"Nang sumunod na mga taon, ang kanilang negosyo ay lumago ng husto at naging pinakamayaman sa buong Country R… Gayunpama, hindi dito tumigil ang kanilang ambisyon. Gamit ang kanilang maraming kayamanan, nagawa nilang mapasok ang maraming departamento ng gobyerno at nilangisan ang palad ng ilang importanteng tao."
"Hindi naglaon, sila mismo ay naging sponsor ng kauna-unahang satellite launching center ng Country R. Pagkatapos, sinimulan ng He Lan family ang kanilang ampunan para makakuha ng mga talento. Habang lumalaki ang mga bata, inihahanda naman sila ng He Lan family para pumasok sa iba't ibang sektor at importanteng pwesto sa gobyerno.
"Masasabi mo na mula sa umpisa, hindi tumigil sa paglago ang He Lan family at ang tunay na kapangyarihan sa pulitika ng Country R ay hawak nila. Ang nakakapagtaka pa nga, may kinalaman sila sa bawat naging presidente ng bansang ito. Marami sa kanila ang naging presidente sa tulong ng suporta nila.
"Tatlumpung taon na ang nakakaraan, ang He Lan family ay isang pangalang bukambibig ng lahat sa buong Country R dahil ang impluwensiya nila ay madadama sa buong bansa. Gayunpaman, makalipas ang ilang taon, nagsimula na silang magtago at lumayo sa mata ng publiko. Pero hindi nangangahulugan nito na ang kanilang ambisyon ay nawala na. Marami sa kanilang mga tauhan ay nasa gobyerno pa din at may hawak pa din silang kapangyarihan at impluwensiya.
"Ang tanging aksidente ay nangyari sampung taon na ang nakakalipas. Dahil sa biglaang pag-unlad ng kultura at ekonomiya, ang pamumuhay ng mga mamamayan ay nagkaroon ng malawakang pagbabago. Ang pagbubukas ng mga border ay naging daan para magsimulang maniwala sa demokratikong ideyolohiya ang mga tao.
"Hindi nagtagal, ang pagkapanalo ng mga konserbatibong presidente ay natapos, at isang bagong gawa na demokratikong partido ay nagawang manalo sa pagkapresidente. Mula noon, ang konserbatibong partido at Demokratikong partido ay walang tigil na nagpaligsahan. Habang ang atensiyon ng lahat ay nakuha ang labanan ng dalawang partido na ito, ang He Lan family ay naging matagumpay sa pagtatago mula sa mata ng publiko.
"Sa mga panahong iyon, sinusubukuan nilang makuhang muli ang kapangyarihan at doon na pumasok ang Chui family. Napahanga si He Lan Chang sa kasaysayan ng aking pamilya at potensiyal kaya naman pinili niyang makipagtulungan sa amin. Sinusuportahan at sinasanay niya kami.
"Matapos ang taon ng aming pagpupunyagi, sa wakas ay nakuha ko na ang pwesto ng pagiging presidente sa tulong ni He Lan Chang. Inisip ko na ito na ang simula ng paraiso sa akin, at ang buhay ko ay magiging maayos na. Nagkamali pala ako, dahil ito pala ang simula ng aking mga bangungot.
"Matapos kong mapili, nagsimula nang magbigay ng mga misyon si He Lan Chang sa akin at ang ilan sa mga ito ay katanggap-tanggap pa. Gayunpaman, ang mga misyon ay palapit ng palapit para maging ilegal matapos lamang ang ilang panahon. Halimbawa, gusto niyang tulungan kong pagtakpan ang ilang kriminal na gawain ng kanyang pamilya, tulungan siyang makakuha ng ilang benepisyo gamit ang kapangyarihan ko, at italaga ang mga tao niya sa mga importanteng departamento sa gobyerno…
"Isa itong malupit na siklo dahil sa mas maraming bagay na tinutulungan ko siya, mas maraming ebidensiya ang ibinibigay ko sa kanya para gamitin sa akin. Tila isa itong kumunoy, na kung saan mas nanlalaban ako, mas mabilis at mas malalim naman ang aking paglubog."
Napabuntung-hininga si Chui Qian. Nakikita ni Xinghe na isa itong lalaki na may konsensiya at ang mga iligal na gawain ni He Lan Chang ay nagpapabagabag dito. Gayunpaman, nakulong siya sa kulungang siya mismo ang gumawa. Ito ang pinili ng Chui family mula sa simula; nakipagkasundo sila sa isang demonyo, kaya naman dapat ay pangatawanan nila ito!
Gayunpaman, hindi na mapapayagan pa ni Chui Qian ang nabubulok na tumor na tinatawag na He Lan family na magpatuloy sa pagsipsip ng buhay sa Country R, kaya naman nag-iipon siya ng nakakasirang impormasyon sa He Lan family sa likuran ng mga ito.
Nagpaplano siyang pakawalan ang mga ito kapag nagretiro na siya o napilitang magretiro. Umaasa siya na ang impormasyong nakalap niya ay magiging sapat para sirain ang He Lan family!
Pagkatapos, nagplano si Chui Qian na magpatiwakal para pagsisihan ang mga kasalanang ginawa niya sa kanyang pinakamamahal na bansa.