Chapter 80 - PAGGANAP

"Oo naman, oo naman…" Hindi na nakapagtataka na walang tumutol.

Walang lakas ng loob na tumutol maski sina Chui Ming at Wushuang.

Kung ihahalintulad ito sa kwento ng isang teleserye, dapat ay hihimatayin na si Wushuang sa tagpong ito at sa kung totoo lamang, sana ay inisip niya ito ng husto na hindi ito gagana dahil nandoon si Lu Qi.

Xia Xinghe, ang buwisit na babaeng ito ay ipinahamak sila ng husto!

Gigil na tinitigan ni Wushuang si Xinghe, ang puso niya ay naghuhumiyaw na pira-pirasuhin si Xinghe!

Kung hindi dahil sa kanya, hindi sana siya mapapahamak ng ganito.

"Hindi na natin kailangan pang abalahin si Dr. Lu, gusto ko lamang bigyan ng isang katanungan ang aking asawa," sabi ni Chui Ming at binigyan ng isang nakakaunawang tingin si Wushuang, "Wushuang, magsabi ka ng totoo sa akin, ipini-frame mo ba si Xinghe?"

Alam ni Wushuang na siya ang siniset-up ng asawa para sa kanya mapunta ang sisi.

Ito lamang ang pinakamainam na paraan para hindi mapasama ang asawa.

At wala siyang ibang pagpipilian para tanggapin ang aksyon na ito dahil siya naman talaga ang may pasimuno ng lahat…

Agad na tumulo ang luha sa mga mata ni Wushuang habang umiiyak ito sa labis na kalungkutan, "Honey, patawarin mo ako pero hindi ko naman akalain na lalaki ang bagay na ito sa ganitong paraan. Nagseselos ako sa katotohanan na si ate lamang ang palaging nasa mga mata ni daddy kaya gusto ko lamang siyang turuan ng isang maliit na leksyon. Hindi ko naman talaga gustong mapasama siya, gusto ko lamang na may makapansin sa akin…"

"Ginawa mo ang alin?" Napatigagal si Chui Ming na tila ba hindi ito makapaniwala sa kanyang naririnig.

Ang pagganap na ito…

Gusto na talagang mabagal na palakpakan ni Xinghe ang dalawang ito.

"Honey, patawad. Ate, patawarin mo ako, kasalanan ko ito. Nagsisisi ako ng husto, kaya patawarin mo na sana ako…" agad na umiyak ng husto si Wushuang, nagbabakasakali na kaawaan pa siya ng madla.

"Ngayong inamin na niya ang katotohanan, Mr. Officers, pupwede na ninyo siyang damputin paalis," walang habag niyang sinabi. Nasira na ng kanyang mga luha ang make-up, itinaas ni Wushuang ang mukha at nagmakaawa kay Xinghe, "Ate, alam ko na ang pagkakamali ko, kaya pupwede mo na ba akong patawarin? Alang-alang na lamang sa pangalan ni daddy…"

"Shut it!" Sabat agad ni Xinghe, "Xia Wushuang, una sa lahat, hindi ikaw ang anak ng tatay ko, at kahit na ba hindi ka niya anak, minahal ka niya bilang isang tunay na anak. Kaya huwag na huwag mong isasali dito ang pangalan niya dahil may suspetsa pa din ako sa biglaan niyang pagkamatay at sa paraan na nakuha ninyo ng iyong ina ang lahat ng mga pamana niya."

Isa na naman itong bomba na gumulat sa buong madla.

Isiniwalat ni Xinghe ang katotohanan sa likod ng 'pagbubuntis' ni Wushuang kung kaya may dagdag itong puntos sa kanyang mga akusasyon. Ganoon na ba kalupit si Wushuang na makakaya nitong patayin ang sariling ama?

Bigla ay nagkatoon ng diskresyon ang mga taong nakatingin kay Wushuang.

Ano man ang maging katotohanan, ang akusasyon laban sa kanya ay mananatili laban sa kanyang reputasyon ng habambuhay.

Napamulagat si Wushuang kay Xinghe, ang kanyang mukha ay maputlang-maputla.

Hindi niya inaasahan na sasabihin ni Xinghe sa kanya ang bagay na iyon sa publiko.

Kailan pa siya naging malupit?

"Xia Xinghe, ang lakas ng loob mo na idamay ako?! Wala akong kinalaman sa pagkamatay ni dad; inosente ako!"

"Sinabi ko bang hindi?" Tugon ni Xinghe ng nakangiti. Agad niyang nilingon ang mga pulis at sinabi, "Mga sir, maaari na ba ninyong dakpin ang nagkasalang tao na ito palayo?"

Hindi malaman ng mga pulis ang gagawin ngunit sa huli, wala na silang pagpipilian pa kung hindi iutos, "Ms. Xia, maaari na ba kayong sumunod sa amin?"

Gusto pang lumaban ni Wushuang pero sumabad si Chui Ming sa kanya, "Honey, wala akong pakialam kung tama o mali ka, uupahan ko ang pinakamagaling na abogado para kumatawan sa iyo kaya huwag kang mag-alala. Kahit ano pa ang maging tingin sa iyo ng mga tao, ikaw pa din ang pinakabest sa puso ko. Mahal kita."