Chapter 781 - My Business

Ang mga batang ito ay talagang walang ipinagkaiba sa mga aso…

Ang mga aso sa ampunan ay hindi sila trinato bilang tao kundi bilang mga tuta!

Sa ilang banda, pakiramdam ni Sam at Ali na nasasakal. Hindi pa sila nakakaramdam ng sobrang sama at nalulungkot tulad ng dati. Tila ba isang malaking bola ng apoy ang naipon sa kanilang mga dibdib, at kapag hindi nila ito ibinuga, ay masusunog sila ng buhay.

Higit ang epekto nito sa kanila. Mahirap ito kahit kina Xinghe at He Bin, na siyang nakakita sa mga ito ng personal, na makita na naman itong muli, lalo na ang grupo ni Sam na puro maiinitin ang ulo. Kaya naman, ang grupo ni Sam ay hindi na masikmurang tapusin ang video hanggang dulo.

"Xinghe, tara na at patayin silang lahat!" Hiyaw ni Ali na puno ng luha ang mga mata sa galit at sakit.

Seryoso ang mukha ni Sam at ng iba pang lalaki. Umangil si Sam, "Kami na ang gagawa, hindi namin kayo idadamay! Hindi ko kayang maupo dito at walang gawin, patayin na natin ang mga bastardong iyon at iligtas ang mga bata!"

"Tama iyon, gawin na natin ito ng sarili natin at huwag na kayong idawit pa," mariing sambit ni Cairn. Direktang inilabas ni Wolf ang kanyang baril at nagsimula ng bilangin ang kanyang mga bala…

Napansin ang ginagawa nito, ang iba pang SamWolf ay ganoon na din ang ginawa. Lahat silang apat ay mga ulilang pinalaki sa magulong bansa ng Country Y, kaya naman nauunawaan nila ang mga minalas na batang ito ng lubusan. Kaya naman tuwing nakakakita sila ng ulilang minamalas, ang kanilang mga puso ay parang pinipiga sa sakit. Paano nagawa ng mga magulang na abandonahin ang inosente nilang anak?

Marahil ay may mga paghihirap din ang mga magulang, pero mas malala ito, ang ampunang ito ay kinupkop sila at malupit silang trinato. Ano ba ang nagawang mali ng mga batang ito? Wala!

Kung mananahimik lamang ang Diyos habang nangyayari ang kasamaang ito, kung gayon ay tutulungan nila ito na magdala ng hustisya. Kahit na maaaring ang buhay nila ang maging kapalit, hindi sila mananatiling tahimik at hayang magpatuloy ang kalupitang ito. Kailangang may gawin sila!

Wala nang makakapigil pa sa kanila. Handa na sila sa loob lamang ng ilang minuto; ang galit ay nagpawala sa kanila ng kanilang pasensiya at huwisyo. Nabigo silang makita kung paano sila nagpapadalos-dalos.

"Kumalma kayong lahat. Wala kayong magagawang mabuti kung magpapadalos-dalos kayo," mahinang paalala sa kanila ni Xinghe.

Umismid si Sam, "Hindi na namin kayang kumalma! Huwag kang mag-alala, hindi kami basta papatay lang, at ginagarantiyahan namin na hindi nito masisira ang plano mo."

"Xinghe, sa amin na ito. Responsibilidad na namin ito kaya hayaan mo na kami," payo sa kanya ni Ali. "Alam kong kumikilos kami ng padalos-dalos, pero ganito kami kumilos. Hindi na namin mapapayagan pa ang kalupitang ito magpatuloy pa; wala sa amin ang kayang sikmurain ito ng tahimik. Kaya kahit ang buhay namin ang maging kapalit nito, wala na kaming pagsisisihan. Kaming apat ay ganito; ito ang dahilan kung bakit nakaligtas ng matagal ang SamWolf. Salamat sa pag-aalala mo sa amin, pero wala nang saysay pang baguhin ang utak namin."

"Tama iyon, business namin ito!" Pagtatapos ni Wolf.

Biglang nagtanong sa maawtoridad na boses si Xinghe, "Ano ang ibig ninyong sabihin na business ninyo lamang ito?"

Natigilan ang grupo ni Ali dahil hindi nila inaasahan ang galit mula sa kanya. Tumayo si Xinghe at masungit na tiningnan sila. "Hindi ninyo ito business, akin ito. Ito ay dahil sa akin kaya tayo naririto, paghihiganti ko ito, ang paghahanap sa aking ina. Ang lahat ay may kinalaman sa akin, kaya naman business ko ito at paano kong hahayaan na lahat kayo ay harapin ang panganib na ito? Hindi ko sinasabing hahayaan lamang natin sila. Maupo kayo at pakinggan ang plano ko, pagkatapos ay magpasya kayo kung gusto pa din ninyong magpadalos-dalos o hindi."

Ngumiti ang grupo ni Ali. "May plano ka na agad?"

Related Books

Popular novel hashtag