Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 79 - HINDI SIYA BUNTIS

Chapter 79 - HINDI SIYA BUNTIS

Iyon pala… ang katotohanan.

Nagkagulo ang mga tao sa ballroom.

Lahat ay dudang tumingin kay Wushuang.

Sino ang mag-aakala na ang babaeng may maamo at magandang mukha na tulad niya ay may itinatagong malupit na puso?

Inulan ng mga nang-uuyam na tingin at titig na puno ng galit mula sa iba't ibang anggulo si Wushuang.

Isang namumutlang Wushuang ang nagpumilit pang makipagtalo sa nanginginig na boses, "Peke iyan, hindi ko boses yan, pineke yan!"

"Dapat ba nating suriin ang oras ng recording para mapatunayan kung totoo o hindi bai to?" Mabagal na tanong ni Xinghe, at ang kanyang titig ay matalim.

Tulad ng pumutok ng lobo, napasalampak na lamang sa sahig ang nanghihinang si Wushuang.

Deretsong iniutos ni Mubai, "Officers, ngayong alam na ninyo ang katotohanan, kilala na siguro ninyo kung sino ang aarestuhin tama?"

"Sandali lang!" Hiyaw ni Chui Ming bigla bago nagpatuloy, "Kahit na tunay ang recording, hindi maiaalis ang katotohanan na gustong saktan ni Xia Xinghe ang aking asawa at anak. Parte pa din siguro ito ng kanyang plano!"

"Alam mo ba? Nakakalungkot na hindi ka abogado dahil nagsasalita ka ng may sobrang paniniwala sa mga bagay kahit na alam mong mali itong lahat," sarkastikong sagot ni Xinghe.

Hindi pinansin ni Chui Ming si Xinghe. Hindi siya natinag at nagpatuloy pa, "Alam kong hindi pepekein ng asawa ko ang kanyang pagbubuntis para lang ipagdiinan ang isang tulad mo."

"Isa lamang ito sa mga patunay na hindi mo lubos na kilala ang asawa mo, o magkasabwat kayong dalawa. Bakit hindi tayo tumawag ng doktor ng matapos na? Para malaman na din natin ang totoo." Suhestiyon ni Xinghe, ang mga mata niya ay matiim na nakatitig kay Wushuang.

Ang nakokonsensiyang tingin ang gumuhit panandalian sa mata ng babae ang nagkumpirma sa mga suspetsiya ni Xinghe.

"Well, ano pa ba ng hinihintay ninyong dalawa?" Susog ni Xinghe sa kanila, hindi na sila binigyan pa ng pagkakataon na makalusot, "Chui Ming, Xia Wushuang, ang tanging paraan para mapatunayan ang sinasabi ninyo ay suriin ng doktor ang bata. Ito na ang pinakahihintay ninyong sandali kaya bakit may agam-agam pa kayo?"

Pumipintig ang talukap ng mga mata ni Wushuang, at tinapunan niya ng nakamamatay na tingin si Xinghe…

Sigurado na sila ng 90 porsiyento na masisira nila ang babaeng ito.

Pero hindi nila inaasahan na mauunahan sila nito.

Natalo sila ni Xinghe sa pagkakataong ito; sumablay ang kanilang plano…

Nasukol si Chui Ming ng mga tanong ni Xinghe. At hindi naman siya makapapayag na pisikal na suriin ng doktor ang kanyang asawa.

Hindi naman totoong nagbubuntis si Wushuang. Ang kanilang orihinal na plano ay ianunsiyo ang 'pagkakalaglag' matapos madala sa presinto si Xinghe.

Nang sa ganoon, ang hatol sa kanya na willful at malicious injury ay sigurado na.

Masyado nilang minaliit si Xinghe. Hindi nila inaasahang magdadala ito ng pen recorder.

Ang hindi nila alam; hindi pagkakataon lamang na dinala ang pen recorder. Pinaghandaan ito ni Xinghe. Alam niyang may gagawing masama sa kanya sina Chui Ming at Wushuang kung dadalo siya sa pagtitipon kaya pinaghandaan niya ang mga ito.

Kung hindi siya pinagdiskitahan ng mga ito, matatapos sana ng matiwasay ang party. Kaya, sa ibang salita, sila na mismo ang humukay ng libingan nila.

Nahulaan ni Xinghe na gugustuhin siyang patayin ng dalawa at, nakakalungkot man, hindi siya nabigo.

"Isa akong doktor kaya hayaan ninyo akong suriin siya," Bigla, may isang mataas at napakakisig na lalaki na nakatuxedo ang nagsalita sa isang baritonong boses.

Agad na nag-iba ang mga mukha ni Chui Ming at Wushuang nang makilala kung sino ito.

Hindi ba't ito ang maimpluwensiyang surgical expert na si Lu Qi?

Kilala sa buong bansa at sa iba pang lugar si Lu Qi dahil isa siyang henyong manggagamot, pamilyar siya sa lahat ng aspeto ng medisina at espesyalisasyon niya ang pag-oopera.

At ang pinakaimportante sa lahat, nanggaling siya sa isang nakakahangang pamilya.

Kahit na ang pisikal na pagsusuri lamang na ganito ay hindi maaaring mapeke dahil si Lu Qi ay isa sa mga taong hindi makakayang supilin ni Chui Ming gamit ang kanyang impluwensiya….

Matapos makita ni Mubai na si Lu Qi ang nagprisinta, tumango siya ng may pagsang-ayon. "Lahat ay naniniwala sa kakayanan ni Doctor Lu. Kaya nakakasigurado akong walang tututol kung siya ang magbibigay ng physical check-up."