Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 820 - Tayong Dalawa Lamang

Chapter 820 - Tayong Dalawa Lamang

Kayang harapin ni Xinghe ang hamon. Gagamitin niya ang katotohanan para ipakita sa kanilang lahat na nagkamali sila. Habang sinasamahan ng mga tauhan ni Chui Qian, ang grupo ni Xinghe ay muling nagbalik sa base.

Sa kaparehong oras, nakatanggap ng notipikasyon mula sa mga nakakataas niya si George. Nang makita niyang muli si Xinghe, sinabi niya ng may panlilibak, "Minaliit kita. Hindi ko talaga inaasahan na masyado kang maraming koneksyon na nagawa mong impluwensiyahan ang mga tao sa itaas."

"Kahit wala pa ang mga koneksiyon ko, hindi nila ako papayagang bumalik kung wala akong tiwala na maka-crack ko ang defense system na ito. Kay anaman, huwag kang masyadong tumingin sa mga koneksyon ko, sa panahong tulad nito, mas malakas magsalita ang kakayahan," kontra ni Xinghe ng may style.

Nagulat si George. Kailangan niyang aminin na mas may saysay ang sinabi ni Xinghe. Ang kanyang paghatol dito ay bahagyang nabawasan, pero hindi sapat para magtiwala siya dito.

"Sige pero babalaan kita, huwag mong magagawang masira ang kahit na anong computer dito. Kung kahit na anong impormasyon sa loob ang nawala, kahit ang Diyos ay hindi ka maililigtas!"

"HIndi mo na kailangan pang sabihin iyan sa akin, alam ko na iyan," sinabi ni Xinghe ng nakataas ang kilay. "Pwede na ba akong pumasok?"

Nagdalawang-isip si George pero wala na siyang pagpipilian kundi umusog para sa mga ito. Sinabi ni Xinghe kay Mubai, "Tayong dalawa ang papasok, ang iba ay maghintay sa labas."

"Sigurado ka?" Panghahamak ni George. "Kayong dalawa lang ang makakagawa ng bagay na ganito kalaki?"

"Siyempre, si Xinghe at Mr. Xi ay nagtatrabaho ng maigi ng silang dalawa. Ang dalawa sa kanila ay higit pa sa sapat para tapatan ang bagay na ganito kalaki. Ang mga tao mo ay makakaistorbo lamang kung susunod sila," direktang sambit ni Ali.

Malamig na ngumisi si George. "Sige, kung talagang mahusay sila, umaasa ako na mapapahanga ako. Siguraduhin mo lang na hindi mo kami bibiguin."

"Umaasa din ako na sana ay matandaan ni Major George na ang operasyon na ito ay mapupunta sa pamumuno namin kung magiging matagumpay kami," walang pakialam na sabi ni Mubai bago hinila si Xinghe papunta sa base.

Ang madilim na mga mata ni George ay sinundan sila, at nanghahamak na suminghot ito. Hindi niya inisip na magtatagumpay ang mga ito. Dahil ang mga eksperto sa mundo ay walang magawa sa defense system na ito, paano pa kaya silang dalawa.

Siguraduhin nilang hindi siya mabibigo, dahil kapag pumalpak sila, handa na siyang balatan sila ng buhay sa pag-aaksaya ng oras niya!

Kaya naman, bibigyan niya ang mga ito ng palugit. Kinawayan ni George ang isa sa mga tauhan niya na lumapit at sinabi, "Sabihin mo sa kanila na kapag hindi nila nalutas ang sistema sa loob ng 24 oras, parurusahan sila ayon sa batas militar!"

"Yes, sir." Nagpunta ang kanyang sundalo para ipasa ang balita. Sumagot si Xinghe ng hindi man lamang ito tinitingnan, "Okay."

Medyo nainis pa ang sundalo sa hindi nito pagtingin sa kanya kaya umubo ito at inulit, "Tandaan mo, mayroon ka lamang isang araw para gawin ito, ito na ang kabutihan na maibibigay sa iyo ng aming Major."

"Tapos ka na ba?" Ganti ni Xinghe bilang tanong.

"Tapos na ako."

"Kung gayon ay lumabas ka na, huwag mo nang sayangin ang oras namin."

Nagulat ang sundalo, pero, tumalikod ito at lumakad na palabas. Naupo na si Xinghe sa harap ng supercomputer na na-crack na niya dati at nagtanong ng may pag-aalala si Mubai, "May problema ba?"

Umiling si Xinghe. "Wala naman. Nag-aalala lang ako na baka hindi ito maging matagumpay."

"Kahit na ano pa ang mangyari, ang hindi pagiging matagumpay ay hindi nangangahulugan na pumalya ka, huwag mong masyadong bigyan ng presyur ang sarili mo."

"Okay." Tumango si Xinghe bago nagsimulang paganahin ang computer. Kinailangan niyang i-hack muli ang security system ng computer na ito. Ang defense system para sa lahat ng mga supercomputer ay napakagaling. Kahit na nahack na ito dati, hindi ito mananatiling bukas ng matagal. Kaya naman, kinailangang ulitin ni Xinghe ang panghahack. Mabuti na lamang, ang paraan ng panghahack ay nakatatak na sa utak niyang may photographic memory.