Natagalan bago pa nakarating sa bahay ng presidente ang grupo ni Xinghe. Natagalan sila dahil sa kaguluhang nagaganap habang papunta. Maraming suntukan at gulo ang nangyayari sa umagang iyon. Maraming tao ang nabaliw at nawalan ng moralidad; nawalan ng saysay ang batas. Bago pa sinira ni He Lan Yuan ang mundo, sisirain na muna ng mga tao ang kanilang mga sarili.
Salamat na lamang, ipinadala na ng bansa ang kanilang pinakamahuhusay na tagapagpatupad ng mga batas para mapanatili ang kaligtasan at kaayusan ng lahat. Kung ang bansa ay magkakagulo, ang mundo ay talagang mawawala na.
Alam ni Chui Qian ang kaseryosohan ng sitwasyon sa labas. Napakaraming telepono sa kanyang opisina ang hindi tumitigil sa katutunog. Iniwanan niya ang kanyang sekretarya para asikasuhin ang mga tawag at nagmamadaling sinalubong ang grupo ni Xinghe. Nang makita niya ang mga ito, galit na nagtanong si Chui Qian kay He Lan Qi, "Ano ang nangyayari ngayon?! Ano na naman ang balak ng He Lan family? Saka, hindi ba't patay na si He Lan Yuan, kaya sino ang taong iyon na nasa video?"
Hindi makapagbigay ng sagot si He Bin, kaya nagkibit-balikat ito at sinabi, "Wala akong alam."
"Paanong hindi mo alam? Ikaw na siguro ang tanging tao sa mundong ito na dapat ay nakakaalam sa kung ano talaga ang nangyayari!"
"Hindi siya si He Lan Qi," kalmadong sinabi ni Xinghe.
Nagulat si Chui Qian. "Ano ang sinabi mo?"
"Hindi siya si He Lan Qi, kaya hindi niya maibibigay sa iyo ang sagot na gusto mo, dahil wala talaga siyang alam na kahit ano. Sasabihin ko sa iyo ang detalye mamaya, pero ngayon kami ay narito dahil gusto naming magtanong ng tungkol kay He Lan Yuan."
Mapait na natawa si Chui Qian. "Nagpunta ka para tanungin ako?"
Bahagyang tumango si Xinghe.
Natawa sa sarili si Chui Qian. "Umaasa ako na marami kang sasabihin na tungkol kay He Lan Yuan at nagpunta ka para tanungin ako? Sa lahat ng pagkakataong ito, alam ko na may itinatagong malaking intensiyon ang He Lan family, ang inisip ko ay nais nilang lunukin ang bansang ito, pero iyon pala ay nais nilang pamunuan ang buong mundo! Kung alam ko lamang na mangyayari ito, hindi ko na sana sila kinalaban pa. Kung ang kanilang mga eksperimento ay hinayaan na magpatuloy ng hindi nagugulo ay hindi sana lilitaw si He Lan Yuan at ligtas pa sana ang mundo! Kapag nagtapos ang mundo, kasalanan ko itong lahat!"
Ang paglitaw ni He Lan Yuan ay tila nagbigay ng maraming pressure kay Chui Qian. Ang kanyang kaisipan ay hindi maayos, at ang mga salita nito ay tila hindi nagmula sa kanya.
Humakbang paabante si Xinghe at sinabi, "Mr. President, naiintindihan ko ang pag-aalala mo, pero hindi mo ito kasalanan, dahil kahit hindi ka nakialam, gagawin pa din nilang kalaban ang buong mundo, kung anupaman, ay nakagawa ka ng isang mabuting bagay dahil napalabas mo sila.
"Magandang bagay?" Singhal sa kanya ni Chui Qian. "Ano'ng klase ng magandang bagay dito?!"
Humakbang si Mubai sa harapan ni Xinghe at malamig na sinabi, "Hindi ba't mas maigi na lumabas sila matapos na maihanda ang lahat?"
Tahimik na napaatras si Chui Qian habang iniisip nila ay naglalaro sa kanyang isip. Nagpatloy si Cinghe, "Ito ay dahil sa pagbagsak ng He Lan family na magagawang mapwersa na lumitaw si He Lan Yuan. Hindi niya maaaring hayaan ang He Lan family na bumagsak dahil siguradong mawawala ang lahat ng tapat niyang alipin. Kaya naman kailangan niyang ipakilala ang sarili, kahit na sigurado akong ang kanilang preparasyon ay hindi pa nakakarating sa kanilang huling panahon. Kahit na hindi tayo nakakasigurado kung ano ang klase ng plano na inihahanda nila, ang katotohanan na hindi pa ito dumako sa pagsibol ay isa nang magandang balita para sa atin. Magkakaroon pa tayo ng pagkakataon na lumaban. Dahil kapag lumitaw siya pagkatapos na ang lahat ay maisaayos na, ay talagang magiging bibe tayong lahat."
Napasimangot si Chui Qian at sinabi matapos ng malalim na pag-iisip, "May punto ka, pero paano tayo eksakto na makakalaban?"