Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 81 - KAGANDAHANG WALANG KATULAD (END OF BIRTHDAY PARTY ARC)

Chapter 81 - KAGANDAHANG WALANG KATULAD (END OF BIRTHDAY PARTY ARC)

Isang nakakaantig na deklarasyon.

Ilan sa mga simpleng babae sa madla ay taos-pusong naantig ang damdamin nang marinig ang deklarasyon at pagpapakita ng pagmamahal ni Chui Ming.

Ang hindi magandang impresyon nila kay Wushuang ay bahagyang nabawasan.

Pero siyempre, ang maliit na pag-arte ni Chui Ming ay hindi sapat para maloko ang lahat.

Tinigasan ni Xinghe ang kanyang puso para supilin ang mga pesteng ito, kaya gaano man lumuha si Wushuang o kahit gaano kaengrande ang pagdeklara ni Chui Ming ng pagmamahal dito, hindi siya natinag.

Alam ni Wushuang na ito na ang pagkakataon para makaalis sila sa sitwasyong ito.

Kapag nagpumilit pa siya ay magdudulot pa ito ng karagdagang kahihiyan sa kanila.

Ang orihinal na plano nila ng araw na iyon ay sirain ng tuluyan si Xia Xinghe ngunit sino ang mag-aakala na may perpektong pangontra ang buwisit na babae!

Nawala na ang dignidad ni Wushuang!

Nawasak ang kanyang social standing, at kakailanganin niya ng maraming taon para maisalba ito, kung ito ay posible pang mangyari.

Ninais ni Wushuang na mabura sam undo si Xinghe dahil sa lahat ng kanyang paghihirap na mapaganda ang reputasyon ay nawala sa isang iglap.

Habang sinasamahan siya palabas ng mga pulis, tinapunan niya ng nakakamatay na tingin si Xinghe. Tila ba nagbabadya ng mga masamang bagay na inihanda niya para dito.

Tinapunan din siya ni Chui Ming ng mga masamang tingin.

Opisyal ng pinatunog ang tugtog ng digmaan.

Mareresolba lamang ang lahat kapag patay na ang isa sa dalawang panig!

Hindi natinag si Xinghe. Natalo niya ang dalawa ng gabing iyon at payag siyang ulitin itong muli.

Matapos na umalis ni Chui Ming, naghanda na ding umalis si Xinghe.

"Xinghe," biglang tawag ni Mubai sa kanyang pangalan. May kaunting pag-aalala niyang idinagdag, "Babalaan lamang kita na mag-ingat. Hindi simple ang ugali ni Chui Ming."

Maaaring naipanalo niya ang laban nang araw na iyon pero hindi pa masasabi kung paano magtatapos ang digmaan.

Ngunit hindi ito kumikiling sa pabor ni XInghe dahil mayroon siyang mahalagang kakulangan na mayroon si Chui Ming, at iyon ay kayamanan.

"Alam ko," tipid na sagot ni Xinghe bago siya nagpaalam at umalis ng malumanay.

Habang pinapanood ni Mubai ang likod na unti-unting nawawala sa kanyang paningin, pakiramdam ni Mubai na si Xinghe ay napakaganda na walang katulad.

Mayroon siyang kagandahan na parehong elegante pero matatag.

Ang kanyang kagandahan ay nakakasilaw at memorable.

Hindi lamang si Mubai ang nakaisip niyon, maging ito ay naisip din ni Lu Qi maging ng iba pang panauhin.

Kapag iniisip nila ang pagdiriwang ng kaarawan na iyon, ang imahe ng isang babae na nakapula ang nag-aalab – tulad ng apoy – ang tumitimo sa kanilang isipan.

Ito ang unang pagkakataon mula ng magkita silang muli ng makaramdam si Tianxin ng panganib sa presensiya ni Xinghe.

Agad siyang nagsumiksik sa tabi ni Mubai at bumulong na tila isang natakot na daga, "Mubai, nakakatakot ang nangyari ngayon lang. Muntikan na makulong si Xinghe mabuti na lamang at napatunayan niyang inosente siya sa bandang huli. Pero bakit kaya siya nagdala ng pen recorder sa birthday party ng kanyang anak?"

Hinayaan ni Tianxin na manatili sa isip ang kanyang tanong.

Isang posibleng paliwanag ay naghahanda ng sariling patibong si Xinghe.

Ang hinuhuli ang naging mangangaso, isang stratehiya na nangangailangan ng taktika at katusuhan para maisagawa ito.

Gustong makalikha ni Tianxin ng impresyon sa isip ni Mubai na si Xinghe ay isang mapagmanipulang babae.

Dahil naniniwala siya na ang lahat ng lalaki ay mas ginugusto ang mga mabubuting-puso at mahihinang babae, ang mga balisang babae na nangangailangan ng pagsagip…

Tiningnan lamang siya ni Mubai at walang ganang sinabi, "Wala iyang kinalaman sa akin."

Ano ngayon kung talagang gumagawa ng patibong si Xinghe para kay Wushuang? Wala siyang pakialam. Kung tutuusin, mas napahanga pa nga siya sa paghahanda nito.

Sikretong natuwa si Tianxin, inakala niya na ang tinutukoy ni Mubai na "iyan" ay si Xia Xinghe, na walang kinalaman si Xia Xinghe sa kanya.

Kumpiyansa siya na walang pagtingin si Mubai kay Xia Xinghe dahil alam niyang wala itong pakialam sa kahit na sinong babae.