Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 821 - Si Mubai bilang Kanyang Tanging Saksi

Chapter 821 - Si Mubai bilang Kanyang Tanging Saksi

Kaya naman, nahack niya ang supercomputer ng hindi masyadong nag-aaksaya ng oras at ng walang aksidente. Gayunpaman, mayroon lamang siyang limang minuto para gamitin ang supercomputer na ito para mahanap ang central defense point, dahil pagkatapos ng limang minuto, magre-reboot ang system.

Isa pa, walang ideya si Xinghe kung ang system ay magsasara ng tuluyan matapos ang napakaraming reboot. Kaya naman, mainam na magtagumpay siya sa una niyang pagsubok o ang panganib ng pagkabigo ay maaaring tumaas.

Ang limang minuto ay mahalaga para kay Xinghe. Hindi siya iniistorbo ni Mubai, binabantayan nito ang pinto para pigilan ang sinuman mula sa pagpasok. Ang malaking control room ay napupuno ng tunog ng pagtipa sa keyboard. Para sa importanteng sandali na ito, si Mubai lamang ang kanyang saksi. Walang nakakaalam kung gaano kalaki ang presyur na nasa balikat ni Xinghe. Lumalaban siya para sa kaligtasan ng buong mundo.

Ang kalmado niyang hitsura ay hindi ipinapakita ang kanyang panloob na pakikipaglaban, pero naiintindihan ni Mubai ang presyur na kinalolooban niya, ang kanyang sakripisyo at ang kanyang hirap.

Habang pinapanood siyang lumalaban, nakaramdam ng pagmamalaki si Mubai. Sa sandaling iyon, ipinagmamalaki niya ng husto si Xinghe.

Siya ang pinaka nakakahangang babae na nakilala niya sa kanyang buhay, inookupahan nito ang nag-iisang espasyo sa kanyang puso na nakareserba para sa hindi hihigit dito. Kahit na ano pa ang maging resulta, ang kahalagahan nito sa kanyang puso ay hindi magbabago. Kahit na ano pa ang mangyari sa hinaharap, walang makakapagbago ng posisyon nito sa kanyang puso. Siyempre, lubusan siyang naniniwala na magtatagumpay siya.

Lumilipas ang oras bawat segundo. Para kay Ali at sa iba pa, lumipas ito sa isang kisapmata, gayunpaman para kay Xinghe at Mubai, napakabagal nito, ang limang minuto ay tila kasing haba ng isang siglo. Ang isang pinto ay tila nahahati sa dimensiyon ng space at time sa dalawa.

Para sa mga nasa loob ng pinto, ang bawat segundo ay lumilipas sa matinding presyur at kaba. Sobra ang kaba ni Mubai na nakatayo habang nanonood lalo na kay Xinghe na nasa mga daliri ang kapalaran ng mundo.

Gayunpaman, kahit na nasa ilalim ng matinding presyur, nagtagumpay pa din si Xinghe. Dahil sa huling minuto, sa wakas ay nahanap niya ang lokasyon ng central defense point!

Napatayo bigla si Xinghe at hindi niya maiwasan ang sarili sa pag-anunsiyo na, "Nahanap ko na—"

Nabasag ng tinig niya ang ere sa silid. Tumingin si Mubai sa kanya habang unti-unting lumilitaw ang ngiti sa kanyang mukha, "Ano ang sinabi mo?"

Masayang sumagot si Xinghe, "Nahanap ko na, nagawa ko na!"

May kislap sa mga mata ni Mubai. Sa sandaling humakbang siya, ang pinto sa likuran niya ay bumukas at isang grupo ng mga tao ang pumasok sa silid.

"Nagawa mo na?!"

"Xinghe, na-crack mo na ito?!"

Ang nagdududang tanong ni George at ang sabik na tili ni Ali ay narinig sa parehong oras. Nakatingin silang lahat sa kanya na hindi makapaniwala. Paano niya nagawa ito ng sobrang bilis, ilang minuto pa lang naman ang lumilipas?!

Nagulat si Xinghe sa biglaan nilang pagpasok. Walang anuman niyang sinabi, "Nagawa ko na ang unang hakbang pero hindi pa ang buong sistema, gayunpaman hindi magtatagal ay sigurado ako na ang tunay na tagumpay ay magiging akin din."

Anupaman, ang grupo ni Ali ay nagbubunyi. "Xinghe, alam kong magagawa mo ito! Ikaw na ang pinakamahusay."

Ngumisi ng may panlilibak si George. "So, sa madalign salita, hindi ka pa nagtagumpay. Ang pagkabigo ay isang kabiguan, kaya huwag mo nang subukan na tawagin ito ng ibang salita. Paano mo posibleng magagawa ang isang bagay na hindi nagawa ng maraming eksperto? Kaya naman, bago mo ma-crack ang buong sysem, matuto kang magpakumbaba kundi ay baka mas maraming mawala sa iyo!"

Related Books

Popular novel hashtag