Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 783 - Nakakahawang Flu

Chapter 783 - Nakakahawang Flu

Perpekto ang plano dahil wala itong kahit na anong panganib. Tulad ng inaasahan nila, binigyan sila ni Xinghe ng pinakamainam na solusyon, walang problema dito na hindi niya masosolusyonan. Nang nasa lugar na ang plano, hindi na nag-aksaya pa ng oras si Xinghe at agad na kinontak si Lu Qi.

Matapos na marinig ang lahat, madaling napapayag si Lu Qi. Ang gumawa ng nakakahawang flu ay napakadali sa kanya. Sobra ang pagkahumaling ni Lu Qi sa pagiging isang medical scientist; ang koleksiyon niya ng mga weirdong gamot at mga halamang-gamot ay makakapagpahiya sa halos lahat ng mga doktor. Siyempre, ang nakakahawang sakit na ginawa niya ay hindi magagamot ng mga normal na doktor sa napakaikling panahon at oras.

Sa tulong ni He Bin, nagawang makakuha ni Lu Qi ng contagion source mula sa isang hayop.

"Ang ganitong klase ng nakakahawang flu ay magkakaroon ng kaparehong sintomas ng normal na flu. Maaaring mukha itong seryoso, pero hindi ito nakakamatay at so far ang strain ng flu virus na ito ay hindi pa nadodokumentuhan sa mga publikong record kaya naman hindi pa sila makakahanap ng gamot para dito," nagmamalaking sambit ni Lu Qi bago idinagdag na, "Pero huwag kang mag-alala dahil alam ko kung paano gumawa ng bakuna."

"Nasubukan mo na ba ito dati?" Tanong ni Xinghe.

Tumango si Lu Qi. "Siyempre, nasubukan ko na ito ng maraming beses, sinubukan ko pa nga ito sa sarili ko dati."

Nagulat sa nalaman ang grupo ni Ali. Ang kanyang titulo na mad scientist ay may tamang dahilan nga.

"Kung gayon, gagamitin natin ito," sabi ni Xinghe bago humarap kay He Bin, "Nangangahas ka bang kuhanin ang panganib?"

Naintindihan ni He Bin ang ibig niyang sabihin, gusto nitong maging siya ang Patient Zero.

"Siyempre, naniniwala ako kay Doctor Lu," sabi ni He Bin ng walang hesitasyon. Nakagawa na nang kabaliwan si Lu Qi tulad ng paglalagay ng alaala niya sa utak ni He Lan Qi kaya ano naman ang maliit na bagay tulad ng maliit na bakuna ng flu? Kaya naman, payag siyang tanggapin ang panganib. Isa pa, ang katawang ito ay hindi naman sa kanya kaya ang pagtanggap ng panganib na ito ay wala lamang sa kanya…

Ganoon na lamang, nagsimula na ang plano ni Xinghe ng opisyal. Hindi nagtagal ay nagkasakit si He Bin. Nagsimula itong umubo at ang kanyang temperatura sa katawan ay tumaas. Ilang doktor ang nagsagawa ng pisikal na pagsusuri sa kanya at nagkaroon sila ng pare-parehong kongklusyon. Nagkaroon siya ng nakakahawang flu, at nakuha niya ito sa ampunan mula sa maysakit na batang lalaki!

Para magkaroon ng mas mainam na paghawak sa sitwasyon, kinailangan ng mga doktor na ilabas ang batang maysakit mula sa ampunan para makwarantina at masuri.

Nang mabalitaan ito ni Deqing, nagulat ito. "Paanong magkakaroon ng nakakahawang flu? Wala sa mga bata dito, kahit na ang bata mismo, ang nagpapakita ng sintomas ng flu."

"Maaaring nakatago ang virus sa kanyang katawan. Kahit na ano pa, importanteng madala sa ospital ang mga bata para masuri. Manager Huang, pakiusap ay tipunin mo ang lahat ng taong nakasalamuha ng bata nito lamang para makapagsagawa kami ng mabilis na inspeksiyon. Kasama ka na doon, Manager Huang," sabi ni Xinghe, na nakasuot ng isang maskara.

Hindi agad naniwala sa kanyang mga sinabi si Deqing. Hindi siya naniniwala na may flu. Gayunpaman, matapos ang mabilis na kumpirmasyon mula sa He Lan family, na sinasabing nagkasakit si He Lan Qi ng nakakahawang flu, naniwala na siya. Ang totoo, natatakot siya na baka may sakit na din siya.

Habang tinitipon ang lahat, si Deqing ang pinakauna para magpasuri ng kanyang dugo. Ang lahat ay kinailangan din itong gawin…

Tungkol sa batang maysakit, isinaayos ni Xinghe na makuha siya ng kanyang mga tauhan. Siya ang pinagmulan ng sakit, kaya naman nakwarantiya siya. Dahil nga naman sa ang ampunan ay puno ng mga bata, mas madaling kakalat ang sakit kung mananatili siya.

Personal na pinaalalahanan ni He Bin si Deqing na hindi siya dapat pumayag na may masamang mangyari sa mga batang ito dahil sila ang mga importanteng asset ng He Lan family, ang mga importanteng binhi na ito ay dapat maprotektahan!