Chapter 798 - Pagkakaisa

Hindi nagtagal at natanggap ni Chui Qian ang ulat at personal niyang ininspeksyon ang lugar. Nang makita niya ang spaceship, buong kumpiyansa niyang sinabi, "Wala akong alam na bumuo sila ng ganito. Ang bansa ay walang talaan ng kung may inilunsad na sila nito sa kalawakan o wala pa."

"Siguro ay mayroon na dahil ang teknolohiya ay masyado nang kumpleto," sagot ni Xinghe. Sinuri niya ang spaceship habang naghihintay na dumating si Chui Qian, ang lahat ng internal system ay lubos na kumpleto na. Kung walang karanasan, ang kakumpletuhan nito ay pawang imposible.

Nabigla si Chui QIan, pero naniniwala siya kay Xinghe. "Pero ano ang ginagawa nila sa kalawakan?"

"Wala akong ideya, pero siguradong hindi ito mabuti."

"Talaga nga kayang may gagawin silang makakasama sa mundo?" Nagsimula nang mag-alala si Chui Qian.

Direktang nagsalita si Mubai, "Siguro kung hindi ay ang mga tao sa baseng ito ay hindi magiging ganoon kakumpiyansa. Gayunpaman, hanggang sa ngayon, bigo pa din kaming makakuha ng impormasyon mula sa kanila."

Lumamig ang tono ng tinig ni Chui Qian. "Kung gayon ay ipagpapatuloy natin ang interogasyon, hindi ako naniniwala na hindi sila bibigay! Kailangang masuri natin ng husto ang baseng ito, hindi natin dapat palampasin ang kahit na maliit na detalye!"

"Marahil ay dapat na magsimula tayo sa mga tao mula sa He Lan family," mungkahi ni Xinghe.

Tumango si Chui Qian. "Of course."

Kailangan nilang imbestigahan ang bawat aspeto doon. Hindi nila maaaring mapalampas ang kahit na anong sulok. Kung ang He Lan family ay talagang may pinaplanong malaki at masama, kailangang malaman nila ito bago pa mahuli ang lahat. Gayunpaman, kahit na gaano kahirap o paulit-ulit ang kanilang interogasyon, walang progreso mula dito.

Ang lahat sa kanila ay tikom ang bibig at ang mga handang magsalita ay walang alam na sasabihin. Sa madaling salita, ang mga nakakaalam ng tungkol sa Project Galaxy ay hindi ibubunyag ang impormasyon kahit na binantaan na sila ng kamatayan.

Nagulat si Xinghe na mayroon silang pagkakaisa. Tila isa silang kulto na kung saan ang bawat miyembro ay sumumpa na ilihim ito. Lalo lamang nito dinagdagan ang pakiramdam na isa itong masamang plano. Ito ay dahil ang mga kulto ay may malakas na paniniwalang ispiritwal, at kung ang ganito kalakas na paniniwala ay naituon sa isang bagay na masama, kaguluhan ang maibuunga nito.

Nasa mga sikretong pagpupulong si Chui Qian para pag-usapan ang problemang ito. Kahit ang Hwa Xia ay tumutulong na sa lahat ng kanilang makakaya…

Wala sa kanila ang inisip na si He Lan Long at ang mga tao niya ay nanlalansi. Hanggang ngayon, si He Lan Long at ang mga tao niya ay naghihintay pa din sa rapture na palagi nilang binabanggit, naghihintay sa taong iyon na magpakita.

Naniniwala talaga sila sa kanilang sinasabi. Ang tanging bagay na magagawa nina Chui Qian at ng iba pa ay subukan na makakuha ng mas maraming impormasyon bago pa maubos ang oras. Gayunpaman, ilang araw na ang lumipas at wala pa ding progreso…

Nanatili sa base si Xinghe para harapin ang mga supercomputer ng control room, pero wala din siyang nahihita. Ang mga supercomputer ay nakakunekta sa isa't isa. Matapos na mahack ni Xinghe ang dalawang computer, aksidente niyang napagana ang panibagong self-destruction system na halos makasira sa lahat ng computer.

Salamat na lamang at nagawa niyang mapigilan ito. Gayunpaman, naitala na sa isip niya ang aral na ito, hindi na siya nangahas na mag-eksperimento pa sa mga computer. Dahil hindi niya alam kung gaano karami ang depensa na nasa computer; isang maling galaw at ang buong base ay maaaring bumagsak.

Tanging ang kaalaman ng password ay makakapag-unlock ng mga computer, pero ayaw pa din itong ibigay ni He Lan Long at ng mga tao niya. Hanggang hindi nila ibinibigay ang password, ang lahat ng impormasyon na nasa loob ng mga computer ay mananatiling misteryo.

Diyos lamang ang nakakaalam kung gaano katagal bago mapabagsak ni Xinghe ang lahat ng mga depensa dito.