Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 806 - Abalang Mundo

Chapter 806 - Abalang Mundo

Si He Lan Yuan ay tila kanilang Diyos, hindi matatawarang Diyos. Kung iniutos ni He Lan Yuan na ibigay nila ang kanilang mga buhay bilang sakripisyo, siguradong susunod sila agad. Nakaramdam ng kilabot ang grupo ni Xinghe habang nakikita ang bulag na paniniwala ni He Lan Long at ng mga tao nito kay He Lan Yuan. Hindi pala maganda na masyadong matindi ang karisma ni He Lan Yuan.

Ito ay dahil napakarami ng katulad ni He Lan Yuan sa mundo. Kung ang lahat sa kanila ay nagsimulang sumamba kay He Lan Yuan, ang mundo ay nakadestino nang magunaw. Kaya naman, maraming bansa ang nagdesisyon na huwag maglabas ng anumang impormasyon tungkol kay He Lan Yuan.

Gayunpaman, ang usapan ng publiko tungkol kay He Lan Yuan ay hindi natigil. Kahit na walang masyadong impormasyon tungkol sa kanya ang nailabas sa publiko, mayroong mga pro-He Lan Yuan na mga grupong nabubuo. Ang kanilang layunin ay ang sumuko kay He Lan Yuan at matapat na paglingkuran ito.

Sa bandang huli, ang paglabas ni He Lan Yuan ang nagpagulo sa buong mundo. Marahil ang mapayapang mundo na ito ay sasalubong sa hindi inaasahang kaguluhan. Ang mga resulta ba ay magiging mabuti o masama? Walang makapagsasabi, lalo na sa ngayon…

Ilang araw ang nagdaan. Mula ng ipahayag ni He Lan Yuan ang kanyang sarili, may mga malaking pagbabago sa bawat araw. May mga pagbabago din sa pang araw-araw na pamumuhay ng mga tao. Gayunpaman, wala sa mga pagbabagong ito ang mabuti.

Ang mga pabrika, eskuwelahan, at mga negosyo… ay tumigil lahat. May ilan at manaka-nakang mga sasakyan na nasa kalsada at mas kakaunti ang mga tao. Halos lahat ay pinili na gugulin ang natitira nilang buwan na kasama ang kanilang mga pamilya.

Ang mga walang tirahan at mga kriminal ang naglipana sa kalsada, na ang pamamasyal sa labas ay siyang nagdudulot ng sobrang panganib.

Ang internet ang naging pinakamaraming lugar. Bawat araw, maraming tao ang nagpo-post ng mga paraan para masubukang makontak si He Lan Yuan o kung paano ililigtas ang kanilang sarili. Ang iba ay nagbukas pa ng mga message board para sa mga pro-He Lan Yuan para magkatipon-tipon at isumpa ang kanilang katapatan dito.

Gayunpaman, ang pinaka-nakakatakot na bagay ay sa loob lamang ng kalahating araw ng pagkakagawa nito, milyong tao ang nagrehistro at nais na maging tagasunod ni He Lan Yuan. Kahit na ang message board ay agad na naipasara at nahuli ang mga bumuo nito, ang data ay nakakakilabot. Ito ay sa loob lamang ng Country R; ang ibang bansa marahil ay mas marami pang tao na handang ipakita ang kanilang katapatan kay He Lan Yuan.

Kapag pinayagang magtipun-tipon ang mga taong ito, siguradong masama ang kalalabasan ng lahat. Kaya naman, halos araw-araw ay nagpupulong ang United Nations, sinusuri ang mga data, nagtatalakayan ng mga paraan kung paano malalampasan ang partikular na krisis na ito. Dahil ang bawat bansa ay abala tuwing makalawa, gayunpaman, ang karamihan sa mga pagpupunyaging ito ay walang saysay dahil kahit na gaano pa nila paganahin ang utak nila, imposible para sa kanila na maalis ang lahat ng mga satellite na ito mula sa kalawakan ng hindi naaalerto si He Lan Yuan ng kanilang intensiyon.

Nalalapit nang sumapit ang oras ng palugit. Kung walang solusyon, wala na silang paraan kundi ang sumuko. Hindi na sila umaasa na ang paniniil ni He Lan Yuan ay magiging magandang panahon.

Gayunpaman, tila ba may mga bagay na nakatalaga na at wala nang makakapagbago pa dito. Sa mga dumadaang araw, parami ng parami ang mga taong nakakaramdam ng kawalan ng pag-asa…

Kahit ang ilan sa mga pinuno ng mundo ay nagsimula nang sumuko.

Gayunpaman, ang grupo ni Xinghe na nananatili sa launch base ay hindi sumusuko. Dahil sa simula pa noong video, ang bawat bansa ay nagpadala ng kanilang pinakamahuhusay na eksperto sa computer para ihack ang mga computer na ito. Sana, may makuha silang mga mahahalagang impormasyon sa mga ito.

Gayunpaman, wala sa mga eskpertong ito ang makagawa ng progreso sa mga computer. Ang mga supercomputer sa control room ay magkakadugtong.

Related Books

Popular novel hashtag