Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 807 - Ang Tangi Niyang Paniniwala

Chapter 807 - Ang Tangi Niyang Paniniwala

Ang paghack sa dalawang supercomputer ay magiging dahilan na gumana ang self-destruct sequence at burahin ang lahat ng mga impormasyon. Kapag hinack mo ang mga computer sa kaparehong oras, magiging dahilan din ito na gumana ang self-destruct sequence.

Sa pangwakas, ang trigger na nakapaloob sa mga supercomputer ay napakahusay. Masyadong trigger-happy ang mga ito. Tanging sa pagbibigay ng tamang password lamang ay mabubuksan ng matiwasay ang mga computer. Ang mga grupo ng eksperto ay walang magawa sa baliw na defense system na ito.

Ang duda nila ay dinisenyo ito ni He Lan Yuan. Kung ang kahenyohan nito ay nakaabot na sa ganitong antas, hindi na mahirap isipin kung ano pang klase ng mga imbensiyon na nagawa nito. Sa kasamaang-palad, ang pagiging henyo nito ay ginamit sa kasamaan, kung ginamit ito sa kabutihan, siguradong maraming naging benepisyo ang sangkatauhan.

Ang mga baliw na henyo na tulad nito ay napakamapanganib. Ang mga indibidwal na tulad nito ay lilitaw ng ilang beses sa buong kasaysayan, maaaring isa sila sa mga mahuhusay na nagpaunlad ng sangkatauhan paabante o mga baliw na nagdulot ng matinding kaguluhan sa mundo.

Kaya naman, kapag hinayaan ito na mamuno sa buong mundo, hindi makakaligtas ang Earth.

Sa totoo lamang, kahit na may galit at pagkabigo, marami ang gustong makita ito ng personal. Kahit ang mga eksperto ay may intensiyon na matuto mula dito. Gayunpaman, nakadestino na maging kaaway nila si He Lan Yuan, ang kaaway ng mundo, ang totoo pa nga, isa sa pinakamapanganib na kaaway ng mundo sa buong kasaysayan.

Hindi nila makayang kalabanin ang isang sistema na dinesenyo nito, lalo na siguro sa personal. Matapos ang mahabang oras ng pagtatrabaho, umalis ng sobra ang kabiguan ng mga eksperto dahil hindi pa din nila ma-hack ang system. Wala nang gusto na magpatuloy na magsayang ng oras doon, nagdesisyon na silang ituon sa iba pang pagkakaabalahan ang kanilang mga enerhiya. Ang karamihan ay piniling sukuan na ang launch base ng He Lan family.

Ang tanging iba ay ang grupo ni Xinghe…

Ginugol ni Xinghe ang bawat gising na oras niya para matalo ang mga baliw na sistema. Halos ito na ang obsesyon niya. Matapos ang ilang araw ng kanyang pagkilos, mahahalatang namamayat siya.

Si Mubai at ang iba pa ay naghahalinhinan na sinasabihan siyang magpahinga, pero ang kanilang payo ay hindi napakinggan. Wala nang makakapigil pa sa kanya kapag napagdesisyunan na niya ang kanyang layunin. Ang layunin na ibinigay niya sa sarili ay ang i-hack ang mga sistemang ito, para makuha ang lahat ng mga impormasyong mayroon kay He Lan Yuan. Ito ang tangi niyang pinaniniwalaan, ang responsibilidad na nakaatang sa kanya.

Gayunpaman, si Mubai at ang iba pa ay hindi maintindihan kung bakit matigas ang kanyang ulo. Kahit na sinusuportahan ni Mubai ang bawat isa sa kanyang mga desisyon, aktibo nitong pinababayaan ang kalusugan kung saan ayaw na ayaw niya.

Si Mubai, nang sa wakas ay maubusan ng pasensiya ay sumugod na sa control room, hinablot ang palad ni Xinghe at halos kaladkarin ito palabas ng silid.

"Ano ang ginagawa mo?" Si Xinghe, na nagulat sa marahas at biglang pagkilos, ay nagtanong ng may simangot.

Hindi sumagot ang lalaki pero ang higpit ng hawak ng braso nito sa kanyang palad at ang lamig ng hitsura nito ay nagpapakita ng pagkainis nito. Ang mga mata ni Xinghe ay naglikot sa pasilyo at tila may naiintindihan na nito dahil tumigil na itong magpupumiglas at hinayaan na makaladkad siya palayo.

Tulad ng inaasahan niya, hinila siya ni Mubai patungo sa kanyang silid. Sa mesa na nasa gitna ng silid ay may masaganang pagkain. Pinaupo muna siya nito sa hapag at seryosong nag-utos, "Kakain ka ng iyong pagkain, at pagkatapos ay magpapahinga ka na. Wala ka nang gagawing iba pa at hindi ka pinapayagang lumabas ng silid na ito ngayong gabi, naiintindihan mo ba?"

Itinaas ni Xinghe ang kanyang ulo para tingnan ito. Nang binuksan niya ang bibig para magsalita, pinandilatan siya ni Mubai.

Related Books

Popular novel hashtag