Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 796 - Napakahirap na Animnapung Segundo

Chapter 796 - Napakahirap na Animnapung Segundo

Kapag sumabog ang computer, matitigil na ang bakas doon!

Gayunpaman, wala sa kanila ang may solusyon dito, sino kaya ang makakaresolba ng problemang ito ng wala sa isang minuto?

"Buwisit, subukan ko na na nga dahil wala naman nang mawawala!" Nilundag muli ni Xinghe ang upuan para bumalik dito at pinagana na ang computer. Ang lahat ay naiintindihan kung ano ang sinusubukan niyang gawin; balak niyang sirain ang self-destruct program ng hindi hihigit sa isang minuto. Gayunpaman, posible ba naman iyon?

Kahti si XInghe ay walang sagot sa tanong na iyon, ang tanging alam niya ay hindi siya maaaring sumuko hanggang sa pinakahuling segundo. Hindi siya maaaring tumayo na lamang doon at payagan na ang lahat ng pagpupunyagi nila ay mawala na lamang ng ganoon. Kahit na ang resulta ay pagkabigo, naibigay naman niya ang lahat ng kanyang makakaya…

Ang pagtipa ni Xinghe ay napakabilis na wala nang nakakakita na ng kanyang mga daliri. Ang lahat ay nakatayo ng tahimik sa kanyang paligid. Wala sa loob na nahihigit nila ang kanilang paghinga, ni hindi sila nangahas na makagawa ng kahit anong tunog.

Panay ang sulyap nila sa kanilang mga relo, habang binibilang ang natitirang oras. Sa bawat lumilipas na segundo, ang pawis na tumatagaktak sa kanilang mga mukha ay dumadami, at ang kanilang mga puso ay minsan pang bumibilis ang tibok. Ang bawat segundo nito ay sobrang pagpapahirap!

Ang isang segundo ay lumipas sa isang kisapmata. Ang lahat sa kanila ay nagdarasal ng lubusan para bumagal ang oras. Gayunpaman, sabay-sabay nilang nararamdaman na ang bawat segundo ay napakahaba dahil gusto na nilang makawala sa sobrang suspense at pressure. Ang isang minuto na ito ang pinakamahirap na minutong naranasan nila habang sila ay nabubuhay.

Gayunpaman, na kay Xinghe ang pinakamalaking pressure. Kailangan niyang mapigilan ang self-destruct sequence kung hindi ay mawawala sa kanilang mga kamay!

"Dalawampung segundo na lang ang natitira!" Isang hindi kilalang tao ang napasigaw, hindi na mapigilan pa. Ang kaba sa loob ng silid ay lalong tumindi dahil sa paalala.

Napunta na din si Xinghe sa pinakakabahang estado, ang kanyang mga kamay ay napakabilis, tila ba kung anu-ano na lamang ang pinipindot nitong button sa keyboard. Gayunpaman, ang system ay hindi pa din napapasok, patuloy pa din ang timer, walang pakialam sa kahilingan ng mga nasa silid na ito ay bumagal o tumigil.

"Labing limang segundo ang natitira!"

"Labing apat na segundong natitira!"

"Labintatlong segundo…"

Ang lahat ay hindi maiwasan na paalalahanan si Xinghe. Ang countdown ay walang pusong nagpapatuloy pero ang tono ay tumitindi ang kaba. Naikuyom na ng grupo ni Ali ang kanilang mga kamao ng mahigpit, tahimik na nagdarasal na magtagumpay si Xinghe.

"Pitong segundo ang natitira!"

"Anim na segundo!"

"Nasa huling limang segundo na tayo!"

Nang naisigaw ito, ang lahat ay nawawalan na ng pag-asa. Hindi na posibleng mapigilan pa ni Xinghe ang system ng may limang segundo na lamang na natitira. Hindi na posible ito sa tao! Ang lahat ay nakatingin sa timer ng tahimik at pigil ang hininga, naghihintay na magupo sila ng self-destruction.

Ang huling limang segundo ay bumaba na sa apat, tatlo, dalawa, at pagkatapos ay isa!

Pagkatapos, tumigil ito!

Sa huling segundo, tumigil ang mga kamay ni Xinghe. Ang lahat ay inisip na sumuko na siya; nagawa na niya ang lahat ng magagawa niya. Gayunpaman, ang ere sa silid ay nakatigil pagkatapos ng ilan pang segundo. Walang pagsabgo, at lahat ay napagtanto na mayroong kakaiba.

Walang salita na hinablot ni Mubai ang mga kamay ni Xinghe. Itinaas ni Xinghe ang kanyang ulo para tumingin sa mga mata nitong nakangiti.

"Nagawa mo; napakahusay mo…" bulong ng lalaki ng may halatang kasiyahan habang kumurba ang mga labi nito sa isang ngiti.

Hindi maiwasan ni Xinghe kundi tumugon din. "Hindi ko din inaasahan na magagawa ko ito."

"Xinghe, nagawa mo ba talaga ito?! Nagawa mo nga talaga!" Sigaw ni Ali sa sobrang tuwa at ang hiyaw niya ay dahan-dahang nagpabalik sa huwisyo ng mga naroon.

Nagawa nga niya talaga!

Pagkatapos ay umugong ang masigabong palakpakan sa loob ng silid.