Chapter 822 - Cracked

Isa talagang negatibong tao si George. Tapos nang maging mabait si Xinghe sa kanya. Tiningnan niya ito ng masama at malamig na sinabi, "Kung gayon ay buksan mo ang mga mata mo at manood kang maigi."

Pagkatapos ay nanatili na siya sa harap ng isang computer at nagsimulang magtrabaho. Sa oras na ito, hindi na niya ito pinaalis dahil hindi na siya takot na magulo. Walang sinuman, kahit na si George, ay nangahas na istorbohin siya habang nagtatrabaho siya. Gayunpaman, hindi nila mapigilan ang kanilang sarili na tumayo sa likuran nito para makita kung ano ang ginagawa nito.

Nakita nila ang mga daliri ni Xinghe na lumilipad sa keyboard na sobrang bilis, at walang katapusan na code ang lumilitaw sa screen. Gayunpaman, nahihirapan silang intindihin ang mga ibig sabihin nito. Ang totoo, wala na silang oras na pag-aralan ang mga codes dahil lumilitaw lamang ito ng ilang segundo bago sila itinulak paalis ng screen.

Ito ang unang beses na nakita ni George si Xinghe sa kanyang elemento. Napahanga siya sa bilis at abilidad nito. Gayunpaman, nagdududa siya kung alam ba talaga nito ang ginagawa niya. Nahihirapan silang humabol sa mga codes na lumilitaw sa screen at nanonood lamang sila, si Xinghe ay kinakailangan pa na magtype din. Ganoon ba talaga kahusay si Xinghe?

Hindi na kailangan pang sabihin na ang sagot ay oo. Wala ng mas pamilyar pa sa computer language kaysa kay Xinghe. Ang codes ay maaaring kakaiba sa ibang tao at kakailanganin nila ng ilang oras para alamin ito , pero tila isa itong lengguwahe na nabihasa na ni Xinghe. Alam na niya ang ibig sabihin nito kahit pa sulyapan lamang niya ang mga ito. Ang totoo, mas pamilyar pa siya sa computer language kaysa sa lengguwahe ng mga tao.

Kaparte na ito ng kanyang katauhan, isang bagay na nakatatak na sa kanyang buto. Alam na niya ng husto ang mga ito kaysa sa kanyang mother tongue…

Ginamit niya ang computer language ng may bilis at pagkabihasa na nakareserba sa mother tongue ng isang tao. Hindi na mahirap para kay Xinghe na mapabagsak ang system.

Dahil sa nauna na niyang hacking effort at pagsusuri, hindi na nahirapan pa si Xinghe na ihack ang central defense point. Ang totoo, ang mahirap na part ay hindi ang paghack kundi ang hindi pag-activate ng trigger-happy na self-destruct sequence. Nang makita na ang central defense point, ang pag-hack dito ay nangangahulugan na ang self-destruct sequesnce ay hindi na mapapagana. Sa madaling salita, ang iba pa ay madali na pagkatapos na mahanap ang central defense point!

Sa ilalim ng nanonood at kinakabahang tingin ng lahat, madali nang nahack na ni Xinghe ang central defense system. Kung tutuusin, gumamit lamang siya ng kalahating oras.

"Tapos na, ang lahat ay nabuksan na." Nang humarap siya para sabihin ang mga salitang iyon, ang lahat ay nabigla.

Nalilito sa kakulangan ng kanilang reaksiyon, inulit ni Xinghe ang sarili ng nakakunot ang noo, "Sinabi ko tapos na ako."

"Ginawa mo ay ano?!" Tanong ni George na hindi makapaniwala.

Ngumiti si Xinghe at kinumpirma, "Ang sabi ko ay nahack ko na ang system, ang mga computer dito ay maaari nang gamitin ng normal. Hindi na kailangan pang mag-alala tungkol sa isang system wipe."

"Imposible!" Sagot ni George dahil ugali na nito iyon. "Kakaunting oras lang ang lumipas, paano mo nagawa iyon ng ganoon kabilis?"

"Iniisip ni Major George na imposible ito pero ito ang katotohanan," sabi ni Mubai ng may pilyong ngisi. "Ang katotohanan ay nasa harap mo na, kaya bakit kami magsisinungaling sa iyo?"

"Tama iyon, ito ang katotohanan! Sinabi ko na sa iyo na ang Xinghe namin ay mas mahusay pa kaysa sa buo mong grupo kahit pagsamahin at siya lang ang makaka-unlock ng system ng lahat ng computer na ito, naniniwala ka na ba ngayon?" Mayabang na tanong ni Ali.

Nang-aasar pang dumagdag si Sam, "May ilang tao talaga na kailangan pang sampalin ang mukha ng katotohanan bago pa sila papayag na tanggapin ang kanilang kaignorantehan."

Related Books

Popular novel hashtag