Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 815 - Central Defense Point

Chapter 815 - Central Defense Point

Nadala na si Mubai ng iniisip ni Xinghe at tila may naintindihan na siya. Ang sumunod na sinabi ni Xinghe ang nagpatunay ng kanyang mga pagdududa.

Nagpaliwanag ito, "Ito ay pareho din para sa root, ang lahat ng parte ay magkakakonekta. Ginagaya nito ang katawan ng tao, kung ang isang parte ng katawan ay nasaktan, ang buong katawan ay makakaramdam ng sakit. Kaya naman, kung ang isang parte ng katawan ay nakatanggap ng seryosong pinsala ay maaapektuhan ng negatibo ang buong katawan o kaya ay maaari itong mamatay. Kaya naman, hindi ba't sa tingin mo ay may pagkakatulad sila sa teorya?"

Dumilim ang mga mata ni Mubai. "Tama ka, ang kanilang design principles ay talagang magkatulad, pero paano nito tayo tutulungan sa anumang paraan?"

"Para mahanap ang sentro!" Sabik na sambit ni Xinghe, "Siguro ay mayroong pinakautak dito, kapag hinack natin ang central defense point na ito, ang iba pang sistema ng depensa ay hindi na gagana."

"Nasaan ba ang pinaka-central point para sa robot?"

"Natural, nasa puso." Itinuro ni Xinghe ang puso na nasa blueprint. "Kapag sinira mo ang puso, ang robot ay patay na. Kahalintulad nito, kapag nagpakilala ka ng mga pagbabago sa puso nito ay magbabago na din ang mga natitira pang sistema. Ito ay dahil sa ang puso kaya naman nakakakilos ang robot sa una pa lamang. Kaya naman, kailangang pareho din ito para sa mga supercomputer na ito, kapag nagawa nating wasakin ang central defense point, ang sistema ng depensa nito ay mawawasak kasunod nito."

Bahagyang kumislap ang mga mata ni Mubai. "Lapag may pareho silang design principle at pareho silang dinisenyo ng iyong ina kung gayon ang central defense points ay magkapareho para sa dalawa."

Tumango si Xinghe. "Oo, ang kailangan nating malaman ngayon ay hanapin ang puso ng mga supercomputer na ito."

"Pero nasaan kaya iyon?"

Tumingin si Xinghe sa mga supercomputer na nasa control room at ang kanyang utak ay nagsimula nang gumana. Matapos ang ilang sandali, kumuha siya ng papel at pen at nagsimulang gumuhit. Sumilip si Mubai sa iginuguhit nito at naintindihan kung ano ang kanyang ginagawa. Hindi niya ito inistorbo kahit na napahanga siya sa paraan ng pag-iisip nito.

Gamit ang human simulation robot bilang basehan, iginuhit ni Xinghe ang defense system ng mga supercomputer na ito. Pagkatapos ay itinuro niya ang pinakamalaking bilog na nasa papel at sinabi, "Kung hindi ako nagkakamali, ito ang pinakagitna."

Isinatinig ni Mubai ang kanyang pag-aalala, "Pero ang mahanap ang pinakagitnang ito ay nangangailangan ng maraming pagsubok at pagkakamali. Hindi ba't masyadong mapanganib dahil ang tsansa na pumalya ay napakataas?"

:Hindi na natin kailangang subukan ang bawat isang supercomputer. Kung makakahack tayo sa isa, maaari na nating gamitin ang teoryang ito para sundan para marating ang central defense point."

Tumawa si Mubai. "Hindi ba't naka-hack ka na ng isa?"

Ngumiti din si Xinghe bilang ganti. "Tama iyon at doon na tayo dedepende ngayon!"

"Tara na."

"Okay." Handa ng kumilos si Xinghe nang si Ali at ang iba pa ay biglang pumasok sa silid.

"Xinghe, hindi ito maganda, ang mga tao mula sa United Nations ay naririto!" Sa sandaling natapos nila ang kanilang pangungusap, isang malaking lalaki na namumuno ng isang grupo ng mga tao na nakasuot militar ay naglalakad patungo sa kanila.

Mula sa kanilang kasuotan, agad na nalalaman nina Xinghe at Mubai ang kanilang pagkakakilanlan. Para labanan si He Lan Yuan, ang United Nations ay lumikha ng special task force. Ang task force ay isang unit ng militar. Ang militar ay hindi maaaring mawala dahil ito ay magiging isang digmaan. Ang task force ay may iisang kasuotan at hindi sila nasa ilalim ng kontrol ng anumang bansa. Sumasagot lamang sila sa United Nations. Sa madaling salita, ang task force na ito ang pinakamalakas na grupo ng mga tao sa Earth.

Hindi inaasahan ni Xinghe na bigla silang bibisita sa launch base. Ang United Nations ay marami nang ipinadalang eksperto sa computer para harapin ang mga sistema pero halos lahat sila ay bumalik ng walang nagawang progreso.