Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 812 - Espesyal na Paraan ng Komunikasyon

Chapter 812 - Espesyal na Paraan ng Komunikasyon

Ang ideyang ito ay ibinasura din. Mahinang sambit ni Mubai, "Masyadong maingat si He Lan Yuan para mahulog sa isang tulad niyan. Kung wala siyang lubos ng kumpiyansa, hindi siya bababa sa Earth. Kapag ginawa naman niya, ang mga tauhan niya ay natapos na ang pananaliksik sa memory cells. Kapag may memory cells, magagawa na niyang buhayin ang sarili niya ng paulit-ulit."

"Ang bwisit na iyon! Paano natin siya mapapatay?" Galit na tanong ni Sam.

Ngumisi si Ee Chen at sinabi, "Mula sa nakikita ko, ang pinakamainam na paraan para harapin siya ay ang kunin ang kontrol sa mga satellite na iyon. Kung wala ang mga iyon para bantaan tayo, mas magkakaroon pa tayo ng maraming oras para makaisip ng paraan para harapin siya."

Tumango si Xinghe. "Iyon na ang pinakamagandang ideya pero ang kuhanin ang kontrol ng mga satellite na iyon ay mas madaling sabihin kaysa gawin."

"Xinghe, ano naman ang sa iyo? May iba ka bang ideya?" Tanong ni Ali.

Umiling si Xinghe. "Wala, masyado na tayong maraming naisip na ideya, pero masyadong mapanganib ang mga ito. Ang pinakaligtas na solusyon ay ang i-unlock ang mga supercomputer na ito para makita kung makakakuha pa tayo ng mga impormasyon kung paano matatalo si He Lan Yuan."

"Paano kung wala tayong makuha sa mga supercomputer kung paano siya kakaharapin?"

Natahimik si Xinghe bago seryosong nagsalita, "Kung ganoon ay dapat maghanda na tayo na pamunuan niya."

Natahimik ang lahat. 

Kanina inisip ng SamWolf na hindi patas ang pagtrato ng mundo sa kanila, ang totoo, minsan ay hiniling na din nila na magunaw na ang mundo. Gayunpaman, sa ngayon, pakiramdam nila ang mundo ay isang magandang lugar. At least may mga kaligayahang nangyayari sa mundo. Sa pangwakas, kahit na may panaka-nakang kalungkutan, ang mundo ay nabubuhay sa simpleng kasiyahan at kaligayahan. Kaya naman, hindi na hinihiling na magunaw ang mundo. Hindi nila hinihiling na magkaroon ng malupit na haring tulad ni He Lan Yuan.

Mula sa paraan na binantaan niya ang mundo, alam nila na hindi ito magiging patas na pinuno o kahit maging tao na may mabuting moralidad. Ang mundo sa kanyang mga kamay ay magiging impiyerno. Ang kanilang mga mukha ay seryoso habang iniisip ang madilim nilang hinaharap.

Ibinaba na ni Xinghe ang kanyang plato para aluin sila. "Pero hindi na ninyo kailangan pang malungkot, hanggang sa huling minuto, hindi tayo dapat na sumuko."

"Pero ano pa bang paraan ang nandiyan? Hindi kaya mainam kung mayroong tao sa kalawakan na makakatulong sa ating patayin si He Lan Yuan?!" Bulalas ni Ali sa sobrang inis.

Biglang pumalakpak si Sam at tumuro kina Xinghe at Ee Chen. "Ang mga magulang ninyo marahil ay nasa kalawakan, tama? Hindi ninyo ba sila makokontak para maipapatay si He Lan Yuan?"

Tumawa si Ee Chen. "Sa tingin mo ba ay maghihintay ako hanggang ngayon para makontak sila kung magagawa ko?"

"Xinghe, maaaring may ilang paraan ka kung paano makontak ang iyong ina, tama? Pareho kayong mahusay sa computer, kaya marahil ay may iniwanan siya sa iyo na isang espesyal na paraan ng komunikasyon?"

Bigla ay sinabi ni Cairn, "Marahil ay may iniwan siya sa iyo na isang kakaibang paraan para makontak siya?"

"Tama iyon, Xinghe, bakit hindi mo tingnan ang tungkol dito? Baka mayroong kakaiba doon." Nagsimula nang masabik si Ali.

May isang bagay nga na lumitaw sa isip ni Xinghe na nagpaalala dito. Bigla siyang tumawa. "Siguro ang mga tagalabas talaga ay may mas malinaw na pagtingin dito. Ang lahat kayo ay may naisip na ilang magagandang ideya. Ito ang ikalawang pagkakataon na ipinaalala ninyo sa akin ng isang importanteng bagay. Salamat, titingnan ko na ito ngayon!"

"Tara na." Makikitaan ng kasabikan si Xinghe habang hinihila si Mubai palayo at umalis na sila ng silid. ang grupo ni Sam ay nagmamadali namang humabol sa kanila.

"Xinghe, kayo ba talaga ng ina mo ay may espesyal na paraan para makapag-usap?"

"Xinghe, sandali lang, ano ang ipinaalala namin sa iyo?"

Related Books

Popular novel hashtag