Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 768 - Malaking Kasiyahan

Chapter 768 - Malaking Kasiyahan

"He Lan Qi?" nabigla si Chui Qian. Ano ang ginawa ng mga taong iyon kay He Lan Qi para pumayag ito na makipagtulungan sa kanila?

"Tama iyon, si He Lan Qi. Mula ngayon, siya ay kabilang na sa atin."

"Isa na sa atin?!" gulat na ulit ni Chui Qian. Para sa kanya ang mga sinabing ito si Xinghe ay pawang kalokohan.

Hindi na ito idinetalye ni Xinghe, mahina lamang niyang sinabi, "Pag-uusapan natin ang detalye kapag nagkita na tayo."

"Okay." Ayos sa ganoong usapan si Chui Qian. Sa ganoong paraan, sumibol sa kanyang puso ang tiwala kay Xinghe, ayos lang sa kanya ang lahat ng gusto nito. Gayunpaman, mahirap pa rin para sa kanya na paniwalaan na ang lahat ay nasolusyunan na.

Mula ngayon, nagkaroon na siya ng lubos na siyang malaya mula sa pagkontrol ni He Lan Chang?

Habang nasa biyahe si Xinghe para makipagkita sa kanya, si Chi Qian ay puno ng antisipasyon at pangingilabot. Sa isang banda, natatakot siya na baka niloloko lamang siya ni Xinghe, sa kabilang banda, nagdarasal siya na totoo ito. Pagkatapos niyang makipagkita kay Xinghe at tatlong beses itong kumpirmahin sa kanya, ang bato na nasa puso niya ay bigla na lamang natanggal at nakaramdam ng kaginhawaan sa buong katawan niya. Nagniningning na ngumiti si Chui Qian; isang liwanag ang kumikislap mula sa kaibuturan ng kanyang puso.

"Miss Xia, paano mo nagawang maalis sa kapangyarihan si He Lan Chang? Pakiramdam ko na ang plano ay mabilis na naging matagumpay."

Talaga naman, may mga pagdududa talaga sa mga taong hindi nakakaalam. 

Kalmadong ipinaliwanag ni Xinghe, "Si He Lan Qi ang namahala sa pagpapabagsak kay He Lan Chang."

Nabigla si Chui Qian. "Si He Lan Qi? Hindi ba anak siya ni He Lan Chang…"

"Anak nga siya ni He Lan Chang, pero may ilang mga sekreto sa pagitan ng ama at anak. Pagkatapos malaman ni He Lan Qi ang ilan sa mga katotohanan, nagpasya siyang pumanig sa amin."

"Ganoon ba? Anong uri ng sekreto ang itinatago ni He Lan Chang mula sa kanyang anak?" naiintriga si Chui Qian. Kilala na niya ang mag-amang ito ng maraming taon, hindi niya kailanman napansin ang anumang pag-aaway sa pagitan ng dalawang ito.

"Ipagpaumanhin mo pero iyon ay isang personal na impormasyon na wala akong kalayaan na ilabas. Huwag kang mag-alala, talaga namang nagsisi na si He Lan Qi at sila ay magiging mapagkakatiwalaang kakampi natin. Nangako pa siyang makikipagtulungan sa atin kahit na anong mangyari. Hindi siya magsasalita ng kahit ano tungkol sa iyong sitwasyon."

Tinanong ni Chui Qian, "Kung gayon paano naman si He Lan Chang?"

"Buhay pa sila, pero gugugulin nalang niya ang natitirang bahagi ng kanyang buhay sa pamamagitan ng paghiga sa kama dahil isa na siyang inutil."

Sa mga sandaling iyon, isang bagay ang lumitaw sa isipan ni Chui Qian. Nararapat lamang iyon sa walang hiyang iyon!

Bagaman hindi niya personal na napaghigantihan si He Lan Chang, nakaramdam pa din siya ng malaking kasiyahan sa paghihiganti dito. Ang pinakamalaking banta sa kanya ay ang pananatiling buhay ni He Lan Chang. Ngayon na wala na sa kanyang daan ang matandang lalaki, wala na siyang dapat na alalahanin pa. Dahil sa naging handa si He Lan Qi na pagbagsakin si He Lan Chang, ito ang nagpapakita na maaari itong pagkatiwalaan.

Ang punto ay ganap niyang mapagkakatiwalaan si Xinghe. Kaya naman, nagpasya na siyang tumigil na subukin pang maghukay pa ng mas maraming detalye, maganda na ang resulta at iyon lamang ang kailangan niya.

"Miss Xia, sa pagkakataon na ito, pinahanga talaga ako ng iyong samahan, at natutuwa ako na napili kong makipagtulungan sa iyo. Kung kailangan mo ng tulong ko sa mga susunod na panahon, pakiusap huwag kang mag-atubiling magpunta sa akin, kung kaya kong tuparin ang iyong kahilingan, sinisiguro ko sa inyo na gagawin ko ang lahat ng makakaya ko," matapat na sabi ni Chu Qian, na may malalim na pagpapahalaga.

Nakipagpalitan ng tingin si Xinghe kay Mubai na nakaupo sa tabi niya at sinabi kay Chui Qian, "Nagkataon na sinabi mo na rin niya dahil sa kailangan talaga namin ang tulong ni Mr. President."

Pabalik na nagtanong si Chui Qian, "Ano iyon? Sabihin mo sa akin."

"Gusto naming malaman ang lahat ng tungkol sa He Lan family."

Nalito si Chui Qian. "Hindi ba pwede ninyong makuha ang lahat ng impormasyon na ito mula kay He Lan Qi? Naniniwala ako, na mas may alam siya kaysa sa akin."

"Lumalabas na maging siya ay pinagtaguan ng mga impormasyon ni He Lan Chang. Ilang mga impormasyon lamang ang kanyang nalalaman; kaya naman, hinihiling naman na punan ang patlang sa tulong mo."

Nakauunawang tumango si Chui Qian. Nang hindi na nagtatanong pa ng anumang katanungan, ikinuwento na niya ang kasysayan ng He Lan family, "Katulad ng dapat ninyong malaman, ang He Lan Qi ay lumipat sa Country R animnapung taon na ang nakakalipas."