Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 759 - Pumunta ng Mag-isa si Xia Xinghe

Chapter 759 - Pumunta ng Mag-isa si Xia Xinghe

"Mayroon ka pang tatlong oras para ihanda ang lahat, kaya huwag mong gawin na ang tatlong oras na ito ang huling oras ng buhay mo!"

Matapos na sabihin ni He Lan Chang ang lahat, ang bawat pantig nito ay nababahiran ng galit, ibinagsak na nito ang telepono. Hindi na niya binigyan pa si Chui Qian ng pagkakataon na ipaliwanag ang kanyang sarili. Ibinaba ni Chui Qian ang kanyang telepono at nilamig ang kanyang katawan na tila nakaupo siya sa loob ng isang taguan ng yelo. Ang panggigipit sa kanya noong mga nakaraang linggo ay nagpawala ng kulay ng kanyang mukha at ang kanyang mga galaw ay tila makina.

Natutulala siyang nakaupo doon, hindi malaman ang kanyang gagawin. Ang sinag ng araw na tumagos sa bintana ay sumilaw sa kanya hanggang sa pakiramdam niya ay nahihilo siya at nahihirapan na siyang huminga. Matapos ang malalim na pag-iisip sa nakaka-stress na kapaligiran, huminga ng malalim si Chui Qian at tinawagan si Xinghe. "Miss Xia, nawawalan na ako ng oras. Kung hindi ko iaanunsiyo ang pagbibitaw ko sa pagiging presidente bago mag-alas dose, kukuhanin ni He Lan Chang ang buhay ko. Marahil, dito na magtatapos ang pagtutulungan natin."

"Mayroon pang nalalabing tatlong oras bago mag-alas dose," mahinang sambit ni Xinghe.

Pagak na tumawa si Chui Qian at sinabi, "Oo nga, mayroon pang natitirang tatlong oras bago mag-alas dose. Alam mo ba na halos sampung taon ang inilagi ko sa kontrol niya bago ko nakuha ang pwestong ito? Gayunpaman, binigyan lamang niya ako ng tatlong oras para ibalik ito. Maaaring isa itong magandang bagay dahil sa wakas ay makakawala na ako sa panggigipit. Paprangkahina na kita, ayos lamang sa akin na isuko ang pwestong ito, pero matapos nito, magiging isa na lamang akong abandonadong tauhan ni He Lan Chang. Kung si He Lan Chang naman ang pag-uusapan natin, ang mga araw ko ay nabibilang na. Inihahanda ko na ang sarili ko para harapin ang mga kahihinatnan ng pagtanggap ng idudulot ng demonyo, pero humihingi ako ng tawad na hindi na kita matutulungan hanggang sa bandang huli. Hinihiling ko na ang lahat ay maging mabuti para sa inyo. Ginawa ko na ang lahat ng makakaya ko."

May langkap ng kalungkutan at kawalan ng pag-asa sa boses ni Chui Qian. Tila ba lahat ng pag-asa ay nawala na sa kanyang buhay.

Matapos ang pag-amin na ito, sumagot ng kalmado si Xinghe, "Mr. Chui, malaki na ang itinulong mo sa amin. Panoorin mo ng husto ang tatlong oras na ito. Hindi mo na kakailanganin pang isuko ang lahat at hindi matatagal ay matatakasan mo na ang kontrol ni He Lan Chang. Ito ang pabuya na matatanggap mo sa pagpili na makipagtulungan sa amin."

Nabigla si Chui Qian. "Ano ang sinabi mo?"

Kung talagang makakaligtas siya ng ang lahat ng parte niya ay walang bawas at higit pa, ang matakasan ang kontrol ni He Lan Chang?

Hindi na inulit pa ni Xinghe ang kanyang sarili. Sinabi niya, "Ang realidad ang magpapakita sa iyo. Mr. Chui, hintayin mo na lamang ang mabuti kong balita. Ito na ang oras para makita ko si He Lan Chang."

"Magpapakita ka kay He Lan Chang?!" Nahigit ni Chui Qian ang kanyang hininga sa pagkabigla. "Hindi mo maaaring gawin iyan; hindi ka niya hahayaang lumabas ng buhay sa kanyang villa!"

Ngumiti si Xinghe mula sa kabilang dulo ng telepono. "Kabaligtaran ang naisip mo. Hindi ko mapapatawad si He Lan Chang sa lahat ng ginawa niya. Mr. Chui, hindi na ko na ipagpapatuloy pa na kumbisinsihin ka ng mga salita; makikita mo na lamang ng iyong sarili kung sino ang tama mamaya lamang."

At pagkatapos nito, ibinaba na ni Xinghe ang tawag ng walang paliwanag. Nag-aalala ng husto si Chui Qian. Talaga bang mapapabagsak ni Xinghe si He Lan Chang sa loob ng maikling panahon?

Inisip ni Chui Qian na maaaring hindi ito posible, pero malaki ang kumpiyansa nito sa telepono. Hindi maiwasan ni Chui Qian na magbunyi para dito at ipagdasal ang kanyang kaligtasan.

Gayunpaman, sa kabilang banda, ang lohika naman niya ay nagsasabi, paano niya magagawang pabagsakin ang isang makapangyarihang tao tulad ni He Lan Chang sa napakaiksing sandali?

Sa anumang kaso, hindi malaman ni Chui Qian kung ano ang plano ni Xinghe, pero ito lamang ang pag-asa niya. Kaya naman, hindi mapakali si Chui Qian sa opisina ng presidente, nagdarasal na marinig na mula dito ang mabuting balita…

Mag-isang pumunta si Xinghe sa He Lan Villa. Ang biglaan niyang pagdating ay nagbigay ng pagkagulat kay He Lan Chang. Ang mga tauhan ni He Lan Chang ay naghahanap pa din dito sa buong bansa at iprinisinta nito ang sarili sa kanyang bahay… Hindi na niya papalampasin pa ang pagkakataong ito na mawala sa kanyang mga kamay.

Gayunpaman, ang kanyang paranoia ay nagsasabi sa kanya na, dahil nangahas itong pumunta at harapin siya ng mag-isa, marahil ay nagpunta ito ng handa.