Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 789 - Ako Mismo Ang Makikitungo sa Iyo

Chapter 789 - Ako Mismo Ang Makikitungo sa Iyo

"Kapag tumanggi ka pa ding makipagtulungan, ang tainga mo na ang susunod!" Inilabas ni Ali ang kanyang punyal at pinasadahan ng matalim na bahagi ng kanyang kutsilyo ang baba ni Deqing. Takut na takot si Deqing. Marahil ay ito ang takbo ng buhay, ang mga mas walang puso na tumatrato sa iba ay siya pala ang pinakamalaking duwag. Tinatrato nila na parang wala lamang ang buhay ng ibang tao, pero pinahahalagahan nila ng husto ang sarili nilang mga buhay. Para mabuhay, ipapangako nila ang lahat.

Tumango ng hindi nag-iisip si Deqing. "Sasabihin ko sa inyo ang lahat! Pero ano ba ang gusto ninyong malaman? Hindi ba't nadiskubre na ninyo ang lahat tungkol sa ampunan?"

"Paano mo ipinadadala ang mga bata sa lugar na iyon sa bawat pagkakataon?" Biglang tanong ni Xinghe.

Natigilan si Deqing bago napagtanto kung ano ang tinutukoy niya. Bigla ay nalaman niya kung gaano niya minaliit ang babaeng ito. Hindi nito hahayaan ang kahit na anong maliit na detalye na hindi napapansin, pipigain nito ang bawat patak ng impormasyon na makukuha nito mula sa kanya…

"Magsalita ka!" Naramdaman ni Deqing ang malamig na bakal ng punyal ni Ali na dumapo sa kanyang leeg. Hindi sinasadyang napabulalas siya, "Nagpapadala sila ng mga tao para kuhanin ang mga bata, ang tanging kailangan kong gawin ay isaayos ang ilang tao para sumunod sa kanila."

"Ano pa?"

"Iyon lang. Responsable lamang ako sa pangangalaga ng mga bata, wala na akong kinalaman pa bukod pa doon."

Tumango si Xinghe at patuloy na nagtanong, "Ilang bata ang namamatay kada taon?"

Matapat na sumagot si Deqing, "Kakaunti lang, hindi ganoon karami."

"Gaano karami ang kaunti?" Itinaas ni Xinghe ang kanyang kilay.

Sumagot si Deqing matapos na lumunok, "Isa o dalawang ulila ang namamatay kada taon, isinusumpa ko."

"Mukhang hindi mo pa natututunan ang leksiyon mo, putulin mo ang isa sa mga tainga niya!" Biglang utos ni Xinghe.

Humigpit ang hawak ni Ali sa kanyang punyal ng natatarantang idinagdag ni Deqing na, "Mayroong apat o lima, hindi maaaring marami, kung hindi ay madidiskubre kami. Hindi namin maaaring ilagay sa peligro ang ampunan!"

"Apat o lima ay kaunti pa din?" Uyam ni Xinghe. Ang Angel Orphanage ay dekada na ang operasyon, kaya naman kung mayroong apat o limang kamatayan kada taon, gaano na kaya karami ang bilang ng mga namatay. Isa pa, siguradong binibigyan sila ni Deqing ng konserbatibong numero, ang aktuwal na numero ay mas mataas pa siguro!

Sa kongklusyon na ito ay wala talaga sa kanila ang tao!

"Xinghe, huwag na natin aksayahin ang oras pa sa kanya, patayin na natin siya!" Angil ni Ali sa nakatagis niyang mga ngipin. Habang iniisip ang napakaraming inosenteng buhay na namatay sa mga kamay nito, hindi na makapaghintay pa si Ali na iturok ang kanyang punyal sa puso nito.

Kabadong sumigaw si Deqing, "Nakikipagtulungan naman ako, at nangako kayong pakakawalan ninyo ako!"

"Sinabi nga namin na hindi ka namin papatayin, pero hindi nangangahulugan nito na wala kaming gagawing iba sa iyo," malamig na sambit ni Xinghe.

Nahihintakutang tumingin sa kanya si Deqing. "Ano ang pinaplano mo?"

"Ang mga gamot." Hindi sumagot si Xinghe pero iniunat ang kamay tungo kay Lu Qi. Agad na inilabas ni Lu Qi mula sa kanyang medical bag ang isang heringgilya. "Ang gamot na ito ay makasisiguro na hindi na siya makakagalaw o makakakilos pa sa natitirang panahon ng buhay niya. Magiging isa na siyang gulay, pero mayroon siyang malay."

Namutla ng husto ang mukha ni Deqing—

Pagkatapos ay nakita niya na naglalakad palapit si Xinghe sa kanya na hawak ang heringgilya. Walang temperatura sa kanyang tingin.

"Hindi, hindi mo maaaring gawin ito sa akin, hindi… Saklolo, tulungan ninyo ako…"

Ang bibig ni Deqing ay tinakpan ni Sam. Pinigilan ni Ali ang mga braso at hita nito para maiwasan nito na manlaban. Nagpupumiglas si Deqing ng buo niyang lakas pero wala itong silbi, ang isang manager ng ampunan ay walang sinabi sa dalawang propesyunal na mersenaryo.

Tumigil sa kanyang harapan si Xinghe at tumalungko. Nagsalita ito sa kanya, "ang totoo hindi ako personal na nakikialam sa pakikitungo sa mga taong tulad mo dahil isa itong aksaya ng oras ko, kaya naman ikunsidera mo na isa itong karangalan dahil nagawa mong dumihan ko ang sarili ko. Ang kasalanan mo ay napakalaki na ang galit ko ay mawawala lamang sa pamamamagitan ng pagdadala ng hustisya ng personal. Tandaan mo, ang karma ay palaging nanonood—"

Nang matapos ito, ibinaon na ni Xinghe ang heringgilya sa braso niya!

Related Books

Popular novel hashtag