Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 816 - Pakiusap ay Agad Kayong Lumikas

Chapter 816 - Pakiusap ay Agad Kayong Lumikas

Nasa ilalim siya ng paniniwala na sumuko na sila sa base, kaya bakit sila bumalik?

Ang namumunong opisyal ay agad na inalis ang kanilang kalituhan. Ang pisikal na nakakahanga at marangal na sundalo ay nagsalita ng walang init, "Ang lahat ba sa inyo ay mga eksperto sa computer ay mula sa Country R?"

"Masasabi mong ganun na nga." Tumango si Xinghe.

"Ikinagagalak kitang makilala, ako si Major George Alison. Ako ang bagong naitalaga bilang second in command para sa first technical unit ng United Nations. Mula ngayon, ang base na ito ay nasa ilalim na ng aking pamamahala at wala na ito sa teritoryo ng Country R. Kaya naman, kailangan kong hilingin sa inyong lahat na lumikas na agad, at hindi kayo maaaring kumuha ng anumang bagay mula sa lugar na ito," malamig na sabi ni George, sa pautos na paraan.

Nagtanong si Xinghe bilang tugon, "Pero naimbestigahan na ninyo ang lugar at wala naman kayong nakuhang mapapakinabangan, tama."

"Iba kami sa kanila dahil ang grupo ko ang may pinakamakapangyarihang technical team. Ang resulta ay magiging iba pagkatapos na pumalit ang aking grupo."

"Hindi na kinakailangan dahil nakahanap na ako ng solusyon para ma-hack ang mga sistemang ito. Magagawa ko na ito ngayon," mahinang sambit ni Xinghe.

Tumingin ng matalim sa kanya si George at nagtanong ng nakataas ang kilay, "Nakaisip ka na ng solusyon?"

"Tama iyon." Buong tiwalang tumango si Xinghe.

Nagpatuloy sa kanyang pagtatanong si George, "Gaano kataas ang iyong tiwala?"

"Hindi bababa sa 90 porsiyento."

"90 porsiyento ay hindi 100 porsiyento! Kung hindi ito 100 porsiyento, hindi ka namin mapapayagang kunin ang panganib. Ang impormasyon sa mga computer na ito ay masyadong importante para masira. Kahit na may 99 porsiyento ang tiwala mo, hindi pa din kita papayagan. Ang kaparusahan sa iyong pagkabigo ay hindi nakakatakot dahil ang pinakakatakot na bagay ay masisira mo ang impormasyon na mahalaga sa amin."

"Kung ganoon ay may 100 porsiyentong tiwala ako," direktang sinabi ni Xinghe, ang kanyang kumpiyansa ay hindi natinag. Alas, hindi na siya pinaniwalaan pa ni George sa pagkakataong ito, kung anupaman, hindi siya pinaniniwalaan nito mula sa umpisa.

Malamig itong ngumisi. "Ikinalulungkot ko Miss, pero wala akong tiwala sa iyo. Bibigyan ko kayong lahat ng isang minuto para lisanin ang lugar na ito, huwag ninyong iutos ko pa ang mga tauhan ko para palayasin kayo."

"Kung talagang mapapawalang-bisa namin ang defense system, hindi ba't ang ginagawa ninyo ay aksaya ng panahon?" Tanong ni Mubai sa maawtoridad na tinig.

Nang-uuyam na nagsalita si George, "Ibinabase ninyo ang lahat sa kung. Pero kung sinira ninyo ang lahat ng mga impormasyon dito, magiging responsable ba kayo sa pagkawasak ng buong mundo at ng buong sangkatauhan?!"

"Malalaman natin kung may kakayahan kami o wala matapos sumubok at handa akong itaya ang buhay ko para sa malakign responsibilidad na ito," malinaw na sagot ni Xinghe.

Napasinghap ng may pang-uuyam si George matapos na marinig siya. "Maaaring gusto mong mamatay pero ayaw ko pa. Dahil ako na ang mamumuno sa baseng ito, kailangang maging responsable ako sa lahat ng nangyayari dito, at ang katotohanan ay wala akong tiwala sa bawat isa sa inyo kaya pakiusap ay umalis na kayo agad. May kalahating minuto pa kayong natitira para umalis ng mapayapa kung hindi ay maghanda na kayong harapin ang galit ng militar."

"Paano mo nagagawang kumilos ng ganito?" Tabla ni Ali ng sobrang inis. "Sinabi na namin sa inyo na mareresolbahan na namin ang isyung ito, kaya bakit ayaw ninyo kaming pagkatiwalaan? Kilala ba ninyo kung sino siya? Mas mahusay pa siya kaysa sa buo mong grupo. Kung hindi niya magagawang i-hack ang sistemang ito, kung ganoon ay wala sa mundong ito ang makakagawa! Tanging si Xinghe lang ang makaka-crack ng system na ito!"

"Ganoon ba? Sa kasamaang-palad, hindi ko pa naririnig kung sino ang little miss na ito dati," bastos na sagot ni George, malinaw na ang pakahulugan nito. Hindi niya nakikilala si Xinghe, kaya kahit gaano pa ito kahusay, hindi siya maniniwala dito.

"Kung gayon ay masasabi na lamang namin na ang kaignorantehan mo ay lumalabas na!" Naghahamak na komento ni Sam bilang ganti.