Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 813 - Simulation Robot

Chapter 813 - Simulation Robot

May naalala nga si Xinghe. Nang umalis ang kanyang ina maraming taon na ang nakalipas, may iniwanan ito sa kanya na isang blueprint para sa isang simulation robot. Pinaalalahanan siya nito ng maraming beses na paghusayin ang kanyang kakayahan sa computer para isang araw ay muli silang magkita.

Gayunpaman, pinag-aralan na niya ang mga blueprint na iyon mula sa likod at harap, pero hindi pa din sila nagkikita, at hindi niya maintindihan kung bakit ibibigay ng kanyang ina sa kanya ang mga blueprint para sa isang robot. Ang kanyang ina, sa kanyang alaala, ay hindi kailanman nahuhumaling tungkol sa siyensiya o kahit na sa mga robot.

Gayunpaman, ngayon ay tila naiintindihan na niya kung bakit dinesenyo ng kanyang ina ang mga bagay na iyon at iniwanan sa kanya. Nagdarasal siya na sana ay tama ang kanyang hinala.

Binuksan ni Xinghe ang kanyang computer at inilabas ang mga blueprint na iyon mula sa kanyang cloud server. Napakunut-noo si Mubai sa kalituhan nang makita niya ang mga blueprint na iyon. "Ano ang mga ito? Mga robot?"

"Oo, isang uri ng human simulation robot. Ginamit ko ang mga blueprint na ito para makagawa ng disenyo para sa artipisyal na braso." Bahagyang tumango si Xinghe.

"Tila ito totoo. Kapag nagawa ito, sa tingin ko ay halos wala itong ipinagkaiba sa tunay na tao," sabi ng humahangang si Sam.

Sinabi ni Ee Chen sa kakaiba at mayabang na tono, "Nakita ko na ang mga blueprint na ito dati."

"Xinghe, paano mo nahayaang makita niya ang isang bagay na napakaimportante?" Reklamo ni Sam na naiinis. May pagkairita din na nararamdaman si Mubai. Unang beses pa lamang niya ito nakikita, kaya paanong nakita ito ni Ee Chen dati pa?

Direktang sinabi ni Xinghe, "Hindi naman niya ito maiintindihan eh."

Kaya naman, hindi na mahalaga kung ibinigay niya dito ang mga blueprint para pag-aralan o hindi. Pakiramdam ni Ee Chen ay pisikal na sinikmuraan siya habang sina Mubai at iba pa ay nasiyahan ng konti. Pero…

Isinatinig ni Mubai ang kanyang pagkalito, "May kinalaman ba ito sa ideya na nasa isip mo?'

Biglang sabi ni Ali, "Alam ko na! Xinghe, plano mong idesenyo ang robot na ito, at paliparin ito sa himpapawid para patayin si He Lan Yuan?"

"Utak-bata!" Tuya sa kanya ni Wolf at buong tiwalang sinabi, "Gagawa siya ng robot army para opisyal na makipagdigmaan kay He Lan Yuan!"

Pinaikot ni Ee Chen ang kanyang mata habang pinakitutunguhan ang mga taong ito na puro lakas pero walang utak. Walang magawa na sinabi niya na, "Sa tingin mo ba ay ganoon iyon kasimple? Pakinggan natin kung ano ang sasabihin ni Xinghe."

"Xinghe, ano ang naiisip mo? Sabihin mo sa amin," susog ni Sam.

Umiling si Xinghe. "Wala pa din akong naiisip na matatag na plano, pero may ilan na akong mga ideya. Matapos kong makagawa ng desisyon, sasabihin ko ito sa inyong lahat."

"So, sa madaling salita, wala ka pa ding plano?" Biglang nakaramdam ng kabiguan ang grupo ni Ali. Masyado silang umasa dito.

"Tama iyon kaya iwanan na ninyo ako at magpakaabala kayo sa mga sarili ninyong gawain. Hayaan ninyo akong mag-isip tungkol dito ng mapayapa at tahimik."

"Sige, hindi ka na namin iistorbohin, huwag mong masyadong pagurin ang sarili mo." Si Ali at ang iba pa ay lumabas na ng silid, kung saan naiwan si Mubai.

Hindi niya inisip na talagang walang alam si Xinghe. Nagtanong siya dito ng pabulong, "So, ano talaga ang naiisiip mo?"

Hindi na ito itinago ni Xinghe sa kanya at sinabi ng may kaunting alinlangan, "Hindi pa ito sigurado, pero bigla kong napagtanto na ang mga teorya sa disenyo ng robot ay maaaring may kaugnayan sa mga sistemang ito?"

Nabigla si Mubai. "May kaugnayan sila? Paano?"

"Ganito ang pakiramdam ko. Tungkol sa paano, kailangang bigyan mo ako ng oras para mag-isip tungkol dito." Pagkatapos ay natuon na ang atensiyon ni xinghe dito. Tiningnan siya ni Mubai sa kung paano siya nawala sa mga iniisip niya at ang tingin sa kanya nito ay lumambot at naging interesado.

Tuwing ang buong atensiyon ni Xinghe ay natutuon sa kanyang ginagawa, lalo siyang nagiging kaakit-akit, at sa bawat sandali, pakiramdam ni Mubai ay nawawala siya sa sarili sa pagsusuri sa kanya.

Sa mundong ito, tanging ito lamang ang nakakaakit ng husto sa kanya.