Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 788 - Paghihiganti

Chapter 788 - Paghihiganti

Ang He Lan villa ay tila isang matibay na tanggulan at si He Lan Chang ay parating madaming bodyguard na kasama. Napakaingat na nito, at nagawa pa ng mga itong masaktan ito, kaya paano nila ito nagawa? Pagkatapos, biglang naalala ni Deqing na may mas importante pa siyang ipag-alala.

Diretsong tumingin si Deqing kay Xinghe para magtanong, "Plano din ba ninyong saktan ang Young Master? Ang nakakahawang flu na ito ba ay kagagawan din ninyo?!"

"Talagang matalinong tao si Manager Huang, nagawa mong hulaan ng tama iyon," sabi ni Xinghe ng may bahagyang ngiti.

Namutla ang mukha ni Deqing. "Kayo pala ang may gawa!"

"Tama iyon! Pero huli na para malaman mo pa iyon," sabi ni Ali ng may mala-demonyong ngisi.

Natatarantang iwinasiwas ni Deqing ang kanyang mga kamay, "Hindi, hindi mo ako pwedeng patayin. Mapapansin sigurado ni Young Master ito at magdududa siya sa kamatayan ko, hindi kayo hahayaan pang makawala ng He Lan family!"

"Sa tingin mo talaga ay may oras pa para alalahanin ni He Lan Qi ang buhay o kamatayan mo?" Tanong ni Xinghe habang tinititigan ito. Doon lamang napagtanto ni Deqing na nakikipaglaban din sa karamdaman tulad niya. Kung sila mismo ay kakalabanin si He Lan Qi, papatawarin kaya nila ang isang hindi importanteng tao na tulad niya?

"Sino ba kayo? Bakit ninyo ito ginagawa?" Tanong ni Deqing ng kinakabahan. Ang kanyang pawis ay patuloy na tumatagaktak mula sa kanyang noo. Habang kaharap ang kamatayan, kahit ang ubo niya ay himalang nawala.

"Ang dahilan kung bakit namin ito ginagawa ay natural dahil sa… paghihiganti," malamig na tugon ni Xinghe, ang malamig na tinging sumusuri sa kanya ay kasing lamig ng hangin na nasa ibabaw ng nitso ng namatay. "Deqing, ang lahat ng inosenteng ulila na namatay sa iyong mga kamay ay nagbabalik upang multuhin ka."

Nanlaki ang mga mata ni Deqing sa takot. Normal sa kanyang isipin na ang pagpatay ay normal lamang, pero sa sandaling iyon, nilukob ng takot ang kanyang puso. "Ito ay dahil inutusan ako ni He Lan Chang, sumusunod lamang ako sa utos! Hindi ko pinatay ang kahit na sino sa kanila, hindi ako responsable sa kanilang kamatayan! Hindi mo maaaring basta na lamang ibintang ito sa akin, sumusumpa ako na hindi ko direktang pinatay ang isang tao dati pa!"

"Walang hiya!" Malakas na sinipa ni Ali ang dibdib nito; galit na galit na ito na handang pumatay. "Maaring hindi mo nga sila pinatay ng direkta, pero ikaw ang nagbigay ng utos. Huang Deqing, marami ka nang pinatay na inosenteng bata na kahit mamatay ka ng isang libong beses ay hindi pa din ito sapat para pagbayaran mo ang mga kasalanan mo. Dahil may lakas ka ng loob na mag-utos, dapat ay handa kang tanggapin ang kahihinatnan nito!"

Nahihirapang umubo si Deqing bago ito tumawa ng may kalamigan. "Wala sa inyo ang makakaalis dito ng buhay kapag pinatay ninyo ako. Ang lahat ng naririto ay pagmamay-ari ng He Lan family. Paano ninyo ipapaliwanag ang kamatayan ko sa kanila?! Pero…"

Bumaba ang tinig ni Deqing at nagbanta, "Kapag pinalampas ninyo ako ay magkukunwari akong walang nangyari kung hindi ay pare-pareho tayong mamamatay! May importanteng impormasyon ako sa He Lan family, hindi nila basta-basta pababayaan ang kamatayan ko ng ganoon na lamang."

Inisip ni Deqing na matatakot ng banta niya ang mga ito at sa totoo lang, nagbigay nga ito ng alinlangan sa grupo ni Xinghe…

Tila ikinunsidera na ni Xinghe ang ilang bagay bago nagsalita, "Posible sa amin na hindi ka patayin, pero sabihin mo sa amin ang lahat ng nalalaman mo, kundi ay itatapon ka namin sa labas ng bintana sa oras na ito!"

Nagmamadaling sinunggaban ni Sam si Deqing at kinaladkad ito patungo sa bintana. Pabalagbag na binuksan nito ang bintana at pumasok na ang lamig ng hangin…

Pinuwersa ni Sam na mailabas ang itaas na bahagi ng katawan ni Deqing sa bintana at nang tumingin sa madilim na labas si Deqing, pakiramdam niya ay bibigay ang kanyang mga paa. Ang kanyang silid ay nasa ikasampung palapag, ang pagbagsak niya mula dito ay siguradong ikakamatay niya.

Habang nakikita ang takot nito, kinaladkad siya pabalik ni Sam, isinalya siya patungo sa sahig at isinara ang bintana.

Nanghihina si Deqing sa pagkakabalagbag sa kanya sa buong silid. Ginamit na niya ang natitira pa niyang lakas para hilahin ang sarili patungo sa pader. Sumandal siya sa pader at tinitigan sila ng masama. "Wala kayong lakas ng loob na patayin ako. Ako ay…"

Bago pa siya makatapos, sumigaw siya sa sakit dahil ang isa sa kaniyang mga braso ay biglang pinilit na mapilay. Dumanak ang pawis sa kanyang mukha at sa wakas ay nakuha na ng utak niya na seryoso ang mga taong ito.