Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 799 - Ilang Parihabang Uka

Chapter 799 - Ilang Parihabang Uka

Kung may oras siya, titingnan niya ang mga ito ng husto, pero wala naman na siyang masyadong oras. Pero hindi sumusuko si Xinghe. Lumipat na siya sa launch site at ang araw-araw niya doon ay ang i-hack ang mga computer kasama ang ilang grupo ng mga eksperto. May tulong din sa kanya si Mubai. Isa din itong eksperto sa computer at mas higit na mahusay sa karamihan ng mga naroon. Gayunpaman, kahit na napakarami nang tao ang tumutulong, hindi pa din sila makaisip ng maayos na solusyon…

Mas lalong kaunti ang naitutulong ng SamWolf. Maliban sa pagpapatrolya sa base, wala naman na silang ibang pwedeng gawin. 

Sa wakas, matapos ang ilang araw, ang pananaliksik sa spaceship ay tapos na!

Sa ikinabigla ng lahat, ang fuel box ng spaceship ay lubusang kakaiba mula sa mga normal na spaceship. Isa lamang itong maliit na lalagyan na may ilang parihabang uka. Ayon sa mga eksperto, ito ay lubhang kakaiba. Ang maliit na lalagyan ng petrolyo ay hindi sapat para maipadala ang mga tao sa kalawakan, kaya naman ang spaceship na ito ay isang depektibo, ang totoo pa nga, nagdududa pa sila kung sinubukan ng He Lan family na magpadala ng mga tao sa kalawakan dati pa.

Gayunpaman, nang makita nina Xinghe, Mubai at Ee Chen ang internal na istruktura ng fuel compartment, sila ay lubos na nagitla!

Ito ay dahil sa agad nilang naalala ang mga enerhiyang kristal nang makita nila ang mga parihabang uka. Ang uka ay kasing laki lamang nga mga enerhiyang kristal. So, ang ibig sabihin nito na ang bagay na iyon ay magagamit din bilang fuel…

Ang kakaunting enerhiyang kristal ay sapat na kaya para mapunan ang malaking pangangailangan ng enerhiya na kailangan para mailunsad ang spaceship sa kalawakan? Tunog sci-fi ito!

Si Xinghe at ang dalawa pa ay hindi nagsalita ng kahit na ano at mabilis na naghanap ng palusot para umalis sa silid. Naghanap sila ng isang tahimik na silid at nagsimulang mag-usap-usap ng sila-sila lamang.

"Ang mga uka sa fuel compartment, sa tingin ninyo ay may kinalaman ang mga ito sa bagay na iyon?" Ang tanong ay lumabas sa bibig ni Ee Chen sa sandaling isinara nila ang pinto sa kanilang likuran.

Tumango si Xinghe. "Siguro nga."

"So ang bagay na iyon ay ang fuel source?" Nagulat na tanong ni Ee Chen.

"Oo," kumpirma ni Xinghe.

"Paano ka nakakasigurado?" Tanong muli ni Ee Chen.

Sa oras na ito ay si Mubai na ang sumagot, "Dahil nagsagawa na kami ng mga eksperimento dito at ang mga enerhiyang kristal ay makakayang masunog ng napakatagal na panahon habang naglalabas ng maraming enerhiya."

"Mga enerhiyang kristal?"

Bahagyang tumango si Xinghe. "Tama iyon, ito ang tawag ng ilan sa kanila. Sa isang banda nga naman, ito ay tamang itawag dahil sila ang mga kristal na nakakagawa ng enerhiya."

Natigilan si Ee Chen bago natawa sa sarili. "Nakikita ko na nga ngayon, ang bagay na ito ay isa palang klase ng pinagkukunan ng enerhiya, at iniisip ko na isa lamang itong mahiwagang bagay!"

Iyon pala ay isa lamang itong uel, hindi naiiba masyado sa pangkaraniwang uling…

"Mahika?" Natawa na din si Xinghe. "Isa lamang itong klase ng espesyal na mineral, pero wala ang nakakaalam kung saan ito nagmula."

Hindi sinasadyang naitaas ni Xinghe ang kanyang ulo para tumingin sa langit. Sumasapit na ang gabi, at dahil ang launh base ay naitayo ng malayo sa kaguluhan ng siyudad, ang kalangitan ay makikita ng walang harang. Nang gabing iyon, bumagsak ang mga bituin mula sa kalangitan na tila ba aksidenteng naitumba ng Diyos ang isang balde ng mga bituin at kumalat ang mga ito sa himpapawid.

Kung siyensa ang pag-uusapan, ang karamihan sa mga bituin na nakikita natin sa langit ay mga araw na napakalayo mula sa ating galaxy.

Masusunog na sila bago pa tayo makalapit, kaya lohikal na sasabihin na, maaari lamang tayong lumapag sa ibang planeta o buwan.

Itinuon ni Xinghe ang kanyang tingin sa isang partikular na lugar sa langit at sinabi, "Pero ang duda ko ay nagmula ito sa lugar na iyon."

Sinundan nina Ee Chen at Mubai ang kanyang tingin sa langit. Naiintindihan na nila ang ibig niyang sabihin. Ang mga labi niya ay mariing nakapinid na tila isang linya at wala na silang sinabi pa. Ito din ang kanilang iniisip, pero ang isatinig ito ay maaaring masabing kabaliwan.