Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 809 - Base Doon sa Itaas

Chapter 809 - Base Doon sa Itaas

Hindi mapigilan ni Mubai na hindi matawa. "Isa nga itong optimistikong paraan ng pagtingin sa mga bagay. Paano kung mabuhay pa siya ng matagal ng isa pang dekada? Ang isang dekada ay higit pa sa sapat na panahon para baguhina ng mundo sa kagustuhan niya."

Tumango si Xinghe pero buong kumpiyansang nagpatuloy, "Pero maaari na din siyang mamatay ng anumang sandali. Kung makakaisip tayo ng paraan kung paano siya patayin ay iyon na siguro ang pinakamainam."

"Pero imposible iyon."

Nasa kalawakan ito at sila naman ay nasa Earth. Isa pa, pinapanood nito ang kanilang bawat galaw mula sa kalawakan, kaya naman mahirap makaisip ng mga sikretong misyon ng pagpapapatay. Gayunpaman, kung sila ay nasa parehong lokasyon lalo na kung ito ay nandoon din ng pisikal, ang lahat ng mga alalahaning ito ay hindi na isyu.

"Saan sa tingin mo nasaaan si He Lan Yuan? Nasa buwan kaya siya?" May pahiwatig na tanong ni Xinghe. Ang tanong na ito ay maraming beses ng tinalakay ng United Nation.

Tumango si Mubai. "Ang posibilidad na ito ay mataas."

Ito ay dahil ang tao ay nakalapag na sa buwan noon at hindi sa iba pang planeta, pero panibagong bagay na malaman kung anong parte ng buwan nagtatago si He Lan Yuan. Matagal na niyang natatakasan ang tingin ng lahat ng maraming taon, kaya naman posible nang nakapagtayo ito ng kumportableng base sa buwan.

May tiwalang sinabi ni Xinghe, "Siguro ay may naitayo na siyang base sa buwan at marahil ay naitayo ito gamit ang mga enerhiyang kristal."

"Marahil nga dahil ang mga satellite ay nabuo gamit din ang mga iyon."

Ang mga satellite na nahulog sa Earth ay agad na dinala para masuri, at talagang binuo sila gamit ang mga enerhiyang kristal. Ang mga enerhiyang kristal ay may napakataas na melting point at hindi madaling sumasabog. Gayunpaman, napakalambot din nila, kaya perpekto sila na maging substansiyang metal.

Mula sa simula, inisip na nilang ang mga kristal ay hindi mula sa Earth. Ngayon ay sigurado na sila, ang mga bagay na ito ay hindi mula sa Earth. Siguro ay isang isang mineral mula sa buwan.

May pitong dekada na noong lumapag sa buwan si He Lan Yuan at siguro ay noon nito nadiskubre ang mga mineral na ito. Ang pagkaperpekto ng mga mineral na ito ay nagbunga ng plano sa kanyang kalooban. Sa madaling alita, kung wala ang mga enerhiyang kristal na iyon, wala siyang maiisip na masamang plano.

Ang mga bagay na gawa mula sa enerhiyang kristal ay napakagaan at makapagbibigay ito ng napakaraming bilang ng heat energy. Kaya naman, sigurado na ang mga ito ay ang fuel para sa spaceship na nakita sa base ng He Lan family. Ginamit na nila ang spaceship para magpadala ng mga binhing may kakayahan sa kalawakan bilang mga alila ni He Lan Yuan.

Itinaas ni Xinghe ang kanyang mga mata sa langit at sinabi, "Ang mga ilang daang satellite ay tila hindi nailunsad mula sa Earth."

Sinundan ng tingin ni Mubai ang direksiyon ng kanyang mga mata at tumingin din sa taas. "Iyon din ang iniisip ko. Ang magpadala ng napakaraming satellite ay magbibigay alerto sa mga bansa."

"Kaya naman, may base siya sa ibang planeta at hindi siya nagkukulang sa mga tauhan." Marahil ang kanyang ina at ang ama ni Ee Chen ay nandoon kasama nito. Ang mga ulila mula sa ampunan ay maaaring dinala din sa kalawakan matapos nilang lumaki.

Kung may mga tao sa paligid nito, ibig sabihin ay may pagkakataon sila para makuha ito. Maaaring may mga taong may galit tungo kay He Lan Yuan. Kung magagawa lamang nilang kontakin ang tao at makipagtulungan ito sa kanila, ay magagawa na nilang pabagsakin si He Lan Yuan.

Habang mas iniisip ito ni Xinghe, mas nasasabik siya. Buong tiwalang sinabi niya kay Mubai, "Kailangang ma-hack natin ang mga sistemang ito, tanging ang pag-hack sa kanila lamang tayo magkakaroon ng kontak sa mga taong nasa paligid ni He Lan Yuan."

Hindi na makapagsalita pa si Mubai.

Related Books

Popular novel hashtag