Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 757 - Ang Lahat ay Malapit nang Matapos (Katapusan ng Country R Arc)

Chapter 757 - Ang Lahat ay Malapit nang Matapos (Katapusan ng Country R Arc)

Nangangahulugan nito na hindi mababayaran ni He Lan Chang ang kanyang piyansa kahit na gustuhin pa niya. Kailangang manatili ni He Lan Qi sa kulungan. Galit na galit siya habang nakakulong siya ang young master ng kapita-pitagang He Lan family, paano nila nagawang ipahiya siya ng ganito?

Ginuguol ni He Lan Qi ang bawat oras na gising na nakakulong sa loob ng kulungan; malapit na siyang mabaliw. Pero, wala naman siyang magagawa kundi hintaying makita ng kanyang ama si He Bin. Tanging ang pagkakahanap kay He Bin lamang mawawala ang kaso ng pagpatay sa kanya.

Gayunpaman, maraming oras na ang nakalipas, at hindi pa din makita ng mga pulis si He Bin. Hindi lamang iyon, hindi rin nila makita ang partido ni Xinghe.

Sa kaparehong panahon, malaki ang naging epekto nito sa mga negosyo ng He Lan family, malaki na ang kanilang ikinalulugi. Tuwing ikalawang araw kung sila puntahan ng mga pulis para imbestigahan at sobra na ang inis na nararamdaman ni He Lan Chang. Lalong tumitindi ang galit nito habang lumilipas ang mga araw, at ang pagnanais na patayin si Xinghe at ang mga taong nakapalibot dito ay lalong tumitindi.

Sumasama na din ang pakitungo niya kay Chui Qian. Ito ay dahil hanggang ngayon ay hindi pa din nahahanap ni Chui Qian ang mga taong nais niyang makita. Halos araw-araw ay ibinubunton sa kanya ni He Lan Chang ang galit nito. Binibigyan siya ni Chui Qian ng iba't ibang dahilan para aluin ito, pero sa bawat pagkakataon na ibinababa niya ang tawag, ang kagustuhan ni Chui Qian na mawala si He Lan Chang ay lalong tumitindi.

Gayunpaman, halos kalahating buwan na at wala pa ding ipinakikitang senyales na kikilos si Xinghe. Kapag hindi nito sinimulan ang plano nito, kukuhanin ni He Lan Chang ang ulo niya.

May sinindihang apoy sa ilalim ni Chui Qian si He Lan Chang at agad nitong tinawagan si Xinghe para tanungin ang progreso nito. "Miss Xia, malapit ng maubos ang pasensiya ni He Lan Chang. Kailan mo sisimulan ang iyong plano?"

"Ang plano natin ay nagsimula na, at maayos naman ito. Bukas, kakailanganin namin ang iyong tulong para makagawa ng paraan na makalapit kaming muli kay He Lan Qi, huwag kang mag-alala dahil ang lahat ay magkakaroon din ng katapusan," mahinang sambit ni Xinghe pero malaki ang kumpiyansang makikita sa tinig nito.

Ang sagot niya ay pinatigil ang mga katanungan ni Chui Qian. Sabik siyang sumagot, "Okay, isasaayos ko na agad ang lahat!"

Sa puntong ito, wala na siyang pakialam kung ano pa ang plano nila, ang gusto lamang niya ay mawala na si He Lan Chang sa kanyang likuran. Natatakot siya na baka hindi na din siya makapagtimpi pa.

Gayunpaman, sa pagkabigla ni Chui Qian, matapos ang sikretong pagkikita ng partido ni Xinghe kay He Lan Qi, ay nagkasakit ng malubha si He Lan Qi. Wala itong malay, at matas ang naging lagnat nito. Sa kaparehong oras na ito, nakatanggap siya ng tawag mula kay Xinghe na nagsasabing ipasundo kay He Lan Chang ang anak nito.

Natigilan si Chui Qian. "Gusto mong pakawalan ko si He Lan Qi?"

Tumango si Xinghe. "Tama iyon. Kasalukuyang wala siyang malay at kailangang bumalik sa kanyang pamilya kundi ay baka manggulo si He Lan Chang."

"Ano ang ginawa ninyo kay He Lan Qi?" Nag-aalalang nagtanong si Chui Qian. Maaaring pumayag siyang makipagtulunan sa kanila at arestuhin si He Lan Qi, pero hindi ibig sabihin nito ay hahayaan niya na may masamang mangyari kay He an Qi dahil hindi pa ito ang tamang oras para dito. Kung may mangyari mang masama kay He Lan Qi, kukuhanin ni He Lan Chang ang buhay niya.

"Miss Xia, hindi ngayon ang oras para kalabanin si He Lan Chang!" Paalala ni Chui Qian sa seryosong boses. "Kung wala ka pang lubos na kumpiyansa, huwag mo munang sukulin si He Lan Qi kung hindi ay baka gumanti na lamang ito."

Agad na nakita ni Xinghe ang pag-aalala nito. Kalmado siyang sumagot, "Huwag kang mag-alala, hindi mamamatay si He Lan Qi, ang totoo nga, masasabi ko na magiging maganda ang kalusugan niya. Kapag nagising siya, ang lahat ay matatapos na."

"Bakit?" Nalilito si Chui Qian.

Ngumisi si Xinghe. "Hindi ko masasabi ang mga detalye sa ngayon, pero ipapaliwanag ko ang lahat kapag tapos na at selyado na ang kaso. Mr. Chui, nasa isang hakbang na lamang tayo mula sa katapusan, kailangan mong maniwala sa amin dahil ang masasabi ko sa iyo, ang plano namin ay siguradong magiging matagumpay."

Nakita ni Chui Qian ang tiwala at determinasyong kumikislap sa mga mata nito. Sa ibang kadahilanan, nakaramdam siya ng katiyakan at piniling maniwala dito.

Related Books

Popular novel hashtag