Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 782 - Intelligence Overload

Chapter 782 - Intelligence Overload

Bahagyang tumango si Xinghe.

"Xinghe, ano ang plano mo?" Sabik na tanong ni Ali. Payag silang makinig sa sinasabi nito dahil ang mga plano nito ay hindi pa pumapalya. Kung may naisip ito, hindi na nila kailangan pang magpadalos-dalos at isugal ang kanilang mga buhay ng walang ingat.

Kahit si Sam ay nangako, "Kahit na ano pa ang plano mo, kahit na direkta pa itong may pagbabanta sa buhay namin, handa kaming gawin ito! Ibigay mo na ang utos at kami na ang bahala sa iba pa."

"Tama iyon, gamitin mo kami sa anumang paraang nais mo," mariing dagdag ni Wolf. Nakikita ang kabaitan at kasiglahan ng mga ito, wala sa puso ni Xinghe na ipadala ang mga ito sa isang death mission. Siyempre, hindi naman talaga iyon ang plano niya.

Ngumisi siya at sinabi, "Ang plano ko ay walang ganoon. Huwag ninyong kalimutan na si He Bin na ang may kontrol sa buong He Lan family."

Nagulat si He Bin, pero hindi pa siya ganoon kamakapangyarihan para isara ang buong operasyon ng ampunan. Ang lahat ay ganoon din ang iniisip. Bigla, sumingit si Ee Chen para sabihin, "Gusto mong ipatanggal kay He Bin ang manager ng ampunan?"

"Imposible iyan," agad na sala ni He Bin. "Dalawang henerasyon na nang ang Huang family na ang nagpapatakbo ng ampunan. Ang bawat sikreto ng ampunan ay nasa kanilang mga kamay. Maaaring tapat sila sa akin sa panlabas, pero kung may gagawin akong makakasama sa sinasabing misyon, hindi sila magdadalawang-isip na magrebelde laban sa akin."

"Hindi na kailangan pang tanggalin siya, ang tanging kailangan lamang nating gawin ay magkasakit siya," sabi ni Xinghe.

"Magkasakit? Paano?" Tanong ni He Bin.

Agad na naintindihan ni Mubai ang plano ni Xinghe. Tumingin siya dito at ngumiti. "Plano mo siyang magkasakit ng flu?"

Napatawa si Mubai, "Nataon na ang batang iyon ay nagkasakit, at ito ang magiging pinakamahusay na panakip-butas."

"Maiiwasan nito ang pagdududa ni Huang Deqing at mareresolba agad ang lahat ng walang ginagawang ingay."

"Gayunpaman, pansamantala lamang ito."

"Hindi ito magiging problema, ang pakay natin ay makabili ng ilang oras. Hindi magtatagal, ang problema ay permanente nang mareresolba."

"Tama iyon!" Tumango si Xinghe ng nakangiting may nalalaman.

Gumanti si Mubai ng ngiting may laman. "Maganda itong plano, sinusuportahan ko ito ng lubusan. Isa pa, si Lu Qi ay nasa Country R pa; oras na para magpasiklab siya."

"Sang-ayon ako, kung ganoon ay ito na ang gagawin nating plano."

"Ano'ng plano?!" Nabablangkong napatingin sa kanila si Ali. Ano ba ang pinag-uusapan ng dalawang ito?

Kahit si He Bin at ang iba pa ay hindi rin makaintindi.

"Hindi pa din ba ninyo naiintindihan kahit na sinabi na namin ang lahat?" Tanong ni Mubai habang sinulyapan niya ang mga ito ng tingin. Gusto talaga siyang bigyan ni Ali ng eye-roll. Isang bagay na gamitin ng mga ito ang talino nila para ipakita ang pagmamahalan pero ngayon ay binababaan sila nito ng tingin? Talaga bang kailangan pa iyon?

Gayunpaman, dahil hindi naman sila gaanong nabiyayaan ng talino, kumpara sa dalawang ito, napapatango na lamang sila.

Mabagal at klarong nagpaliwanag si Xinghe, "Hindi ba't nagkasakit ang isang batang lalaki ngayon? Hahanap tayo ng paraan para magkasakit ito ng nakakahawang flu pagkatapos ay ito ang magiging dahilan natin para ihiwalay ang mga malalapit sa kanya, tulad ni Huang Deqing at ang maraming doktor at guro mula sa ampunan at sa iba pang mga ulila."

"Ano ang susunod na mangyayari?" Patuloy na tanong ni Ali.

Ngumiti si Xinghe at sinabi, "Kapag nasa kwarantina na sila, ay magiging tupa na sila sa ating katayan, magagawa na nating harapin ang mga kailangan nating harapin at pakawalan ang mga inosenteng partido."

Ngayon, sa wakas ay naintindihan na nila ang lahat!

"Xinghe, balak mo bang pakitunguhan si Huang Deqing kapag nasa kwarantina siya? Dahil sa kwarantina, ang mga bata ay kailangang ihiwalay sa mga matatanda, dahil iyon ang katanggap-tanggap na protocol at ito na din ang paraan para protektahan sila na masaktan sa proseso, tama?" Tanong ni Ali para makumpirma.

"Oo." Tumango si Xinghe.

"Kung gayon, agad mo nang kontakin si Doctor Lu. Kailangang simulan na natin ang operasyon sa lalong madaling panahon," sabik na sabi ni Ali, bilang kinakatawan ng lahat.