Chapter 810 - Resolusyon

Matapos ang napakahabang paikut-ikot, nabalik na naman sila sa paksang ito. Tama nga naman, kailangan pa nilang ihack ang mga sistemang iyon. Ang mga impormasyon sa loob nito ang kanilang tanging pag-asa. Gayunpaman, ang isang baliw na sistema ay hindi madaling magagapi, hindi sa palugit na naibigay sa kanila.

Gayunpaman, si Mubai ay hindi isa sa mga sumusuko. Bahagya niyang tinapik ang ulo ni Xinghe at sinabi, "Tutulungan kita sa sistema, pero ngayon ay kailangan mong kumain at magpahinga ng maayos. Magtatrabaho tayo bukas, deal na ba iyon?"

"Deal." Tinanggap ito ni Xinghe ng may ngiti. Sa wakas ay napahinga ng maluwag si Mubai at gumanti ng ngiti. Kinain ni Xinghe ang kanyang pagkain tulad ng ipinangako at nahiga na sa kama. Natulog sa kanyang tabi si Mubai at kinabukasan, ang dalawa ay handa nang ibuhos ang kanilang sarili sa pakikipaglaban.

Ang ilang eksperto na nananatili ay napahanga ng kanilang paniniwala, pero hindi nila inisip na silang dalawa ay magagawang resolbahan ang sistema. Tanging si Ee Chen ang lubos na naniniwala sa kanila. Perpekto ang pagkakaalam niya sa kakayahan ni Xinghe at ang determinasyon nito, kaya naman naniniwala siya na makakagawa sila ng himala.

Sa kanyang parte, hindi naman nagpunta ng may tapang na makuha ang mga password na ito. Ginagawa lamang niya ang gawaing ibinigay sa kanya. Hindi niya pinag-aalala ang sarili sa mga resulta, ang tanging alam niya ay ang ibigay ang lahat ng makakaya niya sa gawaing ito.

At doon na lamang, silang dalawa ni Mubai ay nag-uusap ng mga paraan kung paano malutas ang problema. Noong una, si Ee Chen ay nakakasali pa sa usapan, pero hindi nagtagal ay naiwanan din nila ito. Doon nalaman ni Ee Chen na si Mubai ay isa ding henyo sa computer. Gayunpaman, mas madalas na natatakpan ito ng husay nito sa negosyo. Ang mga tao ay nakatuon lamang sa kanyang husay sa negosyo at hindi nila nalalaman na mahusay itong technician.

Pero, tila mas mahusay ng kaunti sa kanya si Xinghe. Salamat na lamang at nakakahabol pa ito sa mga ideya nito at pinupunto ang mga importanteng katanungan o detalye kung kinakailangan. Nakaisip sila ng marami at iba't ibang ideya pero walang solusyon.

Ang mundo sa labas ay unti-unti nang nalulugmok sa kaguluhan. Marami nang riot sa buong mundo. Maraming klase na ng giyera ang sumisira sa mundo at ang bilang ng mga namamatay araw-araw ay nakakaalarma na ang pagtaas…

Kahit na makaisip sila ng paraan na mapigil si He Lan Yuan sa loob ng isang buwan, ang ekonomiya at quality of life ng mundo ay bumagsak ng halos sampung taon. Ito ay kung bakit binigyan sila ni He Lan Yuan ng isang buwan para sumuko, ito ay para pahinain ang kapangyarihan ng mga tao.

Alam niyang magtatalo-talo sa loob, kaya naman sinadya niyang bigyan ang mga tao ng isang buwan para maglaban-laban sila. Ang kaisipan ng lalaking ito ay napakalupit at eksakto, kapag nahulog ang mundo sa kanyang mga kamay, ang resulta ay siguradong kaguluhan.

Kaya naman, kailangang magtagumpay nina Xinghe at Mubai, dahil hindi na lamang sila ang kasali dito kundi pati na din ang buong mundo. Nakaatang sa kanila ang bigat ng mundo at hindi na nila maiaalis pa ang responsibilidad kahit na gustuhin pa nila.

Pero, ang isang kumplikadong sistema ay hindi agad-agad na malulutas. Kahit ang isang henyo na tulad ni Xinghe ay nagkakaproblema na kaharap ito. Salamat na lamang at pareho sina Xinghe at Mubai na may perpektong pag-uugali. Minsan, ang ugali ang mas may malaking papel kaysa sa kahusayan.

Halos lahat ay nawawalan na ng pag-asa at pagkataranta, pero ang dalawa sa kanila ay nananatili ang pagiging kalmado. Hindi sila nag-aalala sa mga bagay na hindi nila kontrolado.

Habang nakikita ito, ginagawa nina Alice at ng iba pa ang kanilang magagawa para makatulong kung kinakailangan.

Related Books

Popular novel hashtag