag-alala, hindi lamang sa hindi kami mamamatay, sisirain pa namin ang lahat ng mahalaga sa iyo!"

Patuloy na tumawa si He Lan Yuan na tila isang baliw dahil natatawa siya ng husto sa mga banta ni Xinghe. Ang ibang tao ay tumingin kay Xinghe na tila nababaliw na ito. Alam ba niya ang pinagsasasabi niya?

Imbes na amuin si He Lan Yuan, patuloy niya itong hinahamon sa pamamamagitan ng pagsasabi na wawasakin niya ang lahat ng mahalga dito. Pagod na ba siyang mabuhay?

Inisip din ni He Lan Yuan na nabaliw na ito. Isang malamig na ngiti ang lumitaw sa mukha nito habang sinasabi niya, "Bata, grabe ang bibig mo! Hindi ba itinuro sa iyo ng mga magulang mo na maging mapagkumbaba? Masyado ka pang bata para hamunin ako, siguro ay sa susunod mo nang buhay mo ito subukan. Tandaan mo, ang kaligtasan ng Earth ay nasa mga kamay ko!"

"Ano ngayon? Pindutin mo ang button na iyan at mamumuno ka sa isang mundong walang laman. Hanggang nabubuhay ako, hahanap ako ng paraan para tapusin ka," walang takot na patuloy ni Xinghe.

Biglang sumingit si Mubai, "At ako, si Xi Mubai! Tandaan mo, nasa hit list din kita."

Sa pagkakataong ito, ang tawa ni He Lan Yuan ay mas malalim at mas madilim. Tinitigan niya silang dalawa at tumango. "Sige, sige. Napakatapang ninyong dalawa, bakit hindi tayo maglaro? Pakinggan ninyo ako, kapag kayong dalawa ay buhay pa sa loob ng tatlong araw, kalilimutan ko na ang kasalanang ito, ano sa tingin ninyo?

"Ano'ng klase ng laro ba ang sinasabi mo?" Tanong ni Xinghe.

"Hindi magtatagal ay malalaman mo din." Misteryosong ngumiti si He Lan Yuan. Sa sumunod na segundo, ang internet at telebisyon ng mundo ay kinuha na naman nitong muli. Kinokontrol nito ang lahat ng mga satellite, kaya naman magagawa niya ito kung kailan niya gusto.

Ang mga tao sa buong mundo ay naupo sa harap ng kanilang telebisyon at mga computer, natatakot na baka hindi ito makita at mawaglit ang importanteng balita. Nang lumabas ito sa screen ulit, ang mundo ay napigil ang kanilang mga hininga sa takot at antisipasyon.

Hinarap ni He Lan Yuan ang buong mundo at nagpakawala ng gwapo niyang ngiti. "Mga binibini at ginoo, nagkita tayong muli, kumusta na kayong lahat?"

Sumeryoso ang mga muka ng grupo ni Xinghe, sa wakas ay alam na nila ang pakanang gagawin nito.

Matapos ang hindi taos sa kaloobang pagbati, mabagal na tumawa si He Lan Yuan at sinabi, "May kalahating buwan pang natitira bago ang nakatakdang palugit. Alam ko, siguro ay napakahirap ng mga araw sa inyong lahat. Natatakot kayo na katapusan na ninyo matapos ang kalahating buwan, tama? Huwag nang matakot dahil hindi ako ganoon kasama. Intindihin ninyo na isa akong patas at mabait na hari. Ngayon, bibigyan ko kayo ng isa pang kalahating buwan para isipin ang inyong mga pagpipilian. Hindi ba kayo masaya na marinig ito? Pero may kondisyon, huwag kayong mag-alala, isa lamang itong maliit, napakaliit na kondisyon…"

Dito, humarap si He Lan Yuan para tumingin kay Xinghe at Mubai. Habang tinitingnan ang mga seryosong mukha nito, binuksan niya ang kanyang bibig para ipahayag...