Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 805 - Ang Henyo ng He Lan Family

Chapter 805 - Ang Henyo ng He Lan Family

Lubusan ang paghahanda ni He Lan Yuan kaya naman wala silang pagkakataon para lumaban pabalik. Limang daang satellite ay nagbabanta na nakabitin sa kalawakan. Kapag nautusan sila na bumagsak mula sa kalawakan at sumabog, ang mundo ay tuluyang mawawasak.

Wala silang pagkakataon para lumaban dahil ang kanilang bawat galaw ay inoobserbahan ni He Lan Yuan. Kapag may ginawa silang kahit na ano na ikinagalit nito, maaaring mas mapabilis nila ang pagkagunaw. Umiling si Xinghe. "Pansamantala, hindi ko pa alam sa ngayon, pero may isang buwan pa tayo para mag-isip ng solusyon kung paano siya haharapin."

"Mas madaling sabihin kaysa gawin. Pwera na lamang kung wawasakin natin ang lahat ng satellite na nasa kalangitan, wala na tayong magagawa para mahawakan man lang siya," seryosong sambit ni Chui Qian.

"Kung gayon, maghahanap tayo ng paraan para puksain sila," determinadong sabi ni Xinghe. Nagulat si Chui Qian, Mubai, at ang iba pa. Ito nga talaga ang solusyon na kinakailangan pero paano naman ito gagawin ng isa?

Gayunpaman, hindi ito responsibilidad ni Xinghe pero responsibilidad ito ng buong mundo, kaya naman hindi niya kailangang umisip ng solusyon ng mag-isa. Hindi nagtagal at kinontak na ni Chui Qian ang mga pinuno ng mundo para magkaroon ng pag-uusap. Ang bawat bansa ay nagpadala ng kanilang kinatawan para dumalo sa pulong ng United Nations. Ang oras ay tumatakbo.

Bumuo sila ng espesyal na psychology unit para suriin ang motibo ni He Lan Yuan. Inanalisa nila ang lahat tungkol kay He Lan Yuan mula sa kanyang ulo hanggang talampakan. Wala sa mga detalya nito ang pinabayaan, kasama na dito ang oras ng kanyang kapanganakan, edad, personalidad, at hitsura.

Ang pangwakas ay… ang lalaki na lumitaw sa screen nang araw na iyon ay hindi si He Lan Yuan. Ayon sa petsa ng kapanganakan nito, dapat ay nasa sitenta na si He Lan Yuan. Hindi ito maaaring isang batang-bata, at makisig na lalaking nakita nila sa screen.

Nakakapagtaka naman, walang nakakaalam kung ano ang hitsura ni He Lan Yuan. Hindi sila makahanap ng anumang larawan nito, at ang mga nakakakilala dito ng personal ay mga patay na. Kahit ang miyembro ng He Lan family ay hindi masigurado kung ano ang hitsura nito.

Ayon kay He Lan Long, ang unang beses na nagkaroon sila ng video call ni He Lan Yuan, ito na ang anyo nito at ang anyo nito ay hindi nagbabago sa paglipas ng panahon. Kaya naman, nakasisigurado sila na ito nga si He Lan Yuan, ang henyo ng He Lan family. Ito ay dahil sa kanya kung kaya nakaangat sa antas ng mabilis ang He Lan family para maging pinakamayaman sa Country R.

Napag-alaman nila na ang impluwensiya ni He Lan Yuan ay maoobserbahan sa mga lumipas na taon. Ang ampunan at launch site ay ideya niyang lahat. Ang mga satellite na nailunsad mula sa baseng iyon ay ginawa ni He Lan Yuan. Sa anumang kaso, mula sa paraan na pagtalakay ni He Lan Long at ng mga tauhan nito tungkol kay He Lan Yuan, ang lahat ay nakabuo ng kongklusiyon: hindi na maipagtatakahang henyo si He Lan Yuan.

Pitong dekada na ang nakakaraan, ang super genius na ito ang naging dahilan para makabuo ito ng spaceship at ito mag-isa ang sumakay dito at lumipat na sa kalawakan. Pagkatapos, nanatili ito sa isang planeta at hindi na nakita pa ng personal muli. Ang mga utos niya sa He Lan family ay palaging nagmumula sa isang video.

Para mapamunuan ang buong mundo, ang He Lan family ay handang sumunod sa bawat utos nito. Ang personal na pang-akit at sobrang talento ni He Lan Yuan ay nakalikha ng kulto na nakasentro sa kanya. Ang mga taong may pagkamuhi sa mundo ng mga tao sa kanilang puso ang nagdala ng mga ideyolohiya na madali niyang ipakalat. Trinato siya ng mga ito bilang ispiritwal na sentro. Tila ba putik ang mga ito sa kanyang mga kamay.

Isa pa, may kakayahan talaga si He Lan Yuan na sirain ang buong mundo, kaya naman hindi natitinag ang kanilang katapatan. Habang lumilipas ang panahon, ang paghanga nila dito ay nagtaas sa kanya sa isip ng mga ito at naging tila isang pigura siya ng Diyos sa mala-kulto nilang relihiyon.

Ang mga humahanga, na halos sumasamba, na paraan ng pagtalakay nila kay He Lan Yuan ay hindi maiwawaksi.