Chapter 797 - Spaceship

Ang paraan ng pagtingin nila kay Xinghe ay nagbago; mayroon ng init at pagsamba sa kanilang mga titig. Kahit si Ee Chen at ang iba pa na nakakaalam ng kakayahan ni Xinghe ay napahanga ng himala na kagagawa lamang niya sa kanilang harapan, pati na din ang mga eksperto na hindi pamilyar kay Xinghe. Hindi nila inaasahan si Xinghe na sobra ang kakayahan nito na nagawa nitong matalo ang napakakumplikadong programa sa napakaikling oras.

Maaaring ang lock program ay napakahirap kung ikukunsidera ang lokasyon na kinaroroonan nila at si Xinghe ay kinakailangan lamang ang napakaikling minuto para i-hack ito…

Ano ang kaibahan niya at ng tunay ng diyos talaga?!

"Xinghe, isa ka mismong himala, ito ang nagpapaalala sa akin kung bakit ikaw ang idolo ko!" Puno ng papuri sa kanya ni Sam habang ipinapakita sa kanya ang isang thumbs-up.

"Xinghe, gusto ko ding matuto ng computer skills tulad nito, pwede mo ba akong turuan?" May kasabikang tanong ni Cairn.

"Master, kailan mo ako opisyal na tatanggapin bilang estudyante mo?" Direkta na siyang tinawag na master ni Ee Chen.

Narinig ito ni Cairn at dumagdag, "Xinghe, tatawagin na din kitang master sa hinaharap!"

"Sandali, turuan mo din ako!" Sunod ni Ali at itinaas ang kanyang kamay sa ere. Ang ilan sa mga eksperto ay wala sa loob na naitaas din ang kanilang mga kamay, pero agad din nila itong ibinaba sa sobrang hiya.

May ngiting nagsalita si Xinghe, "Nagkamali kayo ng intindi. Sinuwerte lang ako, sinusubukan ko lamang, at kinampihan ako ng swerte."

"Kailangang may kakayahan ka muna bago mo maging kakampi ang swerte. Kung ano ang tumitipa diyan, ang resulta ay siguradong magkaiba ng isang daang porsiyento," sagot ni Sam.

"Tama iyon, ito ay dahil mahusay ka na dito kung kaya nagpasya ang swerte na kumampi sa iyo. Kung iba ang gumawa nito, ginagarantiyahan ko na isang daang porsiyento silang nabigo," dagdag ni Ali. Sa anumang kaso, sumang-ayon ang lahat na si Xinghe ang siguradong pinakamahusay.

Hindi na nag-aksaya pa si Xinghe na makipagtalo sa kanila tungkol dito. Tumayo siya at sinabi, "Ang pag-alis ng self-destruction system ay hindi nakakatulong sa atin sa anumang paraan. Ang mga supercomputer na ito ay may higit sa isang password lock, hindi ko magagarantiyahan na magiging masuwerte ako sa susunod na pagkakataon."

"Ang ibig mo bang sabihin ay wala sa mga computer dito ang maaaring hawakan?" Tanong ni Mubai para kumpirmahin.

"Tama iyon." Tumango si Xinghe. "Lumayo kayo sa lahat ng mga computer. Para magarantiyahan na ang impormasyon sa loob nito ay hindi maaapektuhan, mainam na walang lalapit sa anuman sa mga ito."

"Kung ganoon, ano ang kaibahan na hayaan lamang silang magself-destruct? Alinman sa mga ito, hindi pa din natin makukuha ang mga impormasyon sa kanila," tanong ng isang eksperto.

Nagpaliwanag si Xinghe, "Hindi natin magagawang kunin ang mga impormasyon sa ngayon.ipagpatuloy natin na makahanap ng paraan, maaaring may ilang paraan na magagamit natin para ma-unlock ang lahat ng mga sistemang ito. Hanggang sa makahanap tayo ng ligtas na solusyon, mas maigi na huwag tayong magpadalos-dalos."

"Tama ka nga naman…"

Ang lahat ay sumang-ayon sa kanya. Pero muli, ano pa ba ang pagpipilian nila? Wala sa kanila ang may kakayahan para ma-unlock ang system. Alam nilang lahat kung gaano kahalaga ang mga impormasyon sa loob ng mga computer na ito. Kung ang kanilang kawalan ng ingat ang naging dahilan na mawala ang mga impormasyon, magagawa ba nilang akuin ang responsibilidad?

Kaya naman, ang tanging bagay na magagawa nila ay ang maghintay, ang makaisip ng paraan para malampasan ang problemang ito. Gayunpaman, maaari pa din silang maghanap sa iba pang parte ng base, marahil ay may makukuha silang ibang impormasyon.

Naghanap sila sa taas at ibaba ng base ng isang buong araw, ang tanging bagay na nakita nila ay isang satellite at spaceship na hindi pa nailulunsad sa kalawakan.

Ang grupo ni Xinghe ay nabigla na ang base ay mayroong spaceship. Ayon sa laki ng spaceship, maaaring magkasya dito ang tatlong tao.

Gayunpaman, imposible na masabi kung ang base na ito ay nakapagpadala na ng mga tao sa base dati o hindi pa. Dahil ang pagpapadala sa mga tao sa kalawakan ng walang pemiso ay isang malaking kasalanan, kaya hindi nila ito iaanunsiyo sa mundo.