Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 808 - Walang Katapangan

Chapter 808 - Walang Katapangan

"Walang palusot, kailangan mo lang sumunod sa utos ko, wala ka nang pagpipilian!"

Nagulantang si Xinghe. Ito ang unang beses na nagsalita sa kanya si Mubai gamit ang mapang-utos at halos walang emosyon na paraan. Gayunpaman, hindi nagalit si Xinghe dahil naiintindihan niya na nag-aalala lamang ito sa kanya.

Naupo si Mubai sa kanyang tabi at naglagay ng pagkain sa kanyang plato ng may galit na hitsura. Gayunpaman, hindi nagtagal ay lumambot din ang tono nito at sinabi, "Mag-enjoy ka sa pagkain mo. Maaaring magugunaw na ang mundo pero ang kalusugan mo pa din ang pinakaimportante."

Hindi mapigilan ni Xinghe na hindi matawa. "Sino ba ang may pakialam sa kalusugan kung kailan pagunaw na ang mundo?"

"May pakialam ako." Tumingin si Mubai sa kanyang mga mata gamit ang mga maiitim nitong mata. "Kahit na pagunaw na ang mundo, ipagtatanggol kita at sisiguraduhin kong mabubuhay ka, kaya naman ang kalusugan mo ay palaging pinakaimportante sa akin."

"Walang makakapagtanggol sa akin dahil siguradong papatayin ako ni He Lan Yuan." Dahil si Xinghe ang sumira sa He Lan family.

Kumurba ang mga labi ni Mubai ng para magbigay ng ngiting mapanglaw at madilim na sinabi, "Tingnan natin kung kaya niya! Wala namang tapang si He Lan Yuan na harapin tayo ng personalan; matapang lamang siya na isigaw ang mga pagbabanta niya mula sa kalawakan. Kailangang nandoon siya para maging banta sa iyo, at tandaan mo, hanggang nabubuhay ako, walang sinuman, kahit ang He Lan Yuan na iyon, ay makakasakit sa iyo."

May biglang kislap sa mga mata ni Xinghe. "Ano ba iyong kasasabi mo lang?"

Mariing inulit ni Mubai na, "Walang masamang mangyayari sa iyo, hanggang nabubuhay ako, walang sinuman, kahit ang He Lan Yuan na iyon, ang makakasakit sa iyo."

"Hindi, hindi iyon." Iniling ni Xinghe ang kanyang ulo, tumingin siya dito at sinabi, "Sinabi mo, walang lakas ng loob si He Lan Yuan para harapin tayo ng personal, matapang lamang siya na isigaw ang kanyang mga banta mula sa kalawakan."

Hindi maintindihan ni Mubai kung bakit doon ito nagpokus pero tumango siya. "Tama iyon, wala nga siyang bayag na bumaba sa Earth dahil kung ginawa niya, hindi na siya makakabalik ng buhay pa. Pwera na lamang kung gusto niyang mamatay kasama ang buong mundo, hindi ko nakikitang pinagbabantaan pa niya ang mundo niyon."

"Tama ka ngang talaga!" Bigla ay hinablot ni Xinghe ang braso nito at may halatang kasabikan sa mga mata niya.

Natigilan si Mubai dahil bibihirang maging emosyonal si Xinghe.

Puno ng kasabikang tumawa si Xinghe. "Hindi siya nangangahas na bumaba dito dahil natatakot siya sa kamatayan, kundi ay bakit mag-aaksaya siya ng maraming taon na ihanda ang plano niyang puno ng kabaliwan? Hindi siya papayag na may anumang panganib na dumapo sa kanya dahil ang mga ambisyon niya ay hindi matutupad."

Naguluhan si Mubai. "At? Ano ang pinupunto mo?"

"Kapag hindi siya bumaba, paano naman niya pamumunuan ang mundo? Kung magkukunwari siyang Diyos mula sa kalawakan, ano naman ang masaya doon?"

Sa wakas ay naintindihan na ito ni Mubai. "Oo nga, kung hindi siya bababa, paano niya pamumunuan ang mundo?"

"Isa pa, dapat ay matanda na siya. Kung talagang siya ang naging pinuno, gaano karaming taon pa ba siya makakaupo sa trono?" Nagbigay na naman ng panibagong tanong si Xinghe.

Nagulantang si Mubai, pagkatapos ay nagsalita ng may hesitasyon, "Ang ibig mong sabihin…"

Tumango si Xinghe. "Oo, kailangan niya ang mga memory cells."

Ngayon ay naintindihan na ni Mubai kung ano ang ipinupunto niya, "Hindi siya nangangahas na bumaba dito ay nangangahulugan na hindi pa din niya alam na ang pananaliksik sa memory cells ay nakumpleto na?"

"Siguro, pero maaaring alam na niya ang buong istorya. Maaaring wala siyang paggagamitan sa isang bagay na nasisira tuwing ika-6 na buwan."

"Kung ang pananaliksik ay nananatiling hindi matagumpay ibig sabihin ay hindi niya maaaring pamunuan ang mundo."

"Ito marahil ang dahilan kung bakit hindi siya nagsasagawa nang anumang pagkilos kahit na ang mga plano niya ay ilang dekada nang nakahanda."

May isang bagay pang nagpapagulo kay Mubai. "Kahit na, kapag nanatili siya sa kalawakan, wala tayong maaaring gawin sa kanya. Magagawa pa din niyang pagbantaan ang buong mundo."

"Pero sa ngayon ay may kaunting pag-asa na tayo. Hindi niya mapamumunuan ang mundo ng habambuhay dahil mamamatay siya, at kapag namatay siya, ang mundo ay babalik sa matiwasay at payapa nitong lagay."