Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 784 - Dalhin si Manager Huang sa Kwarantina

Chapter 784 - Dalhin si Manager Huang sa Kwarantina

Alam ni Deqing ang bigat ng sitwasyon at lubos itong nakipagtulungan. Kahit na nagsisimula nang dumilim, magulo pa din sa ampunan. Punung-puno ng kaba ang ere. Kung isang malawakang pagkahawa ng flu ang kumalat sa ampunan, ang kanilang sikreto ay mabubunyag. Wala sa kanila ang makakaligtas sa paghatol kahit na nagtatrabaho sila para sa makapangyarihang He Lan family, kaya naman, lahat sila ay nagdarasal na isa lamang itong papawalang flu…

Sa ikinabigla ng lahat, matapos ang mahabang araw ng kaabalahan, biglang dinalahit ng ubo si Deqing. Kahit siya ay nagulat din. Parang sa isang cartoon, ang mga taong nasa paligid niya ay tumingin sa kanya lahat at umatras ng sabay-sabay!

"Ako ay…" binuksan ni Deqing ang kanyang bibig para magpaliwanag pero naputol siya ng mas maraming pag-ubo.

Agad na iniutos ni Xinghe, "Men, dalhin ninyo si Manager Huang sa kwarantiya para mas masuri siya."

"Yes!" Nakasuot sa kanilang pagbabalat-kayo na mga bodyguard, sina Wolf at Sam ay nakamaskara at nakagwantes na iginiya palabas ng silid si Deqing.

Nagpupumiglas sa panic si Deqing, "Pakawalan ninyo ako, wala akong sakit! Ako ay… ubo …"

Pormal na sinabi ni Xinghe, "Manager Huang pakiusap ay makipagtulungan ka. Hindi natin dapat hayaang kumalat pa ang flu na ito!"

Matapos niya itong sabihin, ang lahat ng tao ay hiniling na agarang maialis si Deqing doon. Hindi nila isasakripisyo ang lahat para sa isang tao kahit na ang taong iyon ay ang manager. Kaya naman, ang walang magawang si Deqing ay iginiya na paalis.

Dahil ang balita ng nakakahawang flu ay hindi maaaring isapubliko para sa kanilang kaligtasan, ang mga doktor na dinala ni Xinghe ay binago ang isa sa mga gusali sa ampunan para gawing lugar ng kwarantiya. Wala sinuman ang maaaring lumapit ng walang permiso. Siyempre, walang gustong lumapit doon ng kusa.

Ang mga silid ay isterilisado at nakabukod. May mga gwardiyang nakaposte sa harap ng bawat silid ng kwarantina. Hindi nagtagal, si Deqing ay ipinasok sa isa sa mga silid. Hindi nagtagal matapos noon, ang lugar ay nagsimula nang mapuno…

Ang ilan sa mga bata ay pasyente na din, kaya naman inisip ng lahat na ang flu ay hindi seryosong sakit at ang grupo ni Xinghe ay pinalalaki lamang ito. Gayunpaman, matapos na ang maraming tao ang naipapadala sa kwarantiya, sinimulan ng kabahan ang buong ampunan.

Mayroong tatlumpung manggagawa at halos dalawang daang ulila doon. Paano kung lahat sila ay nahawa?

Ang resulta ay pareho lamang, mabubunyag sila!

Para maiwasan iyon na mangyari, ang He Lan family ay lubos na nakipagtulungan at hiniling na ang lahat ay magpakwarantiya. Ito ay dahil kapag lumabas ang flu na ito sa publiko at naging laman ng balita, ang kanilang sikreto ay mabubunyag at ang buong He Lan family ay babagsak.

Kaya naman, kahit na napakaraming manggagawa ang nagrereklamo dahil sa sapilitang kwarantiya, wala silang panama sa He Lan family na gustong maresolba ang bagay na ito ng tahimik.

Si Xinghe ang personal na alalay ni He Lan Qi kaya naman natural na siya ang maging pinuno. Isa pa, wala sa iba pang He Lan ang nangahas na pumunta sa ampunan dahil natatakot silang mahawa ng sakit.

Matapos nilang ikwarantina ang maraming bilang ng tao, ilang doktor ang nagpunta kay Xinghe na 'nagpayo' na ihiwalay ang kwarantina ng mga bata at matatanda. May balidong dahilan sa likod nito. Ang mga bata ay may mas mahihinang immune system kaysa sa mga mas matatanda, kaya naman hindi nakakainam para sa kanila na makwarantina sa parehong lugar ng mga matatandang pasyente. Mabilis silang mahawahan. Kaya naman, kailangang paghiwalayin ang mga matatanda sa mga bata.

Kahit na ang mga hindi nagpapakita ng sintomas ay kinailangang manatili ng dalawang araw para maobserbahan.

Ang lahat ng mga bata ay tinipon sa isang hiwalay na gusali. Ang gusali ay napakaraming guwardiya at hindi lahat ay pinapayagang pumasok. Ang grupo ni Xinghe lamang ang taliwas dito. Tuwing dinadala ni Xinghe ang kanyang mga tauhan para suriin ang mga batang ito, nalaman niya na masunurin ang mga bata. Hindi na nakakapagtaka dahil pinalaki ang mga ito na makinig lamang sa utos at wala nang iba pa. Kahit na sa masyadong magulo na mga oras na ito, napakamasunurin pa din nila ng husto.

Related Books

Popular novel hashtag